Chapter 7

8 2 0
                                    

Tumunog na ang alarm ko kaya gumising na ako. Saktong-sakto naman na tumawag din si Brea.

"Hello best, good morning! Aga mo yatang napatawag ah." bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag. "Di ako masyadong nakatulog dahil pinaisip mo ako ng bonggang-bonga kung ano ang sasabihin mo sa akin." humalakhak siya. "Kidding! But seriously mas agahan mo ang pagpasok ha para makwento mo sa akin lahat kung ano man yan. Bye, love you!" in-end nya na ang call. Itong babaeng ito talaga kahit kailan.

Bumangon na ako para magsipilyo at maghilamos. Pagkatapos ay bumaba na para kumain ng almusal at magkape. "Good morning sweetie." sabay na sabi nina mom and dad pagkababa ko. "Good morning mom." nagbeso ako kay mommy. "Dad." nagbeso rin ako kay dad. "What's for breakfast?" I asked while looking at our dining table. Nakita ko na may ham, scrambled eggs, hash brown and friend rice. "Wow mukhang masarap to ah." Umupo na ako at nagsalin ng fresh milk sa cup ko. Nagsimula na kaming kumain ng biglang nagtanong si mommy tungkol ka gabi.

"How's your dinner with your friend last night?" Tanong ni mommy at tumingin naman si daddy sa akin. "It went well ma'am. We were able to talk a lot of things and catch up." Masaya kong sagot. "Well, that's good. Halata naman din sa looks mo na nag-enjoy ka talaga anak." Masayang sagot ni mommy. "May I ask sino 'yong friend mo?" dagdag naman ni dad. "Si Rhys dad. I'm not sure if you still remember him, siya iyong kalaro ko noon." Nagkatinginan si mom and dad. Naalala nila siguro. "Oh yes, I remember him. I thought you didn't have any communication since umalis sila dito sa subdivision." sagot ni dad. "Yes dad, sobrang unexpected nga ng pagkikita namin kaya we decided to catch up nalang din." Medyo kinakabahan na ako kasi baka kong ano ang isipan ni dad. He's a bit strict pa naman when it comes to boys. "Well it's good that you were able to reconnect after a long time." si mommy naman. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami sa aming almusal at naligo na rin ako. Syempre toothbrush ulit.

"Yes?" Kasalukuyan akong nagpeperfume ng tumawag na naman si Brea via face time. " I'm going to school na, where are you na ba?" sabi n'ya sabay pakita na nasa loob na siya ng sasakyan. "Patapos na. Nagperfume nalang ako bababa na rin ako ngayon at pupunta na ng school." sabi ko sabay labas ng bedroom ko. Tinapos ko na rin ang tawag nagpunta na rin ako sa kwarto nina mom and dad para magpaalam.

Pagkadating ko sa school nakita ko agad si Brea sa may bench nakaupo at hinihintay ko. "Wow ha you really  waited for me to arrive." sabi ko sabay beso. "Good morning Ley. So what is it?" sagot naman niya na mukhang excited.

"Diba I was looking for my necklace yesterday. Si Alastair pala nakapulot. He returned it to me and asked if we could go on a cafe. May itatanong daw siya." bigla naman akong hinampas hampas ni Brea at  sumigaw siya. Kinikilig daw siya. "Brea will you please come down at patapusin mo muna ako." iritado kong sagot. Paano ba naman kasi sobrang layo ng iniisip niya. "Okay okay sorry naman na excite lang ako bigla." kumalma na siya kaya nagpatuloy ako. "He asked me saan ko galing ang necklace ko and guess what." Hindi na naman ako pinatapos ni Brea. Nagtakip siya ng bibig niya. "Oh noo. Don't tell me he's Rhys." Tumango ako. "Weh? Gaga paano siya magiging si Rhys eh Alastair ang pangalan niya." Hay itong babaeng to talaga. Siya itong nangunguna pero ayaw naman maniwala.

"Apparently his real name is Alastair Rhys." Kitang-kita sa mukha ni Brea na sobrang shock niya at hindi siya makapaniwala. "Totoo?" tanong niya. Tumango naman ako. "Omg I am so happy for you Ley!" She hugged me. "Imagine ilang years muna siyang iniisip at hinahanap and unexpectedly you two finally met again." Alam na alam kasi ni Brea kung gaano ko kagusto makita uli si Rhys. Minsan nga sinasabi n'ya sa akin na nagtatampo na siya dahil mas hinahanap ko pa si Rhys pero syempre biro lang. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na iyong iba naming friends.

Papunta na kami ng classroom ng nakita namin si Rhys papalapit. Siniko naman ako ni Brea. "Good morning Haisley, Brea, Ash and Belle." sumagot naman kaming apat. "Oh ano maiwan muna namin kayo ha. Ley sunod ka nalang ha." sabi ni Brea at kinaladkad na si Ash and Belle papuntang classroom. "Oh Rhys, may kailangan ka?" tanong ko. Nilahad naman niya ang isang chuckie. "Gusto ko lang ibigay to sayo. Alam ko gustong-gusto mo iyan noon o hanggang ngayon ba." Tuwang-tuwa naman ako. Tumawa siya. "Well your facial expression says it all. You still love chuckie." Tumango naman ako. "Yes hehe thank you so much Rhys." masaya kong tugon. "My pleasure Haisley."

Hinatid na n'ya ako sa classroom dahil malapit na rin magstart ang class namin. As expected inaasar naman ako ng tatlo.

Author's Note:
Hi! I would love to read your thoughts and opinions po. It would also be my pleasure to interact with you on the comment section, so feel free to comment guys. God bless! ♥️

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon