Chapter 35

81 9 0
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 35
╚═════☩══✦══☩═════╝

"Kamahalan!" Tawag sakin ni Haley kaya tumigil ako sa pag lalakad habang siya ay nag lakad papunta sakin

"Pwede ba tayo mag usap kahit saglit lang?" Tanong niya kaya agad ako tumango "Oo naman" Sagot ko sa kanya

"Kahapon ay narinig ko ang pag uusap niyo ni Primo" Tumango naman ako habang naka tingin sa taas. Bakit kailangan namin mag usap dahil dun?

"Salamat pala dahil pinag tanggol mopa si kuya sa kanya at hindi naniwala sa sinabi niya. Isa siyang manloloko kaya bagay lang yun sa kanya"

"Totoo ba ang sinasabi nila na hindi siya marunong mag mahal ng kahit sino" Sinabi nayun sakin pero kailangan ko maka sigurado

"Sinumpa siya na kahit kailan ay hindi mag mamahal kahit sino. Narinig ko lang yun sa usap-usapan at..."

Ibig sabihin dati pa ako niloloko ni Primo at pinapa ibig niya ang mga babae na katulad ko. Natawa naman ako dahil dun

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, isa pala siyang playboy at marami nang babae na napa iyak katulad ni Haley at ako

Diko alam na ganon pala ang ugali ni Primo masyado siyang marunong magpa ikot ng mga babae

Hindi rin ako makapaniwala na nagustohan ko ang isang lobo na kagaya niya. Nang hihinayang tuloy ako

NANDITO naman ako sa kwarto namin habang nag buburda ako dahil balak ko sanang iregalo ito kay Xaeious

Malapit na daw ang snow dito kaya excited ako kasi first time ko maka kita nun. Sa Pilipinas kasi walang snow, tapos ang init pa lagi

Ang binuburda ko ay damit pang lamig, si Trixie ang nag suggest nito sakin. At nagustohan ko ang suggestion niya kaya ito ang ginawa ko

Marami na kasi siyang scarf kasi tuwing mag kakaroon ng snow ay ginagawan din sila ng inang reyna ng scarf

Bumukas naman ang pintoan kaya napa tingin agad ako doon dahil masyadong marahas ang pagkaka bukas nun

"Kamahalan ang mahal na hari" Sabi ni Trixie kaya tinigil ko mona ang ginagawa ko. Nag tataka din ako sa itsura niya na parang iiyak

"Patay napo ang mahal na hari" Nahulog naman ang binuburda ko sa sahig pero hindi ko nayon magawang pulutin

"Ano ang sabi mo?" Paninigurado kopa sa kanya dahil hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Masyado yung imposible

"Bumaba ka po para malaman mo papo yung buong detalye" Agad naman ako tumayo at nag lakad na palabas habang naka sunod siya sakin

"Nasa labas po sila?" Pag kababa ko naman ng hagdan ay agad nako lumabas at doon ko naabutan sila

Nakita ko naman si Xynon na madumit ang suot pati ang mukha at naka yuko lang. Habang ang inang reyna naman ay umiiyak

Napa lunok naman ako dahil kinakabahan ako pati ang mga kawal na kasama nila ay tahimik din

At ang amang hari naman ay naka yuko lang habang inaaalayan ang asawa. Wala parin naman ang mga prinsesa at prinsipe

Lumapit nadin ako sa kanila dahil naka tayo lang ako dito habang naka tanaw. Gusto ko malaman kung pano namatay si Xaeious

"Ano pong nangyari?" Tumingin naman sila sakin nang mag salita ako. Nag angat din ng tingin sakin si Xynon

"Nahulog ang kamahalan sa tubig at hindi makita ang kanyang katawan. Siguro ay patay na siya dahil sa tinamo niyang mga sugat"

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon