Mayor's house

368 14 4
                                    

If I ever survive

Bucketlist #

Go on a road trip and just enjoy the night.

----

He jumps from above using a rope.

Gumulong ito sa sahig at naghanap ng matataguan

Saktong pagtago ko doon sa patong patong na box ay sunod sunod na putok ng bala ang narinig ko.

"Gag*!" sigaw nung lalaking unang nakakita sa akin. "Hindi kayo namin papalabasin ng bu-" bago pa man nito matuloy ang sasabihin ay may kung anong boteng ang hinagis sa kanila. Nakita kong tumakbo papalapit sa kanila yung kaninang bumaba sa taas. May hinagis din ito sa akin na bimpo kaya sinalo ko 'to.

"Bomba pre!" dahil sa sigaw na 'yon ay napatakip ako ng tenga at mas nagtago pa palayo sa kanila. Bumilang akong ng ten seconds pero wala naman akong narinig na malakas na pagsabog kundi parang sirit lang ng takure kaya bahagya akong sumilip sa kinaroroonan nila.

'Luh! Fake news, Hindi naman pala bomba.

Nang medyo humupa ang usok ay naaninag ko ng kaunti na nakahandusay na ang mga lalaki kanina. Pinahupa ko muna ang usok bago lumabas. Nang tumayo ay nakaramdam ako ng hilo medyo sumakit din ang braso ko na tinurukan kanina.

Nang wala na ang usok ay lumabas na ko. Naabutan kong hinihila ni kuyang savior ko ang mga katawan ng mga armadong lalaki. Tinitigan ko ang mga katawan ng mga lalaking armado mukhang buhay pa naman ang mga 'to dahil na taas't baba ang kanilang dibdib nito indikasyon na nahinga pa sila. Nakahinga ako dahil doon hindi na nga kinaya ng Sistema ko ang nakitang pagpatay kanina.

Pinagsama sama ni kuyang savior ang mga katawan nito at tinali ang mga paa't kamay.

"Coordinates –" tanging narinig ko lang na bulong nya habang hawak hawak ang hikaw nya.

"Are you okay?" He asked in his robotic voice when he approached me. Tinitigan ko ito na ngayon ay naka-facemask at mata lang ang nakikita. Sa tanya ko ay 6 ft ang tangkad nito. Nakasuot lang ito ng itim na jacket at itim na pantalon. Sa likod nya ay may bitbit syang backpack.

Tumango lang ako at kaagad na nagpasalamat. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko.

"How about this? May nararamdaman ka bang kakaiba?" dahil sa tanong nito ay pinakiramdam ko ang sarili.

"Keri naman para lang akong lumulutang." Bigla ay natawa ako sa sagot ko. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako basta natatawa ako.

Bigla ay nangati din ako kaya kakamot kamot nang lumapit ito sa'kin at bahagyang inilapit ang mukha nya sa akin. Napaatras ako dahil doon.

"You smelled her*in may pinahithit ba sila sa'yo?"

"Wala, Baka kasi kumapit yung amoy ng usok sa akin nung nagsisigarilyo sila kanina habang nagtatago ako." Napatango ito at pumunta sa likod kong table.

Mula doon ay itinaas nya ang syringe na tinurok nila sa akin.

"Kanina tinurok nila yan sa braso ko," sumbong ko dito.

"This is her*in buti na lang mukhang bagong syringe lang ang tinurok sa'yo. Hindi ka ba nahihilo?" Umiling ako dito pero sa gitna ng pag-iling ko ay nakaramdam ako ng panghihilo. I tried to shake off myself to focus my attention. Napakapit ako sa table mukhang hindi nya napansin ang kalagayan ko dahil pumunta sa sa mga patong patong na box at itinumba ang isa sa mga ito.

He opened the box. Mula dito ay may nilabas syang supot ng mga plastic na may white, crystalline powder. Using a knife, he rips it and rubs it in his gums.

Protect meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon