CHAPTER FIFTY SEVEN

400 39 21
                                    

❤️Retreat (Day 2) 7.10❤️

Third Person’s Points Of View:

Hoy! Diba sabi ni Myrtle, 1-3 drinks per head lang p'wede kunin? Bakit tig-aanim kayo?!singhal ni Lourdes kala Aries, Jack, Leo, Vin, Kai, Ricci, and Mac. Nakita kasi nila ang mga ito na may mga yakap-yakap na canned drinks na coke, sprite, royal, fanta, mountain dew, and pepsi. Samantalang sila Donny, Darren, Cyruz, Nicco, at Angelo ay tig-2 lang na canned drinks ang kinuha.

Oo nga, alam namin na 1-3 drinks lang per head. Narinig naman namin.inosenteng sagot ni Aries sa kan'ya tsaka nilagok yung sprite.

“Eh bakit anim ang kinuha n'yo kung alam n'yong 1-3 drinks lang per head?mataray pa na dagdag ni Lourdes habang naka-cross arm pa at nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanila.

Eh sa dalawa ang ulo namin eh, kaya anim na drinks ang kinuha namin.nakangising sagot naman na ni Jack sa kan'ya, at nagsitawanan naman ang lahat maliban kay Lourdes na kumunot ang noo na parang naguguluhan.

“A-anong dalawa ang ulo n'yo?takang-taka na tanong ni Lourdes kala Jack at lalo pa s'yang nagtaka nang biglang magsipagiwas ng tingin si Nicco at Angelo na nagpipigil ng tawa habang si Ronalyn at Ainiella naman ay nagkatinginan at sabay ding humagalpak ng tawa tsaka tumalikod sa kanila, ganun din naman yung iba pa na nakakakita at nakakarinig sa kanila, natatawa rin.

“Nakakahiya na ka-inosentehan n'ya, sis!” natatawang mahinang asik ni Ainiella kay Ronalyn, lalo namang nagpigil ng tawa sila Nicco.

B-bakit kayo nagtatawanan? Ano nga kasi?! A-anong dalawa ang ulo n'yo ang pinagsasasabi mo?naiinis na talagang tanong ni Lourdes sa kanila, tumango naman si Aries at sumagot bago ituro ang ulo n'ya.

Hmmm... dalawa ang ulo namin. Isa sa taas at isa sa bab—?hindi naituloy ang akmang pagbaba ng tingin ni Aries sa pagkalalaki n'ya at ang pagsasalita n'ya nang bigla s'yang senyasan ni Ronalyn na tumigil na, kaya naman ngumisi lang naman s'ya at nagkibit-balikat tsaka tinalikudan na si Lourdes.

“Pahingi nga.” saad ni Ronalyn dun sa isang crew na dumaan. “Isa lang.” saad pa ni Ronalyn at nagpasalamat nang abutan s'ya nung crew ng isang cupcake. Tinanggal n'ya naman ito sa maliit na box at iniabot kay Ainiella, tsaka sinenyasan ito.

Hoy! 'Wag n'yo akong talikuran! Hindi n'yo pa sinasagot ang tanong ko! Masyado n'yong inaabuso ang mga privileges n'yo! Anong dalawa ang ulo n'y—?!natigil din naman ang pagsigaw at paghabol ni Lourdes sa papalayo na sila Aries nang biglang isupalpal ni Ainiella sa bunganga n'ya ang isang cupcake.

Gutom ka na yata hehehehehehe! Kain ka muna.saad ni Ainiella sa kan'ya at kinakabahan na nginitian s'ya tsaka lumayo nang bahagya sa kan'ya at pumunta sa likuran ni Ronalyn.

Pistillan ka! Yawa!inis na sigaw ni Lourdes sa kan'ya habang namumualam sa cupcake. Nagpeace-sign lang naman sa kan'ya si Ainiella.

Nang akmang susugod si Lourdes sa kanila ay biglang hinigit at itinulak ni Ronalyn si Angelo papunta sa kan'ya, dahilan para mapasubsob s'ya rito.

“'Yang syota mo ang tanungin mo kung ilan din ba ang ulo n'ya.nakangising asik sa kan'ya ni Ronalyn at sinenyasan sila Ainiella na sumunod na sa kan'ya.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon