Chapter 3

177 21 4
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 3
╚═════☩══✦══☩═════╝

Habang tinutulongan ako ni Trixie maghibis ay biglang pumasok si Auntie na masama ang tingin sakin. Napalabi naman ako dahil sa ginawa ko kahapon, buti nga kagabi hindi nila ako nahuli

"Saan ka pumunta kahapon ng walang paalam? Kelsey!" Tinignan ko naman si Trixie na nagulat sa narinig ni Auntie kaya nag peace ako sa kanya

"Sa bayan lang po kami Auntie" Sagot ko sa kanya kaya napa ekis siya ng braso niya

"Pero hindi ka nagpaalam, alam moba hinahanap ka ng mahal na reyna pero hindi ka mahanap dito sa loob ng palasyo!" Napakamot naman ako sa ulo ko kahit na hindi makati dahil sa narinig ko

Hindi ko naman alam na hinahanap pala ako ng mahal na reyna. Dapat din pala nag paalam ako dahil mukhang nag-aalala sila sakin

"Hindi na kayo aalis ngayon para pumunta sa bayan naiintindihan niyo ba?" Tumango naman kami ni Trixie at nakahinga ng maluwag nang marinig namin ang pagsarado ng pinto

"Lady Kelsey akala koba nag-paalam ka?" Tanong niya sakin "Sorry na akala ko kasi hindi ako papayagan" Sabi ko sa kanya ay ngumiti nalang

Natapos naman ako sa pagbibihis kaya dumiretso agad kami sa dining area para kumain. Naabutan ko naman dun ang lahat maliban kay Xaeious

Hindi ko narin siya balak kausapin dahil sa pinakita niya sakin kahapon na ugali. Hindi ko narin balak tignan si Prinsesa Taylor pati narin si Ishi

Balak ko sana tignan ang hari kaso wala akong nakita kaya nagtaka ako. Akala ko nandyan siya pero wala pala dahil ang reyna lang ang nakikita ko

Bakit kaya hindi pa kami umaalis sa palasyo? Pwede naman na kami umalis dito dahil hindi narin tuloy ang kasal. Ayos lang naman sakin yun kung hindi eh

Natapos naman kami kumain habang tahimik lang kaya eto ako kasama si Trixie naglalakad sa hallway. Hindi ko alam pero naboboring nako ngayon

"Tara Trixie gala tayo sa gubat na nandito sa palasyo" Sabi ko sa kanya kaya tinignan niya ako "Sige pero saglit lang may gagawin pako eh"

Tumango naman ako sa sinabi niya at umalis na siya, ano kaya ang gagawin niya?. Nag kibit balikat naman ako at lumabas na nang palasyo

Pumunta naman ako sa garden dahil dito ko gustong gumala, sa gilid kasi ng garden ay gubat na. Umupo naman ako sa cottage at tinignan ang paligid

Tumingin naman ako sa mga rosas at may nakita ako dung pamilyar na lalaki. Lumapit naman ako sa kanya para makita ko talaga ng malinaw

Si Xaeious naman ang nakita kona natutulog kaya umupo ako gilid niya at. Kaya ngayon kona nakikita ng malapit at malinaw ang mukha niya

Sobrang kinis at maputi, nahiya naman ako sa balat kung to. Tinignan ko naman ang kwentas niya at dun ko napag alaman na locket siya

Ibig sabihin pag binuksan mo ang kwintas ay may picture dun. Dahil sa curiosity ko ay hinawakan ko to at binuksan yun, alam kung mali ito pero titignan ko lang naman at hindi nanakawin

Pagbukas ko naman ng locket ay tumambad sakin ang isang babae na sobrang ganda ng ngiti. Napaka ganda niya lalo na ang buhok niyang kulay abo na mahaba

May hawak naman itong rosas at mukhang kinuha itong larawan ay dito sa harden. Kung ganon ang rosas na nasira ko ay sa babaeng to

Girlfriend niya ba siya? Kaya nandito ang larawan niya? At nagalit siya nung nasira ko ang rosas. Kaya pala ayaw niya ako pakasalan dahil meron pala siyang girlfriend

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon