Date

270 8 1
                                    

If I ever survive

Bucket list #21

Live like a child.

Live like a child

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

SAYANG, sayang yung pagpapaganda ko ngayong gabi kung iiyak lang. I wiped my tears. I saw my own reflection in a clothing store window. I fixed my mid-back length mermaid hair, Mula sa orihinal na arm fit hair length ko ay gumastos pa talaga ako ng pa-hair extension para ma-achieve ang mermaid hair na 'to. I really prepared for this day, nag-ayos ako ng husto at gumastos. I'm wearing a white ruffled checked silk, knee-length dress then I partnered it with a white wedge sandal. Nagpa- manicure at pedicure ako kanina bago ako pumunta dito. Three days ago, nagpa-facial rin ako. Halos isang linggo ko 'tong pinaghandaan tapos mauuwi lang sa ganito. Christian was first love kaya dapat, kahit hindi kami nagkatuluyan e, maganda pa rin ako paghaharap ako sa kanilang dalawa. I don't like Christian na, I'm just doing it for my old self na head over heels sa kanya kaya nagpaganda ako today.

Huminga ako ng malalim sayang ang pagpaganda ko kung iiyak lang ako today.Kailangan mag-enjoy ako ngayong gabi, ang ganda ganda ko kaya!

  Lumabas ako ng mall at pumunta sa lugar kung saan matagal ko ng puntahan. Today I'll date myself. 

Aviero Funfair.

I smiled as I read the big signage in front of me. Matagal ko ng gustong pumunta sa ganitong lugar kaso nung nung high school ako ay laging nakabuntot ang mga bodyguards ko, ang awkward namang pumunta sa peryahan ng may julalay. How can I enjoy it? Kung kada galaw ko ay may nakaabang at nagmamasid. Nung college naman ako ay masyado akong pinaghigpitan ni Auntie na lumabas labas kahit na ba kasama ko si Christian ay hindi pa din sya pumayag.

I looked around. Napakasaya ng mga to sa paligid. I smiled bitterly, nang makita na masayang kumakain ang magpamilya sa lugawan. Nakakainggit, I would trade anything para mabuo lang ulit ang pamilya namin.

I looked up trying to hold back my tears. I miss them even though I don't remember them or the moment that we are all together. There are still parts of my heart that miss them and long about them.

"Asteria nandito ka para magsaya, to live like a child again," I convince myself.

Muli akong tumingin sa paligid. Napaka-kulay at buhay na buhay ang gabi, may mga banderitas na nakasabit at sa itaas ko ay may mga payong na iba-iba ang kulay, ang mga puno ay may nakapalibot na mga fairy lights kaya naman maraming nagse-selfie. Napakarami rin ng mga tao lalo na mga foreigner. Aviero is really gaining attention as one of the good destinations and tourism not only for local but also for international travelers. . Kamakailan nga lang ay napasama 'to as one of the happiest cities in the country.

Nilabas ko ang mini journal ko.

If ever survive

Bucket list #22

Protect meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon