GNL 11

298 20 2
                                    

Papunta kami ngayon sa batis.
Sabi ni anjie may falls daw doon,mataas pero may kalayuan sa kanila kaya maaga kaming pumunta..
Naexcite kasi kami hehehe.

Naglakad lang kami..
Kaya habang naglalakad kami.
Picture doon picture dito ang lagi naming ginagawa.
Noong nagpipicture ako mag isa ko nakita ko si anjie..
Dumaan sa likod ko.

"Anj pict...."

Hindi ko naituloy ang pagtawag sa kaniya dahil paglingon ko ay wala namang tao nagtaka ako at medyo tumayo ang mga balahibo ko pero diko nalang pinansin iyon nang makita sila si anjie ang nasa unahan.

'Bakit ko sya nakita kanina??'

"Ay ewan makasunod na nga"
Usal ko sa kawalan at tumuloy na sa paglakad at sa wakas mga ilang oras din! Nakarating din kami
" wahhhh! Ang ganda pala dito!"

Si Jake na agad na tinatanggal ang pang-itaas na damit nito.
Nang may biglang nagtakip sa mata ko.

"Huwag mo tignan 'yan, akin lang dapat"
Bulong ni Rex.

"A-aray!" Angal niya ng paluin ko ng malakas iyong kamay niyang nakaharang sa mata ko.

"Baliw!" Pang-aasar ko rito at nilakhan niya naman ako ng mata.

"Sayo lang 'to baliw Alex" usal nitong nakaturo pa sa sarili.

"Tsk" singhal ko at nagtungo sa tubig dahil kaming dalawa nalang ni Rex ang hindi lumulubog sa tubig.
Sumunod sa akin si Rex.

Para kaming mga batang naglalaro sa tubig.

Habang naliligo ako napa-isip ako sa nangyari kanina.
Noong habang nagpipicture ako at nakita ko si anj??
Napansin ko lang na iba ang suot niyang damit?!
Bakit?? Naka-red shirt kaya sya
Pero 'yung kanina?? Bakit naka kulay itim na siya?

"Ahhh Baka imagination ko nanaman...."

Usal ko.

"Ano 'yong imagination mo?,na ikinasal na tayo?"
Isang boses ang namutawi sa tabi ko,

"Nandyan ka pala?"
Tanong ko rito.

"A-ayy wala-wala"
Parang batang usal nito kaya natawa nalang ako.

Maghapon kaming nagstay doon ang ganda kasi ehh!
Nong pauwi na kami..
Nasa hulihan nanaman ako na sumusunod sa kanila, ang bilis kasi nila maglakad eh!

Nang biglang may nagsalita sa kung saang lupalop ng kagubatan iyon!

"Umalis na kayo dyan"

Sambit nito kaya lumingon ako aa likuran ko at nakita ko ang isang matandang ale na medyo kuba na ito.

"P-po?? Bakit po??"
Interesadong tanong ko rito

"Umalis na kayo dyan sa bahay na'yan kung ayaw niyong..."

Hindi nya naituloy 'yung sasabihin nya sana sakin kasi bigla akong tinawag ni rex..

Nakakainis naman tong si Rex talaga oo,

Nang lumingon ako sa matanda wala na sya kaya nagulat ako
Kinilabutan nanaman ako ewan ko ba.
"Alex sino kausap mo dyan kako?"
Tanong nya sakin na ikinagulat ko lalo!

"Wow ha??!
Wala kaba talagang nakita???
Nakikita mong may kausap ang tao tapos magtatanong kapa tsk"
"Wow ha??
Wala ka ba talagang nakita??
Nakikita mong may kausap yung tao tapos
Magtatanong kapa tsk"
At langya 'to! inulit ba naman sinabi ko kanina!

Gabi Ng Lagim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon