Nagulat kayo kung bakit Daddy's gone ang title ng part na to no?! Well, read this first. DON'T FORGET TO VOTE HA?!
PART2PART2PART2PART2PART2PART2
I went home na. Then laking gulat ko na may ambulansya sa harapan ng bahay namin. Nagmadali akong pumasok sa bahay. Then, pagkapasok ko agad na may nagdarambong sa itaas. Agad kong pinuntahan si daddy dahil siya lang ang nasa itaas.
Pagkaakyat ko ay..
May hulog na maleta na animo'y hindi nakayanan ng bumitbit. I rushed on daddy's room then suddenly..
Napasigaw ako "Daddyyyyyyyyyyyyyy!"
May matandang gumulantang sa harap ko pagkabukas ko ng pinto.
Sumigaw rin ang matanda.
"Aaaaaaaaaaaaah!"
Agad siyang tinapik ni daddy sa balikat.
"Ma, that's your apo!"sabi ni daddy.Napatahan ang matanda sa pagkagulat at nagsalita ng kalmado. "Ah, ganun ba?" Sabi niya pa. Umupo yung matanda sa kama.
"Dad!" Tinawag ko si dad. "Sino siya?" Dagdag ko.
"Ah yung lola mo! Sa kanya ka na titira." Saad ni daddy.
"Eh yung maleta anu yun? Bakit parang nahulog?" Tanong ko pa.
"Sinubukang ibaba ng lola mo yung maleta kaso nabigatan siya. Ang kulit niya nga eh." Salita niya.
"Eh yung ambulansya sa labas?" Tanong ko ulit. Mukhang nakukulitan na siya sakin.
"Wag kang mabibigla anak pero.." Kinabahan ako. May namatay naman ba sa pamilya namin? Hindi ko maintindihan. Mababawasan ba ang lahi namin?Bumilis ang tibok ng puso ko na parang may nararamdaman akong hindi maganda.
Yun ang sasakyan ko papuntang airport." sabi ng tatay kong ulol. Binigla niya ako.
"Whut? Yun? Hindi ka ba pwedeng magcommute na lang?" Sabi ko ng pabalang.
"Pinahiram lang yan. Kaya wag ka nag mag-alala. Isa pa, magiging mabilis ang pagdating ko sa airport dahil nakasakay ako sa ambulansya." Sabi pa niya.
Tapos lumabas na kami ng bahay. Plano ko, ihahatid ko si tatay papuntang airport. So iniwan na lang muna namin si lola sa bahay.
Binuksan ni daddy ang pinto sa likuran ng ambulansya.
"Dad, may pasyente. Diyan talaga ba tayo sasakay?" Sabi ko.
"Dali, sakay na! Naghihingalo na nag pasyente." Sabi ni Daddy na parang nagmamadali.
Sumakay na lang ako. No choice. Si papa, nasa front seat. Kaya kaming tatlo na lang ang nasa likuran: ang nurse, ang pasyente at ako. Sobrang payat ng pasyente na animo'y isang hawak mo lang ng braso ay mababali na. Pinilit ko na lang na huwag tumingin. Sa halip, tumingin na lang ako sa bintana. Napakabilis ng ambulansya. Bigla na lang may humawak sa aking kamay. Ang pasyente yon! Nagulat ako.
"Aaaahh!"
"Hoy, wag kang sumigaw. Nakakairita!" Sabi ng nurse na kanina pa nakatitig sakin.
"Criselda, wag mo'kong iwan?" Sabi ng pasyente sakin. Napaisip ako kung sino si Criselda.
"Lolo, ako si Criselda," sabi ng nurse."Ako ang apo niyo!" Dagdag pa nito.
Ay? Siya pala si Criselda? ang panghi.
"Eh kung ganon sino siya?" Sabi ng matanda.
"Ah siya po? Dadalhin siya sa mental hospital."
Napatingin ako sa nurse ng masakit. Agad niya rin akong tinignan ng masakit. At biglang may nagbukas ng pintuan. Dadalhin na ang pasyente sa E.R. Buti nga, wala na ang nurse. Wala nang perwisyo. Ako na lang mag-isa sa likuran. Nagpatuloy nang umandar ang ambulansya papuntang airport. Sa wakas, nasa airport na rin kami. Ibinaba na ni daddy ang maleta. Bumaba na rin ako.
"Sweetie!" Agad akong niyakap ni papa ng mahigpit.
"Pa, ang corny mo naman. Magkikita pa nga tayo eh." Sabi ko habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata.
"Heto na ang huling yakap ko sa'yo kaya lulubusin ko na!" Sabi niya. Nararamdaman ko ang luha niya na pumapatak sa aking balikat.
"I love you sweetie," pumalag siya sa pagyayakap sa'kin. He grabbed the.handle of the luggage bag.
"I love you too papa!" I replied.
"Magpapakabait ka sa lola mo ha?" Sabi niya habang naglalakad papasok sa airport.
"Syempre naman. Hindi ako magiging makulit sa kanya." Sigaw ko dahil napakalayo na niya. Ngumiti na lang siya at napatingin na lang sa entrance.
Ngumiti na lang ako ulit pero this time mas maliit na ngiti.
Lilingon na ako para sumakay ng ambulansyang humatid sa amin sa airport ng biglang...
"Oy! Iniwan ako ng ambulansya! Pano na yan?" Napaluhod ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala pa akong dalang pera.
BINABASA MO ANG
Ghost Busted
Teen FictionRoberto, isang lalakeng ipinanganak noong panahon ng Hapon. Wala pa siyang may napapasagot na kahit isang babae nang dumating ang isang dilag sa kanilang baryo. Adelina ang pangalan nito. Malaki na sana ang tyansang makuha niya ang puso ni Adelina...