Mayor's office

301 6 0
                                    

If I ever survive 3

Bucket list #10

Be someone light. Always choose to help others even if they can't help you back.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Nang makarating sa second floor kung saan ang opisina ni Mayor ay kaagad kong nilibot ng paningin ang buong paligid. Sa kanang bahagi ay may signage na Councilor office at sa kaliwang bahagi ay ang Mayor's office.

Mayor's office

Pagbasa ko sa engraved office door sign sa taas ng transparent door glass. Transparent din ang wall.

Wow! kina-career talaga ni Mayor, yung transparency bill nya.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang staff ni Mayor, na halos lahat ay nakasuot ng dark blue polo shirt. Lahat ay abala – may tumatawag sa telephone, mayroong nagta-type sa computer, habang iba naman ay abala sa pagbabasa.

Sana all productive.

Kumatok ako pero mukhang di nila ako narinig kaya muli ko 'tong inulit pero wa-epek kaya dinungaw ko ang ulo ko sa may pinto.

"Hello po!" Agaw ko ng atensyon ng lahat. Napatingin ako sa kanang bahagi kung saan may binatang lalaking nakatayo, at abalang –abala sa hawak hawak na limpak limpak na papel na binabasa habang humigop ng kape.

"Sir!"

"Sir!" tawag ko ulit at tuluyang ng pumasok sa pinto. Napatigil ito at unti unting umangat ng tingin..

"Hwaaaahhhhh!" at sa nanlalaking matang sigaw nito.

"Hwaaaahhhh!" sigaw ko din pabalik dito na ngayo'y hindi magkamayaw kung ano ang uunahin ang kape n'yang hawak o ang mga papales? sa huli ay naitapon nito sa ere ang hawak hawak na mga papeles kaya saktong sa mukha ko 'to nag-landing.

Aba'y Kagaleng. Wala pang tatlong segundo nang bigla na lang may mist na nagwisik sa buong kong katawan ko. Nang mawala ang mist ay tumambad sa akin ang isang lalaki na may hawak hawak na disinfectant spray.

"Hindi ka Avieros, Ano?!" sabay sabay na tanong nila. Napairap ako sa hangin. Lagi na lang yan ang bungad ng tao sa akin.

"Hindi po," sagot ko. Nagsitayuan ang lahat ng tao sa opisina. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Tama nga si Ate Girl na naka-pink wala ngang babae na staff si Mayor. Bakit walang babaeng staff? Is he a misogynistic? Kung OO, uncrush ko na sya. Uncrush ko na si Mayor, may 99 others pa naman akong crush kaya hindi sya kawalan.

"Bawal babae dito! At bakit ka basta pasok ng pasok!" pagalit sa akin ng may katabaang lalaking nag-spray ng disinfectant spray sa akin, tantya ako ay nasa mid 20's pa lang ito.

"Kanina pa po ako kumakatok," depensa ko.

"At bakit bawal? " Lahat sila ay hindi makatingin sa akin bagkus ay nagsitingan sila sa bawat isa. Lumapit sa akin yung lalaking tinawag ko kanina. He puts his hand in his waist. Napansin ko tuloy ang pagpilantik ng daliri nito

"Ineng ano ba kasing kailangan mo dito? Kita mong abalang abala kami dito," pagtataray sa akin ni bakla.

"May sasabihin ako kay Mayor." Sagot ko bigla'y nginisian ako ni bakla at pinasadahan ako ng tingin. Aba maldita 'to ah!

"May sasabihin ka pala! Bakit hindi mo na lang ni twit  si Mayor." Napakunot noo ako sa sinabi nung lalaking nag-spray ng disinfectant sa akin.

"Anong twit twit twit? Ano ako ibon?" I saw how all of staff of Mayor sighed with disappointment to what I asked. Napakamot ako ng ulo. Ano ba yung twit twit twit na yan?

Protect meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon