0

95 2 0
                                    

Sa highschool, umpisa nito yung pagiging mas mature na pag iisip, pananalita at galaw. Syempre iba na ang henerasyon ngayon! Datiy ung mga grade 7 a.k.a. 1st year eh mga matitino kaysa sa higher level nila pero ngayon mas sumasabay na sila. Alam niyo kung bakit? Nauso na kasi yung mga gangster gangster na yan. Cr1me h00dkz B3nt3h , crown fLicK ChiQk, etc. At kung ano ano pang ka gaguhan ng mga kabataan.

Eto namang mga grade 8 (second year) aba! siyempre hindi rin papatalo, sila yung mga nakamove on na sa pag papatugtog ng mga kantang breezy boys/breezy girls na kantahan madqlas pa nga mga repablikan, curse one mga ganon? Yung tipong nakarinig lang ng kantang pinapatigtog nila dati hal. "Sana ako nalang ulit" halos ma bingi na yung tenga nila pag naririnig yon with matching speaker pang tig singkwenta pesos sa bangketa. Pero mas nag fofocus na sila kung ano yung mas bagong uso ngayon.

Grade 9 (3rd year) sila yung mga taong medyo matured na kung mag isip, hindi naman lahat pero yung iba lang. Sa panahon ngayon ang mga kabataan eh mas ginugustong manatili kung ano sila dati. Halimbawa: maging gangster, taga hithit ng weeds, rugby o kahit tambutso ng sasakyn. Para masabi lang nila na cool sila at makapag status sa facebook ng YOLO kahit hindi naman talaga YOLO (You Only Live Once) yung pinag gagagawa nila. Dito daw madalas lumalabas ang sungay ng mga estudyante. Mas nagiging pasaway at matigas ang ulo. Dito rin yung henerasyon na yung kaklase mong tahimik o kaya walang ginagawa sa klase lalo na kung babae, eh sila pa yung !ga nag sisipag buntisan! Hala sige! Papakainin kayo ng dickies at sigarilyo ng mga asawa ninyo. Eto rin yung panahon kung saan mas marami ang estudyanteng patagong lumalandi at magkakaroon ng mga girlfriend or boyfriend.

Grade 10 (4th year) "Sa wakas ilang buwan nalang gra graduate na!" Yan yung palaging bukambibig ng mga estudyanteng gragraduate. Ito ang pick season kung saan kung kelan gragraduate na saka sila tinatambakan ng mga gawain ng mga teacher na halos wala na silang oras magpagwapo o magpaganda sa sarili dahil na s-stress sa mga pinapagawa sa kanila. Pero in the end of the day graduation din naman ang tuloy niyan! Tapos back to zero dahil college naman ang next. Pero yung mga naabutan ng k-12 program ng gobyerno, well 2 taon pa ang gugugulin niyo.

Subaybayan niyo ang kwento kong ito.

Yung mga nakaulat sa taas ay base sa aking mga obserbasyon. :)

Mag enjoy kayo!

Support, vote and comment ! ❤❤

Kwentong HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon