Chapter 37

82 9 0
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 37
╚═════☩══✦══☩═════╝

"Ang aga mo naman po mag burda para sa baby mo po" Sabi sakin ni Trixie habang nag buburda ako ng damit

"Hindi to para sa baby ko" Nawala naman ang ngiti niya dahil sa sinabi ko at napalitan iyon ng pagta taka

"Para kay Xaeious to" Sagot ko sa kanya at tinuloy ang pag buburda. Ilang linggo narin ang nakakaraan simula nang mawala si Xaeious

Hindi naman nag salita si Trixie kaya tinignan ko siya at natawa ako nang makita ang itsura niya. Parang ang tingin niya ay nangungulila parin ako kay Xaeious

"May sasabihin ako sayo"

"Ano po iyon?" Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sa kanya na buhay si Xaeious dahil may tiwala ako sa kanya

"Buhay pa si Xaeious" Mahina kung sabi baka kasi may maka rinig at mabuking pa kami edi yari ako kay Xynon nun

"Syempre po kamahalan dahil buhay pa siya sa puso mo" Malungkot niyang sabi habang naka tingin sakin kaya napa face palm naman ako

Hindi parin ako maintindihan ni Trixie ano bayan, hindi niya gets ang ibig kung sabihin. Buti pako isang sabi lang alam na agad

"Sinabi sakin ni Xynon na buhay siya dahil parang plano iyon ni Xaeious" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko kaya ngumiti ako

"Seryoso ka po?"

"Mukha ba akong nag bibiro?" Nata himik naman ito sa sinabi ko Kaya nilagay ko na ang binuburda ko sa lamesa

"Pero kamahalan bakit wala pa siya dito? Mag iisang buwan narin ang maka lipas" Hindi ko naman masagot ang tanong niya dahil hindi ko din alam ang sagot

Diko alam kung hanggang kailan pa siya mawawala at gusto ko naman itanong kung kay Xynon kung kailan siya babalik

Pero hindi naman ako nun pinapansin na at hindi ko din siya mahanap sa palasyo. Iniiwasan niya ba ako? Bakit naman kung ganon

"Tara lakad tayo" Tumango naman siya sa sinabi ko kaya lumabas na ako ng kwarto habang naka sunod siya

Ilang linggo narin akong mag isa at parang walang buhay ang palasyo sa diko maintindihan. Wala ring bagong hari dahil hindi ako pumayag na magka roon ng bago

Kaya aabutin muna ng isang buwan bago magka roon dahil hindi lang ako ang nagungulila sa kanya. Kundi ang buong bampita na nasa palasyo

Dumaan naman kami sa lawa at tumigil ako sa pagla lakad, bigla ko kasing naalala ang memories namin dito ni Xaeious

Dito din kaming huling magka sama at magka tabi, natulala naman ako dahil inaalala kopa yun kahit na hindi naman kailangan

"Kamahalan may problema po ba?"

"Ahh..eh wala" Sabi ko sa kanya at ngumiti kaya nag lakad na ako papunta sa garden. Diko talaga maiwasan na isipin siya

Pumunta naman kami sa garden at umupo ako sa cottage, napa pikit din ako dahil sa malakas na hangin na humihip

"Gusto moba kamahalan ng tsaa?"

"Sige" Sagot ko sa kanya kaya tumango naman ito at umalis na kaya ako nalang ulit mag isa dito. May mga dumadaan din syempreng mga taga sunod dito

Tinignan ko naman ang mga rosas na nandito at naalala ko ulit na magka sama kami dito ni Xaeious. Agad naman ako umiling dahil dun

Ayuko na ng isip ko dahil lagi nalang siya ang naiisip ko naiinis nadin ako sa sarili ko. Gabi-gabi din ako umiiyak at diko alam ang dahilan

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon