Chapter 4

7 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa kiosk nang nakita ko si Rhett na may kasamang babae. Tatayo na sana ako at aalis para di nya na ako makita ngunit huli na napatingin na siya sa direksyon ko.

"Ley." Sabu niya at halatang hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya.
"Oh hey, I gotta go." Sabi ko ata agad umalis hindi na hinintay ang sagot niya. Nagtungo ako sa likod ng school kung nasaan ang soccer field. Umupo lang ako sa damuhan at doon umiyak. Ang sakit pa rin pala makita siya na may kasamang iba. Akala ko okay na ako. Akala ko unti-unti ko na siyang nakakalimutan. Akala ko masaya na ulit ako kahit wala na siya. Ang lahat ng iyon akala ko lang pala. Hindi ko na ihanda ang sarili ko na makita siyang may kasamang iba.

Habang umiiyak ako ay may biglang umupo sa tabi ko at naglahad ng panyo. Nilingon ko ito at si Alastair pala. Ngumiti lang siya at inabot ang panyo niya. Nag-aalanganin at nahihiya pa ako kung tatanggapin ko ba ngunit nagsalita siya. "Kunin mo na 'wag kang mag-aalala malinis yan." pabiro niyang sinabi. Tinanggap ko naman at pinunasan ang luha ko. "Salamat ha, lalabhan ko na muna ito saka ko isasauli sa iyo." Tumango lang siya at pagkatapos ay tiningnan ako ng mariin. "Okay ka lang ba?" May kung ano sa tanong niya na medyo naiiyak ako pero nakakagaan din ng loob. "Tsk 'wag munang sagutin hahaha nakikita ko namang umiiyak ka tinanong ko pa talaga." pabiro niyang tugon sa tanong niya. "Salamat." Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya nagpatuloy ako "Salamat sa pagpapahiram ng panyo at salamat sa pagtatanong kung okay lang ba ako, nakakabawas ng bigat na nararamdaman ko."

"Walang ano man. Teka nga bakit ka pala umiiyak? Anong problema baka may maitulong ako." Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at nagpasyang sabihin sa kanya ang aksidenting pagtatagpo namin ni Rhett kanina. Usually hindi ako mahilig magkwento pero sa ngayon gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan si Alastair at komportable rin ako sa kanya. "Napaka gago nya naman pala." sagot niya matapos kung magkwento.  "Napakaswerte n'ya na sayo. Maganda ka, mabait, matalino at kilala ka rin sa school dahil diyan sa mga katangian mo. Ano pa bang hahanapin niya?" Napangiti ako sa sinabi niya. "Tao lang din ako and kagaya ng iba I am not perfect. Siguro may mga pagkukulang din ako sa kanya at sa iba niya nahanap."

"Kung mahal ka talaga niya and he is responsible enough hindi siya maghahanap ng iba para punan ang pagkukulang mo. Bakit hindi niyo pag-usapan at pagkatapos bigyan ng solusyon kaysa saktan ka niya at idamay pa ang iba." Nagkibit-balikat nalang ako dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot. "Sa bagay mas mabuti na rin na nalaman mo at nagkahiwalay kayo. Ang katulad niya ay hindi deserve ang mga special na babaeng tulad mo at hindi mo rin deserve na saktan at paiyakin. I guess it's safe to say that that break up save you." Sasagot na sana ako ng biglang nagring ang phone ko. Si Brea pala tumatawag. "Hello? Where are you? Kirsten told me nagkita kayo ni Rhett at umalis ka kaagad. Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong pagkasagot ko ng tanong. "Brea will you calm down? Okay lang ako. Asan ba kayo? Hintayin niyo na lang ako sa cafeteria doon tayo magkita." "Sige  hintayin ka namin bye." Pagkababa ko ng tawag ay nilingon ko si Alastair

"Alastair thank you ulit sa panyo as well as for accompanying me and for your kind words. I really appreciate it a lot. Una na ako ha naghihintay na kasi ang friends ko." pagpapaalam ko sa kanya. "My pleasure Ley. Gusto mo hatid kita sa cafeteria?" Agad akong humindi. Ang dami nya ng ginawa para sa akin at nahihiya na ako.  "Huwag na okay lang, mukha pa namang may practice kayo. Sige alis na ako ha, bye. " nagwave na ako sa kanya ta agad na umalis dahil baka mag insist pa siya.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon