CHAPTER SEVENTY FIVE

74 4 0
                                    

A/N: how... just how the hell did you guys managed to read this kind of sh*t? i mean, from the plot, to the typings, and to the story itself. it sucks. anyways, i really, really appreciates all of you. the word "thank you" is not enough to express my gratefulness for you guys. enjoy reading!🥀







































































































Third Person's Points of View:

“Richard, sinasabi ko sa'yo... 'wag na 'wag mong pagti-trip-an si Icer, malilintikan ka talaga sa'kin!” nagbabanta na ang tinig na saad ni Ronalyn habang pinapanuod si Richard na nagsusuot ng wristwatch.

“We're just going to drink. Wala naman akong balak gawin na masama sa kan'ya, gusto ko lang siyang kausapin, lalaki sa lalaki.” saad naman nito at nagspray na ng perfume.

“Siguraduhin mo lang na pagtapos niyong mag-inom ay walang ibang mangyayari at magbabago sa pagitan naming dalawa. Itikom mo 'yang madaldal mo na bibig! 'Kundi, hindi na tatapak 'yang mga paa mo sa sahig.” muli pang saad ni Ronalyn.

“You're exaggerating! Mag-iinom nga lang sabi kaming dalawa!” naiirita nang asik ni Richard habang inaayos ang buhok n'ya.

“Tss! I already gave you a warning.” napapairap na lang na asik ni Ronalyn tsaka tinalikuran na ito.

Pababa pa lang s'ya ng hagdan nang magring ang hawak-hawak niyang phone.

“Oh?” pagsagot niya sa tawag, narinig niya namang bahagyang tumawa ang tao na nasa kabilang linya.

[Bakit parang galit ka na naman yata?] natatawang tanong ni Cyruz sa kan'ya.

“Si Richard kasi, nakakairita!” sumbong naman ni Ronalyn, muli namang natawa si Cyruz. [Why?]

“Wala. Nasaan ka na pala? Paalis na rin ang gunggong.” tanong ni Ronalyn at nilingon pa si Richard na pababa na rin ng hagdanan habang pinapaikot-ikot pa ang Louis Vuitton Dragonne car key holder sa daliri niya.

[Paalis na rin ako ng bahay.] sagot naman ni Cyruz at narinig nga nito na nagsuot na ito ng seatbelt at binuhay na ang makina ng kotse.

“Ah, okay. Usap na lang ulit tayo mamaya. Focus on your driving, ingat.” paalam naman ni Ronalyn.

[Okay, I'll call you again later.] paalam din ni Cyruz at sabay naman nilang ibinaba ang tawag.

“Bilisan mo! Paalis na rin ng bahay si Icer!” asik ni Ronalyn kay Richard.

“Hayaan mong maghintay s'ya ng kahit ilang minuto. Para naman may maipagmamayabang ako na pinaghintay ko ang isang Roswell.” nakangisi namang saad ni Richard habang umiinom pa ng tubig.

“Aray! Ano ba?!” asik ni Richard nang batuhin siya ni Ronalyn ng tsinelas na suot nito. Mabuti na lamang at malambot at magaan lang ang tsinelas na iyon dahil pangbahay lang naaman 'yon kung kaya't hindi masyadong nasaktan ang balikat ni Richard na tinamaan nito.

“Kanina mo pa ako dinadarag, ah? 'Wag mo naman masyadong ipahalata na patay na patay ka dun sa Roswell na 'yon!” muling asik sa kaniya ni Richard sabay takbo papalayo nang akmang kukuhanin na naman ni Ronalyn ang isa pa nitong tsinelas.

“TITA, TITO AALIS NA PO AKO!! TINA-TANTRUMS NA NAMAN PO ANG ANAK NIYO!!” malakas na malakas na sigaw ni Richard at paspasang lumabas ng bahay.

“Ano na namang ginawa mo sa kuya Richard mo?” tanong ni Romnick na kalalabas lang ng office nito, hindi naman siya sumagot at kinuha na lang yung tsinelas niya.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon