Chapter 5

8 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa kwarto nagsusuklay sa harap ng aking vanity table ng napansin kong wala na sa leeg ko ang kwentas na soot ko palagi. Bigla akong nagpanic dahil ang kwentas na iyon ang bigay sa akin ni Rhys noon. Sampung taon na ang nakalipas ngunit nasa akin pa rin iyon at iniingatan kong mabuti kaya sobra akong nag-alala ngayon ng napansin kong nawala ito. Hinalungkay ko ang vanity table ko, ang lalagyan ko ng jewelry, ang study table ko at ang iba pang sulok ng kwarto ngunit wala. Hinanap ko na rin sa bathroom sa loob ng kwarto ko ngunit wala rin doon. Naiiyak na ako sa kakaiisip kung saan ko iyon possible na nalagay.

Nagdesisyon ako na bumaba ang tanungin ang kasambahay namin kung nakita ba nila ngunit hindi raw.

"Ley apo bakit mukhang problemado ka?" tanong ni lola pagkakita niya sa akin. "Lola nakita mo ba iyong necklace ko? Iyong bigay sa akin ni Rhys 10 years ago. Ngayon ko lang kasi napansin na wala na siya sa leeg ko. Hinanap ko na sa bedroom at bathroom ko pero wala roon." Dire-diretso kong tugon kay lola. "Nako apo pasensya ka na pero hindi ko nakita eh. Don't worry kapag nakita ko ipapaalam ko agad sa iyo." sabi ni lola para gumaan ang pakiramdam ko ngunit naiiyak pa rin ako.

I decided to just go inside my room and tanungin nalang bukas ang mga kaklase at kaibigan ko baka napulot nila. Sana nga napulot lang nila. Sobrang tamlay ko sa araw na iyon at wala akong ganang kumain sa kaiisip kong nasaan ang kwentas.

Kinabukasan maaga akong pumasok to search for my missing necklace sa classroom pero wala akong nakita. Nagsidatingan na rin ang mga kaklase at mga kaibigan ko ngunit ni isa sa kanila ay walang nakakita. I'm slowly losing hope na makikita ko pa iyon. Until dismissal na ng afternoon ay nagkayayaan ang mga friends kung lumabas, but I declined their invitation dahil talagang wala akong gana.

"Bes bili ka nalang ng bago." Brea suggested pero umiling lang ako.
"Eh paano na iyan kapag hindi mo mahanap iyon? So magmumukmok ka nalang palagi nyan?" sabat ni Ash "Ewan. Hindi ko alam. Basta sure ako I will find it, I just need to search for it anywhere." Positibo kong sagot kahit unti-unti ng nawawala ng pag-asa. "So you mean, you are going to search for it all over the school?" tanong naman ni Belle at napailing

"Basta hahanapin ko iyon." Sagot ko at nagpaalam na sa kanila. Wala na silang nagawa kaya umalis nalang din sila at nagtungo sa mall. Kasalukuyan akong naghihintay ng sundo ko ng may tumawag sa akin. Nang lingunin ko si Alastair pala.

"Uy Alastair, ikaw pala hi." bati ko sa kanya. "Hello Ley. May gusto lang sana akong ibigay sayo." Sabi niya at may kinuha sa bag niya. Napakunot naman ang noo ko curious sa ibibigay niya.
"Heto o" at inilahad ang nawawals kong kwentas. Sobra akong natuwa at di ko napigilan kaya nahug ko siya.
"Omg where did you find this? I've been looking for this since yesterday." sabi ko  sa kanya. "Actually nahulog mo iyan. Ibibigay ko sana sayo ngunit nakaalis na kayo tapos ibibigay ko sana kanina kaya lang sobrang busy ngayon lang nagkaoras. Pasensya ka na kung natagalan." pagpapaliwanag niya at agad ko naman winagayway ang kamay ko sa harap niya para sabihin na okay lang. "Thank you so much sa pagpapulot at sa pagsauli nito sa akin. Sobrang importante talaga nito at sobra  akong nalungkot pagkapansin ko na nawala."

"No worries. By the way Ley may gusto sana akong itanong sa iyo, but is it okay with you if sa coffee shop natin pag-usapan?" tanong niya na mukhang kinakabahan. Pumayag naman ako as a thank you nalang din dahil sinauli niya ang kwentas ko. Insakto naman pagtawag ko sa driver na susundo sa akin ay nasa talyer pa ito dahil nagkaproblema sa sasakyan.

Kaya ayon at nagpunta kami sa pinakamalapit na coffee shop sa school. Nag order lang ako ng frappe at brownies habang nag order naman siya ng okinawa milktea at cookies.

"So ano pala ang itatanong mo?" tanong ko pagkaupo namin.
"Iyang necklace mo saan mo galing?" oh bakit biglang naging curious ito sa necklace ko.
"Galing to sa childhood friend kong si Rhys 10 years ago noong umalis sila sa village namin. Remembrance ko raw ito para di ko siya makalimutan. Bakit mo na tanong?" masayang kwento ko sa kanya. "So tama nga ako." sabi ni Alastair. Tinaas ko lang kilay ko para sabihing di ko na gets ang sinasabi niya. "Ley I think this is the right time para pormal akong magpakilala sayo. I'm Alastair. Alastair Rhys." Napaawang ang baba ko sa pagpapakilala ni Alastair sa sarili so inyo. "Ibig sabihin ikaw iyong kaibigan ko noon?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Sa mga oras na iyon di ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya dahil sa tuwa at sobrang pagkamiss sa kanya.

"My goodness di ako makapaniwala. Ang tagal kitang hinintay na bumalik alam mo ba yon." sabi ko sa kanya pagkakalas ko sa yakap namin. "Noong una nating pagtatagpo naisip ko na talaga na sobrang pamilyar mo. Tapos noong pinakilala tayo sa isa't-isa may idea na talaga ako na ikaw iyon pero syempre nagdadalawang-isip pa rin ako dahil baka magkapangalan lang kayo. Kaya noong nahulog mo iyong kwentas sobrang saya ko dahil doon ko na confirm na ikaw 'yon." Masayang kwento ni Alastair or Rhys sa akin.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon