Chapter 25

73 11 0
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 25
╚═════☩══✦══☩═════╝

Nag aayos naman ako ng damit nang may kumatok sa pintoan ko. Bumukas naman yun at niluwa ang isang maid

"Lady Kesley pinapasabi ni Lady Avery pakibilisan po" Tumango naman ako ngumiti

Tinignan ko naman ulit ang aking damit sa salamin bago lumabas ng kwarto ko. Sigurado kasing hinihintay na nila ako

Pagbaba ko naman sila Auntie agad ang nakita ko at ang mga maleta kung saan nandon ang mga suot ko

Ihahatid kasi nila ako sa palasyo dahil doon nako titira. Bukas narin kasi ang kasal namin

At ngayon ay maayos nako at hindi na tuliro sa nangyari samin ni Primo. Dahil naiintindihan kona ang lahat

"Ang tagal mo masyado Kelsey kanina pa kami nag hihintay" Sabi agad sakin ni Auntie at inutosan ang isang maid na ilagay sa karwahe ang mga maleta

"Hindi kopo kasi alam kung okay naba ang suot ko" Sabi ko pero hindi naman niya ako pinansin at sumakay nasa karwahe

Sumunod naman ako kay Papa na sumakay narin. Kaming tatlo lang ang nandito dahil ayaw sumama ni kuya

Nag simula narin umandar ang karwahe kaya tumingin ako sa labas. Ang bilis naman ng araw at bukas na ang kasal

"Auntie bakit ba hindi nalang tayo tumira sa palasyo ng sama-sama?" Tanong ko sa kanya

Sa totoo lang ayuko talaga mahiwalay sa kanila pero ayaw naman nila dun. Dahil mas gusto daw nila sa mansyon

"Ayaw namin dun Kelsey dahil mas gusto namin na sa mansyon kami. Ayaw rin ng kuya mo dun"

Hindi naman ako sumagot sa sinabi ni Auntie baka kasi magma-kaawa pako na dun sila tumira eh

Ilang minuto naman ang lumipas at sa wakas ay nakarating na kami sa palasyo. Huminga naman ako ng malalim dahil kinakabahan ako

"Andito na tayo Kelsey mag ayos ka" Tumango naman ako at sumunod sa sinabi ni Auntie

"Maayos naman ang suot niya Avery kaya ano paba ang dapat ayusin?" Tanong ni Papa at inayos din ang suot niya

"Dapat pala ikaw nalang ang sinabihan ko" Natawa naman ako sa sinabi niya at bumaba na ng karwahe

Sa harap pala kami ng palasyo hininto akala ko sa loob lang ng gate. Ok nato para hindi ako mapagod mag lakad

May mga maid naman na bumati samin kaya nginitian ko ito at bumati rin. Habang hindi naman sila pinansin nila Auntie

Binuksan naman ng nagbabantay ang malaking pinto ng palasyo at nagulat ako nang sumalobong sila samin

Nakipag beso naman sakin ang inang reyna habang ako takhang taka. Bakit nandito silang lahat?

Dati naman hindi nila kami sinasalubong pero ngayon ay oo. Ang weird pero hinayaan ko nalang

Ngumiti naman ako kay Princess Haley at nakipag beso. Habang siya naman ay sobrang lawak ng ngiti

Sumunod naman ay si Princess Taylor pero hindi kami nag beso kaya hinayaan ko nalang

"All this time diko alam na ikaw pala ang fiancee ni kuya este kamahalan pala. But i like you for my brother"

Napa ngiti naman ako sa sinabi niya dahil ngayon niya palang ata ako nakakausap ng maayos

Pag tapos mag batihan ay nag dinner na agad kaming lahat at kompleto kami kahit si King Xaeious nandito

"Ang weeding niyo pala ay dito sa loob ng palasyo sa mismong throne room" Sabi ni inang reyna

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon