Memory

257 5 2
                                    

"Hands up!" Hindi nito sinagot ang pangangamusta ko mukhang lalong nabadtrip ang Mayor nyo.

Tinaas ni kuyang savior ang kamay nya kaya tinaas ko rin ang kamay ko. . Napatitig ako kay Mayor na ngayon ay nakatutok pa din ang mga baril sa amin. Sa klase ng paghawak nito sa magkabilang baril ay mukhang eksperto ng eksperto ito.

"I said hands up!" Napitlag ako sa sigaw ni Mayor sa akin. Napababa kasi ako ng kamay ng maramdaman ang pangangati ng katawan ko.

Mula sa likod namin ay naramdaman ko ang mga susunod na yabag patungo sa amin. Gusto ko sanang lumingon sa likod pero baka munting galaw ko lang ay barilin ako ni Mayor.

"What are you doing here?" Muling tanong ni Mayor.

Mula sa likod ay naramdaman kong may malamig na bagay na tumutok sa ulo ko.

"Hindi kami naparito para makipag-away!" Sagot ko bigla akong napatawa ng maalala kung saan narinig ang sinabi ko pero napatigil din ng mapansin na hindi natawa si Mayor. Di 'ata sya fan ng horror segment.

"Sabog talaga," narinig kong bulong nitong kasama ko. Naramdaman ko ang pagdiin ng malamig na bagay sa ulo ko mula sa likuran.

"It's me Agent Seven from Narcotics department," sagot ni kuyang saviour. Lumingon ito sa akin. Initiating na magpakilala rin ako.

"Ako si Eight este Asteria yung nagbigay ng letter ng mga bata last week, remember?" Matalim lang kaming tinignan ni Mayor.

Sa klase ng tingin nya ay mukhang di nya ko naalala, so ano tuwing election lang sya magaling mag-memorize ng mukha ng tao. Sa ganda kong 'to di nya naalala mukha ko?

"My question is what are you doing here?" Muling tanong ni Mayor habang nakatutok pa din sa amin ang mga baril nya. I wonder kong nangangalay na ba sya eh kanina pa sya nakaporma dyan.

" We need a -

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Seven ng makaramdam ako ng pananakit ng tyan at pagduduwal tila umiikot din ang buong kong paligid. Pinigilan ko ang sariling sumuka pero namalayan ko na lang ang sarili na sumusuka na. Naramdaman ko muli ang mabilis na pagtibok ng puso ko at panghihina ng mga paa ko.

"She's at risk for an dr*g overdose. We are here for N injection." Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ang paglapit ni Mayor at pag-alalay sa akin.

Ang mga mata nya ang huli kong nakita bago tuluyang bumigay ang mga mata ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa kanang braso dahilan para magising ang diwa ko. Sa pagmulat ko ay tumambad ang mukha ni

"Sus ko po!" Napabalikwas ako ng bangon. Medyo nakaramdam ako ng hilo sa biglang pagbangon ko.

"What?" halatang aburidong tanong ni Mayor na abala ngayon sa pag-aayos ng medical kit nya.

Bigla ay parang naputol ang dila ko. Wala akong maiisip na sasabihin. Nakaka-intimidate kasi ang Aura nya. Napatitig na lang ako dito sayang ang gwapo gwapo nakapaka-sungit

"Are you okay?" nabawi ang atensyon ko at napatingin sa gilid ko nandoon pala si Seven. Nakaupo sa pang-ibabang upuan. Nakasuot pa rin s'ya ng mask.

Hinubad ko ang nebulizer mask bago magsalita. "Okay lang medyo nahihilo lang." Muli ay napatingin ako kay Mayor.

"Thank you pala Mayor," pasasalamat ko. Hindi ito umimik tumalikod ito at binuksan ang pinto.

Tumigil ito saglit at lumingon kay Seven.

"The N injection works for only 30 to 90 minutes. Papunta palang ang doctor so monitor if her body have allergic reaction,. " Bilin nya bago tuluyang umalis.

Protect meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon