Part 1 - Monique's Existence

19 0 0
                                    

I'm Monique! I have a boring life except when I party and hang out! Nasa college palang ako and nursing yung pinili kong course.

Well, my mother, sister, brother died.

My mother, nagkaroon ng stroke. Sister ko naman, well, nahulog sa bangin. My brother, in a plane crash. I live with my daddy now.

Palagi akong nasa school dahil sooooooobrang boring sa bahay. Inaya ako ni Camill na magpa-Jollibug para makipagkwentuhan. So sumama na lang ako.

Pagkadating namin doon ay nandon rin ang iba naming kasamahan: Sina Jannelle, Francis, Marah, at Xander.

"Kala ko tayo lang? Bakit nandyan sila?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba gusto? The MORE the MERRIER?" Sagot niya sakin ng pasarkastiko.

"Ughh.. pati sila makakaalam ng sikreto kong isasabi ko sa'yo?" Dagdag ko pa.

"Kaibigan mo sila, mapapagkakatiwalaan!" Sabi niya't hinila na'ko papunta sa table kung saan nandoon rin ang iba. Pinaupo ako ni Camill sa silya tapos hinawakan ang aking mga balikat para hindi ako makaalis.
"Guys, may sasabihing sikreto si Monique. Be sure hindi kayo iiyak." Seryosong sabi ni Camill.

"Ano may namatay sa inyo? Hindiiiiiii!" sabi ni Jannelle, Ang oa naming friend. Sa sobrang oa niya ay nahulog na siya mula sa ikalawang palapag sa isang building sa paaralan namin.

FLASHBACKFLASHBACKFLASCHBACK

"Alam niyo guys," sabi ni Camill sa grupo. "Namatay na si..." hindi pa natapos magsalita si Camill nang biglang sumigaw si Jannelle.

"Ano, may namatay? Ano na lang ang gagawin ko kung wala siya. Ano? Ano? Ano???????????" Sabi niya habang naglalakad ng paatras. Umabot na siya sa dulo ng 2nf floor at nahulog siya nang lalo pang umatras.

Agad na tumakbo ang grupo ni Camill sa dulo ng floor at nagulat ito sa nakita. Nabali si Jannelle, umiiyak. Agad siyang sinigawan ni Camill.
"Hoy, Jannelle, namatay lang yung pusa namin!"

"Ano?!" Sabi ni Jannelle na napahawak sa likod niya.

Agad na nagresponde ang medics para idala sa clinic si Jannelle.

MOVINGONMOVINGONMOVINGON

"Hoy Jannelle, naaksidente ka na sa kaOAan mo ha?" Sabi ni Camill. Tumigil na lang si Jannelle.

"Guys.. what I'm trying to say is..." hindi ako napatapos nang biglang sumulpot si Francis, ang kaibigan namin na tila pinagsakluban ng langit at lupa. Lahat na lang sa kanya boring.

Nagsalita siya."Na ano? Lilipat ka na ng school? Tapos magiging boring na lang yung grupo natin dahil mawawala ka? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Diretsuhin mo na kami."

"Eto na nga eh," sumbat ko sa kanya. "Sasabihin ko na nga!"

"Dahil guys, lilipat nako ng tirahan." Sabi ko.

Agad na nagsalita si Xander "Sus, maliit na bagay."

Xander, Xander, Xander. Lahat ng mga bagay sa kanya hindi BIG DEAL. Pero kung lovelife ang pinag-uusapan, naku yan ang Big Deal para sa kanya.

"Hay, Xander, nagsalita ang walang problema!" Sabi ni Marah, ang kaibigan naming maganda. Habulin ng mga lalake. Pero isa lang ang konsepto niya sa Pag-Ibig: WALANG FOREVER!

Pagkatapos non ay umorder na si Camill. Anim na BurgerYan, anim rin na GladysFries, and Cowk. Kumain na kami then isa isa kaming nagsiuwian.

Ghost BustedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon