GNL 9

446 38 0
                                        

ALEX P.O.V

Hindi ko parin nakakalimutan ang mga nangyari sakin
Yung panaginip ko na parang totoong totoo kung nangyari?
Akala ko talaga totoo pero hindi.

Mga 3 months na ang nakakalipas.
Hindi parin kami lumilipat ng bahay na kanila tita parin kami nakatira.

*Kringggg*

Tunog yan ng bell hudyat na para mag recess kaya nagsi labasan na lahat ng studyante sa kani-kanilang room.

"Alex!"
Tawag sa akin ni Rex na nasa likuran kong humabahol sa akin.
"Oh Rex san punta?"
Tanong ko habang papalapit siya sa akin.
"Sa puso mo"
Nakangiti nitong sabi at inakbayan ako.
"Hahaha sira ka?"
Sabi ko at sabay tanggal ng kamay niya.
"San ka nga pala pupunta?"
Tanong niya sa akin
"Kanila Anjie,andun sila oh"
Sabi ko at tinuro ko sila.

"Nakakainggit talaga sila Michael!, buti pa sila nanakangiti
nagcamping"

Si Marry na nakasimangot at naka-kalumbaba sa lamesa.

"Oo nga nakakainggit sila"
Si Bianca naman.

"Edi camping rin tayo?"
Biglang sabat naman ni anjie
"We?,talaga?? Yeeiiii I'm so excited!"
Pakanta pang sabi ni Marry

"Excited narin ako hihihi"
Si Bianca na may patalon talon pang nalalaman.

"Saan naman Jie?,wala naman tayong alam eh"
Si Hellen naman.

"Sa lola ko sa probinsya ,maraming mapasyalan don!"
Excited na
Sagot naman ni anjie na nakangiti.

"Wahhhh talaga jijie??"
Tanong naman ni Marry
"Oo naman May!
Marami ngang mapapasyalan don diba!haha"
Sagot naman ni anjie na excited na excited naman talaga!
"Oh sige tutal magbabakasyon na...game!"
Sabi naman ni jake na naka akbay kay Hellen.

"Ikaw ba alex sasama ka??"
Sabay baling at tanong naman ni hellen sa akin at naituon lahat ng mga mata sa pwesto namin ni Rex.
"Ahh? Ahh....
Hindi ko pa alam kasi baka di ako payagan ni mama"
Alanganin kong sagot
"Ayy paano yan?,hindi rin tayo kompleto"
Si Bianca ang nagsalita
"Sumama kana kasi Alex please"
Pagmamakaawa ni anjie
"Masaya don promise!"
Dagdag pa nya kaya
"Oh sige magpapaalam ako"
Sagot kong nakangiti

"Oh Rex ikaw ba sasama ka?"
Si Anjie ang nagtanong.

"Ah hindi siguro kasi may pupuntahan kami eh"
Sagot naman niya
"Ay sayang,pero okay lang kasama naman namin si Jake"

Si Marry

"Aray ko naman"
Parang kunwaring nasasaktan si Rex
Kaya pinalo ko siya sa braso.
"He he he joke lang"

"ahh, Ma..."Tawag ko kay mama..
"Oh bakit anak?"
Tanong nya sa akin
"Ma, pwede po ba akong sumama sa mga kaibigan kong magcamp??"
Alanganin kong paalam sa kaniya kasi baka ayaw nya hehe.

"Naku saan ba 'yan?"
Tanong ni mama sa'kin.
"Kanila Anjie ma,sa lugar po nila" sagot ko at matagal bago nakasagot si mama.
"sige pero dapat kasama mo si Rex ha?"
Sabi ni mama kaya nagtaka ako.
"Ahh ehh..
Ba't ko pa po sya isasama?"
Tanong ko rito at ngumiti siya sa akin.
"Para may magbabantay sayo roon,baka kung ano-anong gagawin niyo"
Sagot ni mama sa akin
"Tsk!di naman na ako bata eh!"
Reklamo ko kay mama
"Ayaw mo ba?"Tanong ni mama.
"Ahh ehh..gusto ko po"
Sagot ko kasi baka hindi sya pumayag,tutal hindi naman talaga makakasama si Rex.
"Yun naman pala eh....mas mabuti ng kasama mo siya para may magsumbong sa akin kapag may ginawa kang hindi maganda!"
Mahaba nanamang litanya ni mama,
Si mama talaga pa ulit-ulit
"Oo na nga po ma" sambit ko rito.
Kaya agad kong tinawagan si Rex,kahit alam kong may lakad siya.
"Rex! Sasama ka ba o hindi?" Bungad na
Tanong ko sa telepono.
"Luh?!! Wala ka pangang sinasabi kung saan eh?"
Takang sagot niya kaya napaisip ako.
oo nga pala hehehe tsk! Ok ako nalang palagi ang mali! Sabi ko sa isip ko.
"Sasama ka ba sa camp namin?"
Tanong ko rito.
"Ahh..san na ulit 'yon??
Tanong nya.
"Sa province nga nila anjie..sa lola nya"
"sorry Alex kasi may outing kami eh" sabi nya! Nakakainis lang alam nyo 'yon? Tinanong tanong nya pa kung saan tapos sasabihin nyang may outing sila!
"Please....sige na"
Pagmamakaawa ko
Alam ko namang hindi ako matitiis ni Rex ehh..hehe.
Tsaka hindi ako makakasama kapag wala siya!
"Ahmm.may outing talaga kami eh"
Sabi nya ulit.
"Ahh!! Sige !! Ok lang! Nandon naman si jake eh!" Galit kunwaring sabi ko.
"Luh!! Sandali sandali sasama na ako! Wag mo lang kasama yun" sambit niya at napangiti ako ng wagas!
Dimo talaga ako matitiis!

"Ok...see you tomorrow" paalam ko rito.
"Okay, bye baby..love you"
pahabol na paalam ni rex.
"Hoy Rex! Wag mo nga akong tawaging baby!"
Sabi ko nakakainis kasi eh!
"Bakit? Ayaw mo?"
Tanong nya sakin..
"Ehh.... kasi.... Di na ako bata!!" Kunwaring pagalit na sabi ko pero ang totoo kinikilig ako hehe
lumalovelife ang lola nyo ohh..haha

To be continued..
Don't forget to like and at least leave a comments!
Thank you❤

Gabi Ng Lagim Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon