Kabanata II

44 0 0
                                    

Maaga akong nagising, bangon tas kilos na. Syempre, may dota gaming pa kami ng mga barkada ko. Dadayo kami sa mga computer shop pustahan.

"Warren? Bakit ang aga mo?" Kunot noóng tanong ni mama.

"May dota gaming kami eh." Habang nasa lamesa nagmamadali akong mag almusal.

"Hay nako! Sana yang dota na yan nakakatulong sa sarili mo, sinasayang mo lang yang pera mo tsaka yang oras mo imbis na mag aral ka."

"Ayan na naman si mama eh! Ke aga aga nag fli fliptop ka na naman!"

"Ikaw kasing bata ka--"

"Hindi na ako bata ma! 15 years old na ako! Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko yung ginagawa ko!" Sa sobrang inis ko umalis ako ng walang paalam.

Habang naglalakad sa may eskinita nakita ko tong mga tropa ko sa tindahan ni Aling Rina. Tinawag ko sila.

"Hoy! Mga tukmooooolll!" Sabay takbo papunta sa kanila.

"Wow! Tangina si Captain nandito. Ano Game na?"

"Maya na Nard, badtrip kasi sa bahay puta."

"Yan ka na naman eh! Dota nalang agad para naman mawala badtrip mo!"

"Sige tara!"

"Ilan tayo?"

"Bobo! 5 tayo!"

"Ah kulang ng isa. May naisip ako." *rape face*

"Ano?"  Kunot ni Lenard

"Kunwari di tayo magkakakilala, dayo tayo dun sa kabilang barangay tapos kampi ko kayo Lenard at Cedrick tsaka ako. Tapos si Francis at Jeth kampi sila. Oh diba dalawa sila? Random natin hahanap sila ng kampi sa shop na yon pero kunwari hindi magkakilala si Francis at Jeth. Pustahan 100 bawat isa. Jeth at Francis ipatalo niyo yung laro. Satin din naman yung punta nun eh."

Jeth: utak amputa. Ge tara na.

Barangay Eslasyon

Una na akong pumasok sa computershop kasabay sila Lenard at Cedrick.

"Tol? Pustahan? 3v3"

"Ha? Wala akong kampi eh."

"Kami kuya! Dalawa lang kami" tinuro ni Francis si Jeth

"Baka naman magkakakilala kayo?"

"Hindi ah!" Tanggi ni Francis

"Ge. Game na."

Game 1

Ang daming nanonood na pulpol sa likod namin,dagdag pa tong init ng computer na nararamdaman namin.

"Putangina mo nard! Stun mo na!"

"Oh ayan! Puta galaw pa, badjao gaming amputa."

"Punta pa sa mid eh patay naman!"

"Bobo support ka sakin tanga neto!"

Kaming tatlo nag tra trashtalkan sa computershop. Syempre game 1 panalo kami.

"Puta, ano to dugaan?" Sabi ni kuyang ka pustahan namin.

"Anong maduga dito?"

"Ulol isa pa."
Last game

"Pumalag ka, tangina pa Slark slark pa bobo amputa hmmp! Ayan tangina mo patay ka ngayon sige! Takbo pa !"

"Hoy! Cedrick! Wag ka mag farm putangina! Sana nag farmville ka nalang!"

"Support bwiset! Tangina epal tong creeps!"

Biglang tayo si lenard.

"Awtsuuu, panalo kami. Pano ba yan? Amin na pusta niyo?"

Binigay naman ni Jeth yung 300 samin. Tumubo ng tig iisang daan.

"Salamat sa laro ! Mga pulpol!" Sabay sabay kaming tumakbo sa labas ng computer shop. Nung nakalayo na kami, nagtawanan kaming 5. Hinatihati namin yung pera.

"Oh ayan 150 sayo Warren."

"Bakit naman? Dapat patas tayo."

"Syempre ikaw nakaisip eh."

"Wag na. Hatiin niyo na. Sayang din yan."

"Ito talagang tarantadong to mabait din eh."

Napangiti nalang ako tapos nagpaalam na aalis na ako kasi may pasok pa.

"Sa susunod nalang!" Sigaw ni Francis.

"Ge"

Pag uwi sa bahay..

"Papasok ka?" Tanong sakin ni Sophia.

"Oo bakit?"

"Ah akala ko hindi e. Narinig ko away ninyo ni mama eh."

"Wala yun, "

"Pinabibigay ni mama tong baon mo." Inabot nya yung 70 pesos.

"Sige. Eh ikaw bat hindi ka pa pumasok?"

"May date kami ni Baby ko eh"kinikilig na sinabi nya.

"Pweh. Purket 18 na may karapatan ng lumandi nice one HAHAHAHA"

"Hindi ka pa kasi nanliligaw! Kaya di mo pa ma fefeel to no!"

"Sus. Paiiyakin ka lang nyan."

"Gawain niyo naman yang mga lalaki eh, tingnan mo si papa pinapaiyak lang si mama. "

"Pero di ako tulad niya."

"Kaya pala umiyak si mama kanina."

"Umiyak siya? Kanino?"

"Sayo. Grabe ka kasi eh" binatukan ako.

"Ge asikaso na ako."

"K fine!"

Nasa kwarto

"Umiyak si mama?.. Ano bang bago hindi ko naman kasaalanang masagot siya kaninang umaga.."

Natahimik ako ng ilang minuto bago ako kumilos at mag asikaso bago pamasok.


Kwentong HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon