Kabanata III

56 0 0
                                    

"Himala ata? Maaga kang pumasok?" Mukhang gulat at nagtataka si Anna habang inilalagay nya yung bag niya sa upuan.

"Eh ano naman sayo?"

"Wala nakakapanibago lang." Tumayo siya at umupo sa tabi ko.

"Gusto ko kasing magbago." Mahinahon kong sinabi pagtapos ay lumingon sa bintana.

"Malungkot ka ba?"

"Ewan ko. Teka? Bat ba ang pakelamera mo?" Nakakaasar na to parang reporter kung mag interview at magbusisi ng mga bagay.

"So? I'm just curious about you."

"May gusto ka ba sakin? Ikaw Anna, hindi dapat ikaw ang nanliligaw!"

"Aba! Ang kapal mo! Sinong may sabing nililigawan kita!" Deny niya.

"Oh bat ka defensive?"

"Alam mo pogi ka sana kaso ang sungit, tamad at wala kang pake sa mundo."

Biglang..

"Ayieeeeee!! Yung love team nag aaway na naman!" Sabat nitong si Clarissa.

"Oo nga! Baka kayo magkatuluyan niyan?!" Sapaw naman ni Jethro

"The Rival lovers! Hahahahaha!" Tukso naman ni Frederick

"Yuck! Ayoko nga! Mga letse kayo!" Tumayo si Anna mula sa kinauupuan niya at bumalik sa pwesto niya kung saan talaga siya nakaupo. Kasama niya yung dalawa niyang kaibigan na si Melanie at Justine habang inaasar siya sakin.

Warren POV

Inaamin ko maganda naman siya. Pero, ayoko ng babaeng madaldal si mama madaldal si ate madaldal! Ano ba?! Tinadhana ba ako para sa ganito. Matalino, mabait, hospitable naman tong si Anna pero di ko siya gusto. Dota lang ang pagtutuunan ko ng pansin!

Ay oo nga pala, kailangan kong magbago. 3rd year na ako gusto ko namang magingbproud si Mama bago ako makatapos ng Highschool. Na gu guilty ako sa nagawa ko.. Ayokong paiyakin si Mama..

Back to present: Araling Panlipunan

"Ang pilipinas ay mayroong estado at ano yon?" Walang nagtaas ng kamay pero nakita kong nag taas ng kamay si Anna, at nagtaas rin ako.

"Oh sige Warren"

"Ang estado ng pilipinas ay demokrasya, ang demokrasya ay nagpapatunay na malaya ang isang bansa hondi masyadong kpntrolado o pinipigilan ng pamahahalaan ang mga nasasakupan nito." Biglang nagpalapakan ang mga kaklase kong ugok, ano to? Tingin niyo sakin bobo ako?

"Sa tingin mo dapat bang demokrasya ang ipairal sa ating bansa? Bakit?" Sunod na tanong naman ni Sir Agustin.

"Opinyon ko lamang, pero hindi na dapat ipairal ang demokrasya sa bansang pilipinas dahil habang tumatagal ay nagkakagulo ang bawat pilipino, pataas ng patas ang porsyento ng krimen sa bansa. Siguro kung gagawing demokrasya ang isang bansa dapat munang isaayos ng pamahalaan ang nasasakupan nito. Kailangan ng ipatupad ang martial law, mayroon mang hindi mabuting maidudulot perp mas malaki ang posibilidad na maging disiplinado at maging maayos ang lahat." Umupo na ako at lahat nakatingin sa akin.

"Very good Waren Sarrosa! Matalino ka rin pala eh! Hindo ka lang nag rerecite sa akin. Parang nagbago ka ata."

"May inspirasyon sir!" Sigaw ni Clarissa

"Sino?" Tanmong ni Sir.

"Si Anna sir!"

"Ayiiee!"

"Walang forever!"

"Aww trulab"

Kung ano ano ng isinisigaw ng mga kaklase ko.

"O siya tigilan niyo na yan. Let's go back to our topic.

Sumunod pa ang ibang mga subject, halos lahat nagrerecite na ako.ang saya pala maging ganito. Yung may taong natutuwa sayo. Yung pakiramdam na masaya ka.
Nung mga bandang alasais ng gabi umuwi na ako.
Tinanong ako ni mama.

"Kamusta ang school anak?'

"Mabuti ma, may building parin."

"Yung pag aaral mo!"

"Okay lang ma. Masaya."

"Aba! First time ito anak ah"

"Basta ma. Pahinga na ako.

Pagpasok ko sa kwarto narinig ko si Ate Sophia at Mama

"Yang kapatid mo parang ang saya ngayon ah!"

"May inspirasyon ata yan!"

"Asus."

"Iimbiistigahan ko ma!"

"Bahala ka"

Kwentong HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon