Chapter 3

11 1 0
                                    

Kinagabihan habang nag-iinstagram ako ay nakatanggap ako ng follow request. Pagtingin ko hindi ko agad nakilala iyong username kaya nagstalk muna ako. Si Alastair pala kaya inaccept at finollowback ko agad kasi kilala ko naman. Pagkatapos ay yung instagram ng ex ko naman ang tiningnan ko. Habang isa -isa kong tinitingnan ang photos na pinost nya ay bigla akong nakatanggap ng message.

@TheAlastairR: Hi Haisley
@im_Haisley: uy hello
@TheAlastairR: salamat nga sa pag accept ng follow request ko pati na rin sa pag followback
@im_Haisley: Not a problem
@im_Haisley: sige matutulog na ako have a good night :)
@TheAlastairR: sige sleep well

Pagkatapos ng maikli naming chat ay hindi ko na siya nireplyan hindi rin naman ako interesado sa kanya.

Kinaumagahan maaga akong pumasok sa school. Nagkasalubong kami ni Alastair sa corridor. Iwan ko ba kung sinasadya ng tadhana na magkita kami or nagkataon lang talaga.

"Good morning Haisley!" masayang bati niya. "Good morning din." tutuloy na sana ako pero bigla niya akong hinawakan. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin kaya dali-dali niya itong binitawan. "Ah sorry yayain lang sana kita tumambay sa canteen or sa kiosk total sobrang aga pa naman." nahihiya niyang pagkakasabi sabay kamot sa ulo. Tiningnan ko ang wrist watch ko at may 45 mins pa naman kaya pinaunlakan ko. Doon nalang kami sa kiosk malapit sa parehong classroom namin para madali lang para samin.

"Alam mo may napapansin ako." sabi niya agad pagkaupo namin. Nagtataka naman akong tiningnan siya. "Pangatlong beses na tayong aksidenteng nagkita baka itinadhana talaga tayo." sabat niya sabay halakhak. "Di ba pwedeng nagkataon lang talaga." sagot ko at nakitawa na rin. Nag-usap pa kami more on getting to know each other. Nang 15 mins nalang before magtime ay napagdesisyonan naming pumunta na sa classroom namin. Inihatid niya muna ako bago siya magtungo sa classroom niya. At hindi nga ako nagkamali pagkaupo ko ay nagsilapitan kaagad ang tatlo kong kaibigan. Nakita kasi nilang inihatid ako ni Alastair sa classroom.

"Hep hep hep alam ko na ang sasabihin niyo kaya uunahan ko na kayo walang malisya yun." nagkatinginan naman silang tatlo. "Eh bakit ang defensive mo?" Nagsabay talaga silang tatlo sa pagtanong nyan ha. "Kasi alam ko na ang iniisip niyo sa tingin niyo palang." pasimple kong sagot "Baka naman may plano kang magkwento kung bakit kayo magkasama ano." sabi ni Brea kaya ayun nagkwento na ako sa kanila. Wala naman din kasi akong dapat itago dahil wala lang naman yon.

Simula noong araw na iyon kapag nagkakasalubong kami ni Alastair ay nagpapansinan na kami. May times din na yong mga barkada niya at barkada ko ay sabay kumain sa canteen. Hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar sina Brea sakin kahit nga kasama namin sila Alastair kaya pati mga kaibigan niya inaasar kami. Wala kaming ibang magawa kundi tumawa at patigilin sila. Iwan ba namin sa mga taong ito bakit kami inaasar eh halata namang hindi namin gusto ang isa't-isa. Siguro as a friend oo pero romantically impossible.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon