Chapter 1

21 1 0
                                    

"Huy Ley ano ba nakikinig ka ba?" sigaw ng bestfriend kong si Brea sa mismong mukha ko. Di ko namalayan kanina pa pala ako lutang."Ha? Ah... oo ano ngayon?" Pinandilatan niya naman ako ng mata.

"Nevermind. Oo nga pala kumusta na kayo noong Rhett ? Tinantanan ka na ba?" pang-uusyoso naman niya. Nagkibit balikat nalang ako ayaw ng pahabain ang usapan tungkol sa lalaking iyon. Hanggang ngayon fresh pa rin sa utok ko ang ginawa niyang pagcheat sa akin.

"Oo nga pala Ley may isa akong kaibigan gusto mo pakilala ko sayo?" kwento ni Brea. "Sino naman yan" kunot-noo kong tanong at medyo excited na rin dahil baka si Rhys pala ang kaibigan nitong taong to. "Si Alastair papakilala ko siya sayo soon." I just shrugged my shoulders dahil hindi ako interesado. Pagkatapos ng mahaba naming chikahan ng kaibigan ko ay nagdesisyon din siya na umuwi na. Habang ako naman ay nag-iisip naman kong sino nga ba iyong tinutukoy niya. Hindi kaya si Rhys iyon? Baka double ang name niya 'di ko lang nalaman? Hays naaalala ko na naman siya. Kumusta na kaya iyong kaibigan kong iyon? Nagpatuloy ang pag-iisip ko kay Rhys hanggang sa makatulog ako.

Maaga akong gumising kinabukasan dahil Sunday at magsisimba kami ng family ko. Agad akong pumunta ng bathroom para maligo at pagkatapos ay nagbihis na sa loob ng walk-in closet. Nagsoot lang ako ng isang kulay pink na wrap dress na hanggang tuhod tapos 2 inches na high heels. Lastly I put on some foundation,powder, blush on at lip cream pagkatapos ay bumaba na ako. Maaga kaming nakarating sa simbahan kaya di pa masyadong marami ang tao. Naupo kami sa middle row near the aisle.

Nang na peace be with you na napaharap ako sa kabilang banda. Napansin ko ang isang lalaking nakatitig sa akin at medyo pamilyar siya. Hula ko magkasing edad lang kami baka nakita ko na siya sa paaralan kaya medyo namumukhaan ko.

Pagkatapos namin magsimba as usual sa isang restaurant kami maglunch kasama ang grandparents ko both side.Ganito na ang routine namin every Sunday kapag walang trabaho sila mommy at daddy pambawi nila sa mga nagdaang taon. "Haisley anak saan mo gustong kumain?" tanong ni mommy kaya nag-isip naman ako ng magandang kainan. "Pwede po bang sa isang Japanese Restaurant sa BGC po tayo kumain?" Sumang-ayon naman ang grandparents ko kaya doon kami nagpunta.

Pagkapasok namin sa restaurant nakita ko na naman iyong lalaki kanina sa church pero binalewala ko nalang. Naupo na kami sa table malapit sa kanila. We ordered japanese maki, ramen at tempura. Habang kumakain kami napatingin ako sa table niya at ayan na naman ang titig niya. Nagkunwari siyang may ibang tinitignan kahit nakita ko naman na ako ang tinititigan niya. Based on my observation gwapo naman siya, may matangos na ilong at mahabang pilik mata. Medyo pamilyar talaga siya sa akin di ko lang talaga maalala kung saan at kailan kami nagkita. "Oh anak parang kanina ko pa napapansin sa simbahan na patingin-tingin ka diyan sa batang naka blue. Crush mo?" pang-uusisa ni mommy. "Po? Nako di ah, pamilyar lang kasi iyong mukha niya," sagot ko. "Siguradohin mo lang anak ha, nako baby ka pa namin," sabat naman ng super protective kong daddy. "Promise dad hindi ko po yan siya crush." Masyado pala akong halata na pasulyap-sulyap ako sa kanya? Nako sana naman di napansin ng lalaking iyan well ano naman ngayon kung mapansin niya siya rin naman. Pagkatapos ng mahabang kwentohan at kainan ay napagdesisyonan na rin naming umuwi. Hindi ko na nga napansin iyong pamilyar na lalaki.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon