CHAPTER TWO

1.6K 99 19
                                    

[Chapter 2]

Introduction.

🥀🥀🥀

LOURDES

Nang mahanap na namin ang room namin ay sabay-sabay na kaming pumasok. Nandun na yung teacher namin nang dumating kami.

“Are you the transferees?” tanong sa’min ni ma’am, tumango naman kami.

“Introduce yourselves,” nakangiting saad nito sa’min. Tumango naman kami tsaka pumunta sa unahan.

“Hi! Good morning! My name is Ainiella Reyes, I’m already at legal age, please treat me well,” masiglang pakilala niya habang kumakaway-kaway pa.

“Good morning, everyone, I’m Lourdes dela Vega, I just turned 19 years old. I hope we can get along,” nakangiti ring pakilala ko.

“Ronalyn del Valle,” tanging saad lang ni Ronalyn at bahagyang iniyuko ang ulo niya.

Napabuntong-hininga naman kami ni Ainiella. Naubusan na naman siguro si Ronalyn ng social battery, at ayaw nang makipag-socialize.

“Okay. Thank you, ladies. I’m Maureen Rebong, your instructor in Practical Research 2, and also your homeroom adviser,” pakilala ni ma’am sa sarili niya at ngumiti. Nginitian at tinanguan naman namin siya ni Ainiella pabalik.

“We don’t have sitting arrangements here, so you can sit wherever you want,” nakangiting saad pa nito sa’min tsaka tinuro yung mga bakanteng upuan. Tumango naman kami at naupo na sa may likuran kung saan may tatlong bakanteng upuan. Nag-umpisa na ulit siyang mag-discuss at nakakasabay naman kami.

“Class dismissed,” anunsyo ni ma’am Rebong tsaka umalis na matapos ayusin ang mga gamit niya at makapagpaalam din kami. Sunod namang pumasok ay yung isang teacher. Tumayo yung mga kaklase namin kaya tumayo na rin kami.

“Good morning, Ms. Amisola,” sabay-sabay na bati nila.

Good morning. Sit down,” bati rin nito kaya naupo na kami.

“Oh, you’re the transferees?” tanong nito sa’min, tumango naman kami.

“You’re already three weeks late for the first quarter. The school shouldn’t accept you three. But I don’t know what strings you pulled up para tanggapin pa rin kayo ni dean,” nakangiti si ma’am Amisola, pero halata ang pagka-sarkastiko niya habang binibitawan ang mga salitang iyon.

“Strings ampt! Buhok niya hilain ko eh!” inis naman na bulong ni Ainiella.

“Bakit ba ngayon lang kayo nag-transfer?” tanong nito sa’min habang inilalapag yung mga gamit niya sa table.

“None of your business,” sagot naman ni Ronalyn sa kaniya dahilan para magbulungan ang mga kaklase namin, at napapaamang na sarkastikong natawa si ma’am Amisola.

Sheeeeeeesssshhh!

None of her business daw!

Grabeeee, angassss!!

HAHAHAHAHAHAHAHAHA gagiii, lagot 'yan!

Matik, sa dinami-rami ba naman ng teacher na babastusin niya, yung masungit pa!

Ke-bago-bago, walang modo!

Oo nga, tsk, sana ma-suspend agad siya!”

Ipa-expelled na sana!

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon