Chapter 4

157 17 3
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 4
╚═════☩══✦══☩═════╝

Pagpasok ko palang ng palasyo ay tumambad na sakin si Trixie habang humahangos. Mukhang kakatakbo niya lang, meron bang humahabol sa kanya?

"Lady Kelsey kanina pa kita hinahanap saan kaba pumunta? Mayayari nanaman tayo nito kay Lady Avery" Sabi niya at umupo dahil sa pagod

"Pumunta lang ako sa gubat ang tagal mo kasi eh" Sabi ko sa kanya kaya napanguso siya dun. Natawa naman ako dahil ang cute niya pag naka-nguso

Ako kaya cute rin pag ganon? Natawa naman ako ng maisip ko yun

"Diba sabi ko sayo wag kang pumunta ng mag-isa lang baka mapahamak ka" Napa isip naman ako sa sinabi niya, may sinabi ba siya sakin na ganon? Ang alam ko wala

"Wala ka naman sinabi na ganon eh" Napangiwi naman siya sa sinabi ko at tumayo na ng maayos "Tara na Lady Kelsey" Nag simula naman kaming mag lakad

"Ano naman ang natuklasan mo sa gubat?" Tanong bigla ni Trixie, kailangan koba sabihin sa kanya na may mga lobo na sumugod sakin at niligtas ako ni Primo?

Baka kasi pag sinabi ko yun ay isumbong niya ako kila Auntie siguradong mayayari ako dun. Baka hindi na talaga ako palabasin pag ganon

Hindi rin ako sigurado kung sasabihin ni Trixie kay Auntie to, magkaibigan naman kami ni Trixie kaya siguro mapag kakatiwalaan ko siya

"Ahmm kasama ko kanina si Primo siya nga ang nag sundo sakin eh" Sabi ko sa kanya, hindi ko narin sinabi sa kanya ang nangyari sakin na inatake ako ng lobo

Alam ko kasi na pag nalaman niya yun ay sasabihin talaga niya yun kay Auntie. Dahil napahamak talaga ako dun, at baka mag-alala pa sila ayuko naman ng ganon

"Kasama mo si Primo sa gubat?" Tanong niya sakin habang naka kunot ang noo at halatang galit siya. Bakit siya galit? Nagalit ba siya dahil kasama ko si Primo?

Pansin ko galit si Trixie kay Primo napapansin ko nayun kahapon, akala konga mawawala ang galit niya pero hindi pala

"Galit kaba kay Primo?"

"Oo!" Napalakas naman niya ang pagkakasabi niya at tumingin sakin pero unti-unti narin siya huminahon. Napabuntong hininga naman siya

"Isa kasi siyang babaero pati si Prinsesa Haley iniwan niya sa ere kaya ganon nalang ang galit ko sa kanya. At baka nilalandi karin niya" Sabi niya

Ganon pala ang dahilan kaya galit siya kay Primo, hindi rin ako makapaniwala na isang prinsesa ang napa ibig niya. Pero pano nangyari yun?

Masama bang tao si Primo dahil iniwan niya ang isang Prinsesa o may dahilan. Ba't koba yun naiisip? Problema na nila yun at may sarili sarili tayong problema

"Kaya ikaw pag sumasama ka sa kanya mag-ingat ka at baka mahulog ka sa babaerong yun" Sabi niya kaya natawa ako sa sinabi niya

"Hindi ako mahuhulog" Sabi ko dahil bakit naman ako mahuhulog sa kanya? Tao siya ay hindi butas para mahulog ako. Si Trixie talaga pala biro

Tumigil naman kami sa pag-uusap namin dahil naglalakad si Prinsesa Haley sa direksyon namin habang bored na na nakatingin sa daan

Hindi talaga ako makapaniwala na isang Prinsesa mag maiinlove kay Primo, malay ko pala isa ring dugong bughaw si Primo hindi lang natin alam

Hindi naman namin ang isa't-isa nang magka-salubong na kami kaya hinayaan ko lang. Hindi naman kami close para mag batian

****

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon