Municipio de Aviero

364 14 5
                                    

If I ever survive

Bucket list #7

Always compliment someone. Lift someone confidence.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Daebak!" manghang usal ko nang makapasok ang pedicab na sinasakyan ko sa munisipyo. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ang paligid ng munisipyo. It's made of octagon-pine and transparent glass wall, kaya kitang kita ko ang mga taong abala sa kanila-kanilang ginagawa sa loob. Napapagitnaan ang munsipyo ng building ng  Aviero committee of education at Aviero police station. Luntian ang buong nito ay maraming boxwood shruds plants, puno ng manga at maraming dwarf buko pandan tree- buko pandan capital kasi ng bansa ang Aviero.

Ibinaba ako ni Kuyang driver sa gitna ng munisipyo kung saan may engradeng hagdan na may anim na hagdanan.

Pak ng munisipyo! may pa ganito Kung wala nga lang nakalagay sa itaas na 'Municipio de Aviero' ay aakalain ko talagang resort- hotel ito . Mala world class ang datingan!

Pagkano kaya budget dito? Ayon sa research ko ay dalawang taon lang itong ginawa at mag-iisang taon palang simula ng buksan.

Umakyat na ko sa hagdan at papasok na ko sa main entrance ng munisipyo nang pansin ang medyo may kahabaan na pila. Tumalon ako para makita ang unahan kaso dahil nga sa pandak ako ay wa-epek din.

Napabusangot na pumila na lang ako. Sa curious ko sa nangyayari sa entrance ay kinulbit ko yung nasa unahan kong babaeng na naka-kulay pink na t-shirt at maong.

"Ateng naka pink, bakit ang haba ng pila? May pa ayuda ba si Mayor?" tanong ko.

Lumingon ito sa akin at..

"Ay pak ng kilay, palaban!" hindi ko mapigilang komento nang mapansin ang kilay nito. Ganda ng pagkaka-blend.

"Thank you," nakangiting pasasalamat nito habang iniipit sa tenga ang ilang hibla ng buhok.

I smiled, nang makita ang ngiti nito kanina kasi ay natanaw ko itong nakabusangot na nakapila e,

"Hindi ka Avieros ano?" napakamot na lang ako ng ulo sa bungad nito sa nakalipas na tatlong buwan kong paninirahan sa Aviero ay yan lagi ang tanong ng mga tao sa akin.

"Oo mag-tatlong buwan pa lang ako dito."

"Sabi ko na nga ba e, Hindi mo alam na yung Mayor natin ay napaka-sensitibo." Chika nito.

"Eh, tunay?" Tinubuan ako ng curiosity sa sinabi nito basta talaga chika minute ang bilis mabuhay ng dugo ko. Idagdag mo pang si Mayor ang usapan.

"Gusto ni Mayor lahat ng papasok sa munisipyo ay na disinfect," pabulong nitong wika.

"Huh, Bakit may virus ba na kumakalat?"

Protect meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon