Vote kayo marekeyks.
--------------------------------------------Hi salamat sa paghihintay at pagbabasa akala ko kasi walang nagbabasa kaya nawalan ako ng gana noong nakaraan, nagulat na lamang ako nagcomment ang iba sa inyo. Salamat btw goodmorning goodluck sa study niyo.
----------------------------------------ZIANNY POV
Nagising ako ng biglang pumreno ang bus na sinasakyan namin at bigla kong narealize na nakayakap sakin si Kyla.
Oo si Kyla. Siya lang ang tanging kaibigan ko sa panahon na ito. Naiintindihan namin ang isa't-isa na siyang dahilan kung bakit sobrang lapit namin.
'pero malaki ang pagkakaiba namin,sobrang hyper at daldal niya habang ako tahimik lang at nakikinig sa mga chika niya."
"MAREKEYKSSSSS NANDITO NA TAYOOO!"Rinig kong sigaw ni Kyla sa akin sabay hila para bumaba nang bus.
Tinaasan ko lang siya ng kilay para iparating na "Oo eto na tatayo na."at agad niya naman itong nakuha.
Sabay kaming bumaba ni Kyla kasama ang mga kaklase namin, pumila kami upang makinig sa sasabihin ni Dean at ang mga bilin nito.
"Halina't manahimik muna at ako'y may anunsyo."Sabi ni Dean na siyang dahilan kung ba't tumahimik ang buong paligid.
"Good,salamat at nakinig kayo.Kada section ay mayroon sari-sariling pwesto okay? Magtatagal tayo dito ng isang linggo o higit pa, kapag may palaro ay maglalaban ang dalawang section. May mga activities kami na ipapagawa sa inyo at kakampi niyo ang buong section niyo kumbaga magtu-tulong kayo. Maaari bang makilahok ang lahat?" Tanong ni Dean.
"Yes Dean!"Sagot ng lahat maliban sa section ng kakambal ko walang iba kundi ang section Jade.
"Hintayin niyo nalang yung mga guiders niyo para ituro kung saan ang pwesto niyo pati na rin ang palingkuran."Sabi ni Dean at maya-maya lamang ay pumwesto na ang mga tauhan sabay hinanap ang presidente sa klase.
Zienny POV
Sinusundan namin ang taga-guide namin habang nakasunod ang mga tauhan dala-dala ang mga gagamitin namin gaya ng pagkain.
Maya-maya lamang ay huminto kami sa lugar na medyo malawak, tahimik at may mga damo.
"Dito ang pwesto niyo, dito kayo magsstay kapag wala kayong activities."Ani ng babae habang nakangiti.
Tumango lamang ang mga kaklase ko at pagkatapos non at binaba na ng mga tauhan ang mga gamit namin saka namin ito inayos.
Nag-search pa kami sa YouTube kung paano ikabit ang tent na binili namin, aapat na oras bago namin ito maayos.
Isinunod namin ang pwesto ng mga pagkain namin lagi na din ang lutuan pero nakita ko si Cyrus na nagbulsa ng tatlong fudgee bar sabay aakma na tatalikod pero nakita din ito ni pres.
'Huli ka.'
Iginitna ni pres ang palad niya sabay taas ng kilay kay Cyrus.
"Tatlo lang naman ihhh."Sabi ni Cyrus sabay kibit balikat sabay nguso.
"Isa."Pagbibilang ni pres.
'Yari ka."
'Makulit kang bata ka ah.'
'Ang daya mo kasi di mo ko sinama edi sana di ka nahuli.'
Bulong ng iba kong kaklase.
"Dalawa."Pagbibilang muli ni Pres.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister Is The Only Girl In Her Section
ContoHalina't subaybayan mo ang kwento ng magkambal na sina Zienny Sachery Austria at Zianny Sacherry Austria. A/N:This Story is inspired by Ang Mutya Ng Section E by eatmore2behappy.