"Mama.ang ganda naman dito"
Sabi ko habang umaakyat sa itaas.
"Oo anak ohh mag ingat ka ha? Baka mamaya mahulog ka,dahan dahan lang sa pag akyat"
Sabi ni mama sakin..
Grabi naman si mama..
Haha..
"Mama dito na kwarto ko ah"
Sabi ko kay mama...
"Ah sige anak
Dyan nalang sa kabila yung kapatid mo"
Sagot naman ni mama..
"Nga pala nasan na yung kapatid mo?"
Sabay tanong sakin ni mama.
"Ahmm..ewan ko ma nandyan lang sya kanina ehh
Baka po nakikipaglaro lang sa kapitbahay"
Sagot ko naman.
Pumasok nako sa magiging kwarto ko super excited ako ehh! problema nyo ba! Hehehe
Inaayos ko na mga gamit ko sa aparador ko at habang inaayos ko yun may nakita akong isang barbie..
Nagtaka ako bakit may barbie sa aparador ko?
"jerald!!"
Tawag ko sa kanya...
Pero walang sumasagot ..
Kaya bumaba ako dala ko iyong barbie..
"Ohh anak bakit ka sumisigaw?"
Tanong sakin ni mama..
"Ma...kanino tong barbie NATO?"
Tanong ko sabay taas nong barbie..
"Ahhh yan ba anak?
Nakita ko lang yan dyan sa magiging kwarto ni jerald ..bakit?"
Sabi ni mama.
"Ahhh..
Bat nyo po nilagay sa aparador ko?"
Tanong ko..
"Huh?? Tinapon ko nayan sa basurahan nong naglinis ako dito"
Sagot ni mama ..
"Ehh sino po nagbalik neto dito?"
Tanong ko..
"Ewan ko,
Itapon mo nalang yan ulit"
Sabi ni mama kaya tinapon ko na iyon sa bakuran namin sa basurahan.
Nong pagkahagis ko ..
At paalis na sana ako ng may biglang nagsalita.
"Ate kanino yan?Sayo?"
Nagulat pako may tao pala?? Haha..
"Ahhhmm..
Hindi ..hindi sakin yan"
Sagot ko sa bata..
"Ate pwedeng akin nalang yan?"
Tanong nya sakin..
"Ahh??? Oo kunin mo na
Di naman akin yan ehh"
Sagot ko sa kanya at ngumiti ako...
"Ate...thankyou po"
Sabi nya sakin sabay takbo palayo..
Actually diko kilala yun..bigla bigla nalang sumusulpot...
Pumasok nako sa loob..
Inayos ko narin mga gamit ko..
At pagkatapos non ..nakatulog naku..syempre pagod din ako sa biyahe.
Mga 3 hours ako nakatulog..
Sa himbing himbing ng pagkakatulog ko.
Naabala ako ng ingay.
May nagsasalita..
Ang pagkakaalam ko sa boses nayun ayy..boses ni jerald..
Kaya diko nalang pinansin baka naglalaro lang.
Pero parang may kausap sya ehh..pero wala namang nagsasalita..
Imposible namang may kaibigan sya agad agad dito??
Kaya sinilip ko sa may pinto ko kung sino kausap nya.
Nagtatago ako malamang hehe..
Nong paglingon ko sa kanya ..sya lang naman meron don..
Pero may kausap sya sa madilim na sulok..
Kaya naguluhan ako..
"Jerald ano bayan?!
Sino kausap mo dyan?"
Tanong ko at bigla syang tumingin sakin..
"Sino ba kausap mo dyan???"
Tanong ko ulit..
"Ahmm.kaibigan ko ate"
Sagot nya sabay alis..
Nagtaka ako..
"Kaibigan?? Wow ha?? Kaibigan sa dilim???
Ano yun?"
Hindi sya nagsalita at lumabas ng kwarto niya
Nong nakaalis na sya..
Gusto kong malaman kung sino ba kaibigan non..
Kaya nanguha ako ng flashlight
At lumapit ako don..
Inilawan ko ..pero
Wala naman..puro naman bahay ng gagamba ang nakalagay don..
Ang alikabok pa
Hmm!!
At may nakita akong box..
Nag isip ako ano kayang laman neto??
Makuha nga..
Lumuhod ako para maabot iyon..
At ng makita ko na.
Ang laman ay..
Ano bato!..
Salamin lang pala! Tsk..
Medyo bitak bitak pa!
Akala ko ba naglinis na si mama dito..ehh bakit di nya nakita to??
Kinuha ko iyon ..
At pumunta ako sa..
Baba para sabihin yon kay mama..
"Ma...tawag ko"
"Oh bakit?,ano iyang dala dama mo?"
Tanong sakin ni mama..
"Ahh ito po?? Nakita ko lang po ito sa sulok ng room ni jerald"
Sagot ko.
"Ehh ano laman nyan??"
Tanong uli nya sakin..
"Ahmm.salamin na sira po"
Sagot ko at papunta nako sa labas para itapon iyon..
"Ahhm san mo dadalhin yan?"
Tanong ulit ni mama..
"Ahh itatapon ko na po ma..
Di naman na magagamit ito eh."
Sagot ko kay mama at patuloy nako sa paglakad..
Nong inihagis ko iyon ay ..tumapat na sa langit..
Pero bakit may??
May mukha??
Nagulat ako kasi may mukha talaga akong nakita..eh mag isa ko lang nandun..nong tititingnan ko..lumapit ako don..
Pero wala naman na??
Pero sure ako na mukha yung nakita ko don..100% promise...
Kinilabutan nako kaya mabilis nakong pumasok sa loob...
Gusto kong ikwento kay mama pero baka di sya maniwala kaya ..sakin nalang yun...
Baka guni guni ko lang yun...
Pero totoo talaga ehh..mukha ng matanda ang nakita ko..
Sure talaga ako..
Hmm!
Baka gutom ko lang yun..
Makakain na nga lang...
Hehe....
Please don't forget to vote! :)Kamsahamnida!😘😘
BINABASA MO ANG
Gabi Ng Lagim
KorkuPaano kung napunta ka sa sitwasyong mahirap paniwalaan at sobrang hirap matakasan? Ano ba ang dapat gawin? Matatakot? Susuko? Kaya mo nga bang harapin? FINISHED (SEPTEMBER 1,2021)