"alex!" tawag ni anjie sa pangalan ko habang panay ang takbo ko,umiiyak,nanginginig sa takot at iika-ikang tumakbo dahil sa sugat na natamo ko sa pagpalo ng isang lalaki.
huminto ako sa pagtakbo at lumingon kay anjie, sabay lang kami tumatakbo ngunit natumba ito ng diko namamalayan, parehas kaming duguan at pagod na pagod dahil sa pagtakas sa isang lalaking nakita namin sa isang kanto na may pinatay sa isang lalaki gamit ang isang patalim. Dahil sa kakatakbo namin ay napadpad kami sa isang abandonadong lugar, madilim kaya hirap kaming tumakbo ni anjie
"a-anjie!" tawag ko rito at tumakbo ako palapit rito ngunit agad na nahawakan ng lalaki si anjie.
"ahhhh!!" sigaw ni anjie at ako ay diko alam ang gagawin ko, pinilit kong maglakad ng mabilis ngunit natumba ako at parang may naipit na ugat sa paa ko dahil sa sobrang sakit,
lumingon ako kay anjie na labis ang iyak at pagsisisigaw, gusto ko syang tulungan ngunit wala akong magawa, nakatingin si anjie sakin, mga matang nakakaawa at puno ng luha na may kasamang dugo ang mukha."a-anjie!" tawag ko sa pangalan niya.
kitang-kita ko kung paano sinaksak si anjie kaya napaiyak ako ng malakas at habang tinatawag ang pangalan niya.
habang sinasaksak ito ay nakatingin sya sakin.napahagulgol ako dahil wala akong magawa! napalingon sakin ang lalaki at unti-unting tumayo,pinilit ko ang sarili ko at agad-agad akong tumayo, kahit hirap na hirap ay nakatayo ako at naglakad ng mabilis, mabuti nalang at may tama rin ito kaya mabagal ako nitong maabutan, madilim ang paligid na tila ba isang kagubatan ang napuntahan namin.
kahit takot na takot ako ay patuloy parin ako sa pagtakbo at wala na akong maramdamang sakit dahil sa labis na kaba.
dahil sa kakatakbo ko ay natumba ako at nasugatan nanaman ang isang paa ko na syang dahilan kung bakit hindi na ako makatayo, gusto kong sumigaw dahil sa sakit ngunit tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko at sumuksik sa isang sulok, mabuti nalang at madilim sa pwesto kung saan ako natumba.
naramdaman kong may naglalakad sa paligid ko kaya mas bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko, mas napaiyak ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.mga ilang minuto ay wala na akong marinig kaya naglakas loob akong tumayo at naglakad ngunit napaatras ako ng may isang bultong nakatayo sa hindi kalayuan ko.
napahinga ako ng mabilis at malalalim dahil sa labis na takot.pinilit kong tumakbo at biglang humina ang tuhod ko at natumba ako, lumingon ako sa lalaki at malapit na ito sa akin,
"w-wag po!" takot na takot na sambit ko,
"parang awa mo na, huhuhuu" umiiyak na sambit ko ngunit patuloy parin ito sa paglapit sakin kaya no choice ako kundi pumulot ng matigas na bagay na pwedeng ipalo rito, nakahawak ako ng bato at ibinato ito sa kaniya, natamaan ito sa ulo at napahinto saglit ngunit bigla itong naglakad ng mabilis at dakmang hahawakan ako ay ipinalo ko rito rito ang malaking kahoy na hawak ko.
napaatras ito kaya nakakuha ako ng pagkakataon upang sunod-sunod ang paghampas ko rito ng kahoy sa ulo, matibay ito kaya hindi manlang matumba-tumba kaya naalala ko ang paalala ng lola ko na kapag may bumastos sa aming lalaki ay mas magandang sipain ito sa maselang katawan kaya ng maalala ko ito ay habang nakayuko ito ay agad akong nag ipon ng lakas at sinipa ito sa kanyang gitnang parte at hindi ko akalain na mapapasigaw ito ng malakas at napabaluktot habang nakahawak roon ag dalawang kamay at unti-unting natumba, doon ay nakaalis ako at patuloy na patakbong naglalakad,"patay na ba ako?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdam ang kulay puting kwarto, at napatingin nalang ako sa kaliwa ng may nagsalita.
"alex!, dyosko huhuhu, salamat sa Diyos at nagising kana!" luhaang sambit ng aking ina na hawak-hawak ang kamay ko, halatang wala pa itong tulog at kain dahil sa matamlay nitong mukha.
"ma..si Anjie?" unang tanong na lumabas sa aking bibig ngunit nabigla si mama at iniwas ang paningin sakin.
"ma..., si Anjie asan?" pag-uulit ko ngunit ngumiti lang ito ng may halong lungkot at nagsalita.
"nagugutom kaba?, may masakit ba sayo anak?" pag iibang tanong ni mama sakin kaya hindi ko maiwasang mainis at kabahan.
"ma!,n-nasan si anjie?!, bakit ba hindi mo masagot?" garalgal ang boses na tanong ko at unti-unting may namuong luha sa mata ko.
tumulo ng deretso ang mga luha ko dahil sa pag iling ni mama."h-hindi, ma!, hindi yan totoo, h-hindi...nagsisinungaling ka lang..." iiling-iling na usal ko habang umiiyak at agad akong niyakap ng mahigpit ni mama kaya hindi ko na napigilan malakas kong paghikbi.
SORRY FOR LATE UPDATE GUYS!
HOPE YOU UNDERSTAND PO! :)DON'T FORGET TO VOTE GUYS!
THANK YOU♥️
LOVELOTS GUYSSS😘😘
BINABASA MO ANG
Gabi Ng Lagim
HorrorPaano kung napunta ka sa sitwasyong mahirap paniwalaan at sobrang hirap matakasan? Ano ba ang dapat gawin? Matatakot? Susuko? Kaya mo nga bang harapin? FINISHED (SEPTEMBER 1,2021)