Chapter 20 (R)

2.1K 98 6
                                    

Chapter 20

"Kuya! Slow down, you are making us get killed! I will sue you once I get the hell out of here!" Natatawa na lang ako sa sigaw nitong si Asher at halos lumipad na itong sinasakyan namin dahil sa pagmamaneho ko. Ako kaya ang pinakamagaling na piloto at dragracer sa lahat.

Halos tatlong minuto lang ay nakarating na kami rito sa building ni kuya na itinuro niya. At patakbo pa kaming pumasok dahil madaling madali siya.

"Kamusta, Mang Tome. Bakit ho kayo naririto?" Tanong ni kuya sa isang matandang lalaki nang pumasok kami sa looby. This building seems fine, ano pa kung construction firm ito kung hindi maayos? Tsk.

"Manghihiram ho ako sana sa inyo ser ng pang tuition po ng anak. Kung pwede ho sana, Senyorito?" Again with that Senyorito thingy. Siniko ako ni Asher maging si Aljon na tatawa tawa lang din.

Sana lahat Senyorito, hindi ba?

"Opo naman, Mang Tome. Isa po kayo sa masipag na trabahador sa rancho, bakit hindi?" Bigla ni kuya inakbayan ang lalaki at sumakay na kaming tatlo paakyat sa elevator. Luckily nagkasya kaming lima dito sa sobrang laki ng mga katawan naming lahat.

Kuya pushed the 30th floor and it took us almost 2 full minutes before we reached it. Pagkapasok namin ay may nakita kaming paniguradong sekretarya ni kuya na lalaking may inaayos pa na mga papeles sa lamesa nito.

"Good morning, Sir Luke." Tumayo siya sa kinauupuan niya at yumuko.

"This is my brothers, Jared, Asher and Aljon. And this is Mang Tome." Kinawayan lang namin siya at itong dalawa sa tabi ko tumatawa lang. Hindi ko na alam anong meron sa mga saltik na 'to.

"Magkano ho ba ang kailangan niyo?" Kuya asked the man.

"Mga kahit sampung libo ho ayos lang ba?"

"Oo naman ho, kahit 15,000 pesos pa Mang Tome, 'wag lang isang milyon wala rin kami." Biro ni kuya sa kaniya na ikinatawa nila.

Pumasok na si kuya sa isang pintuan kaya kaming tatlo na ang naiwan dito sa labas.

"Kaano ano ho kayo ni Kuya?" Tanong ko.

"Trabahador ho ako ni Senyorito Luke. Matagal na ho akong trabahante sa mansiyon magmula nang si Senyorito X pa ang namamahala." Nakangiting turan ng lalaki.

"Napakabait niyang batang iyan. Nawa'y masaya siya sa kaniyang buhay ngayon." Dagdag pa niya kaya tumango ako. Ang dalawa naman ay busy lang sa pagkalkal ng kung ano ano.

Lumabas na si kuya na may dalang pera at inabot ito sa lalaki.

"Oh ito na ho, Mang Tome. Dinagdagan ko na po 'yan kahit wag niyo na bayaran 'yong dagdag. Pamasko ko na ho sa inyo." aniya at nginitian siya ni kuya. Naupo siya sa isa pang sofa. He seems so very kind hearted person.

"Hindi naman po ba masungit si kuya?" Tanong ni Asher. Tanong ng tanong sino ang masungit eh isa rin siyang sukdulan ng sungit sa balat ng lupa.

"Mabait naman pero ang laki ng pinagbago niya nang makilala niya 'yong isa sa mga kaibigan ng anak ko." Nakangiting sabi pa niya ulit kaya nag kantyawan lang 'tong dalawang damuho.

"Ayan! Diyan na magiging bobo si kuya. Sa pag-ibig hahahaha!' Tawa naman ni Aljon. Kukutusan ko sana siya sa ulo kaso umusog siya.

"Oh, kuya, hindi naman ikaw 'yon!"

"Manahimik ka. Kapag ikaw nakita kitang iiyak-iyak pagtatawanan pa kita." Banta ko sa kaniya.

"Ano nga pangalan ulit no'ng sinasabi ni kuya?" Tanong ni Asher.

"Tristan." Anang lalaki.

"Ayon! Tristan nga!" Sigaw ni Asher at tumawa pa ulit.

Napailing na lang ako ng ulo dahil sa dalawang 'to. Ako na talaga nagsasabi kapag nasawi 'tong mga 'to.

Fontabella 2: Owning His Innocence [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon