CHAPTER FORTY NINE

668 46 12
                                    

❤Retreat (Day 1) 9.10❤

Third Person's Points Of View:

“You want that pink teddy bear?pabulong na tanong ni Angelo kay Lourdes na kasalukuyang hindi maialis ang tingin duon sa maliit at cute na cute na pink teddy bear na nakahilera dun sa mga premyo na mapapanalunan mo kapag natamaan mo ang target.

H-hindi ah! M-maglaro na lang tayo dun.sagot naman ni Lourdes sa kan'ya, tsaka nag-iwas ng tingin at itinuro yung mga larong panlalaki kung nasaan nandun si Ainiella na sinusuportahan ang paglalaro ni Nicco para makakuha ng premyo at maibigay sa kan'ya, nandun din si Ronalyn at Cyruz na nagpapadamihan na ng mga napapanalunan nilang premyo.

Okay.saad naman ni Angelo na ikinasimangot naman ng mukha ni Lourdes, pero patago lang.

Hindi man lang ako pinilit, sumang-ayon agad! Hindi n'ya ba alam yung salitang nagpapabebe? Gustong-gusto ko yung pink na teddy bear eh! Huhuhuhu!!!! naiiyak na asik ni Lourdes sa kan'yang isipan.

W-wait! Saan tayo pupunta?gulat na tanong ni Lourdes sa kan'ya nang hilahin s'ya nito, hindi papunta sa gawi nila Nicco.

Magtatanong pa sana s'ya kay Angelo kung ano ang ginagawa nila dun sa stall na yun pero natigilan sya nang bumili na ng sampung bala ng baril si Angelo.

Sa boxing at kick-boxing lang ako magaling, baby. Kaya hindi ko mapapangako sa'yo na makukuha ko 'yang gusto mo.napapahiyang saad ni Angelo kay Lourdes habang inilalagay ang mga bala, parang kinilig naman ang puso n'ya dahil sa sinabi nito at sasagot na sana nang bumanat pa ito.

Pero kung gusto mo, ito na lang buong stall ang bibilhin ko para ma-sure mo na mapapasayo yung gusto mo.nakangising saad na nito tsaka ikinasa ang baril kaya napailing na lang s'ya at napairap.

Pumuwesto naman na si Angelo at ipinusisyon ang sarili para sa pagbaril tsaka sinipat ang latang kailangan n'yang tamaan.

Unang tama ay malayo pa bago matamaan yung lata, ang pangalawa naman ay muntik na at ang pangatlo ay tumama naman na.

Yayyy!!! Nice, baby!tuwang-tuwa na sigaw ni Lourdes tsaka niyakap si Angelo matapos matanggap yung iniabot nung tindera sa kan'ya na teddy bear.

“Ano pang gusto mo, baby?nakangiting tanong na ni Angelo sa kan'ya tsaka muling naglagay ng bala.

“Yung teddy bear naman na kulay blue para may kapartner s'ya.nagpapacute na sagot nito sa kan'ya kaya nilingon ito ni Angelo, nasa may malayo at mataas ito na part at mahirap kuhanin kaya medyo nag-alanganin s'ya.

A-as you wish, baby.nakangiting sagot n'ya na lang kay Lourdes tsaka pasimpleng lumunok at ini-stretch ang balikat, kamay at leeg.

Ang unang bala ay tulad ng inaasahan sobrang layo sa lata, ganun din ang pangalawa, ang pangatlo naman ay medyo malapit na, at ang apat, lima at anim na bala ay muntik na.

Isang bala na lang ang meron sila, ibig sabihin isa na lang pag-asa nila, pero kahit na kaya pang bumili ni Angelo ng panibagong set ng bala ay pinilit n'yang patamaan na lang yung lata para naman matuwa ang kasintahan n'ya.

Nagbuga muna ng malalim na hininga si Angelo bago muling pumusisyon at isinentro ang baril sa lata tsaka nakapikit pa ang isang mata na kinalabit ang gatilyo.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon