CHAPTER EIGHTEEN

710 65 0
                                    

Ainiella's PointsOf View:

Kakapark lang namin ng kotse namin nang may marinig kaming nagsisigawan sa loob ng campus.

“Ano yun?” takang tanong ni Lourdes.

“Ewan, tara!” pag-aya ko sa kanila tsaka dali-daling pumasok.

“You b*tches! Anong karapatan n'yo para landiin ang boyfriend ko?!” inis na sigaw nung babaeng naka-tiger print na dress na backless at sleeveless na hahanggang taas ng tuhod niua lang ang haba, kitang-kita rin ang mga dyoga niya. Halatang hindi s'ya estudyante dito.

“What a cheap,” salubong ang kilay na saad ni Lourdes habang hine-head-to-toe ito.

“Back off b*tches! He is mine!” sigaw pa rin nung babae dun sa mga estudyante.

“Don't you dare flirt with him again!” muli pang sigaw nito.

“I want all of you to stay away from him! You should never ever laid down even a stare on him, or else I'll pull all your hair!” nagbabanta pa ang tinig na sigaw nito.

“Sino ka ba? Eh hindi ka naman namin kilala, ah?!” sigaw naman sa kan'ya nung isang babae.

“Oo nga! Makapang-akin ka d'yan! Baka nga 'di ka kilala ni Angelo!” sigaw din sa kan'ya nung isa pa.

Oh? Angelo?

“Kilala n'ya ako dahil girlfriend n'ya ako!” pabalik naman na sigaw nung babae.

“Antehhhh, wala pang 10:00 PM, bawal pa magdelulu!” sigaw naman nung isa at nagtawanan naman ang lahat.

“Shut up all of you! I'm telling you, I'll get rid of you once you flirt with my boyfriend!” naiinis pang sigaw nito.

“Boyfriend daw? Edi sana kilala ka namin kasi malamang sa malamang kung girlfriend ka ni Angelo ay ife-flex ka n'ya sa social medias n'ya!” asik naman sa kan'ya nung isang estudyante.

“B*tch, please! Kahit yata girlfriend s'ya talaga ni Angelo ay hindi s'ya nito ipo-post sa socmed n'ya eh! HAHAHAHAHAHAHA!”

“Hoyyyy!! 'Wag naman kayong mangface-shame!”

“Bawal natin s'yang iface-shame pero p'wede n'ya tayong i-slutshame?! Amazing, isn't it?” sarkastikong tanong nung isang RIS student.

“Because you're indeed a slut!” pabalik naman na sigaw sa kanila nung babae.

“AT TALAGANG PANGIT KA! THAT'S NOT AN OPINION, THAT'S A FACT! FVCK YOU!” hindi naman namin napigilan ni Lourdes ang tawa namin nang isigaw yun nung isang beki.

“MANAHIMIK KANG BAKLA KA! SALOT KA SA LIPUNAN! HINDI KA TATANGGAPIN SA LANGIT!” sigaw naman ulit nung babae kaya napalingon kami ni Lourdes kay Ronalyn, isa kasi sa pinaka-ayaw niya ay yung mga homophobic.

“Maldita mode: on,” mahinang bulong namin ni Lourdes at nilingon si Ronalyn na nag-umpisa nang maglakad papalapit sa kanila. Nagmake-way naman ang lahat ng estudyante para makadaan s'ya kaya sumunod na kami sa kan'ya.

“Okay lang kahit hindi ako mapunta sa langit, na-meet and greet ko naman na ngayon si satanas, ito nga siya, oh, nasa harapan namin, naka-tiger print dress,” muli naman kaming napahagalpak ng tawa dahil sa sinagot sa kaniya nung beki.

“Argghh!!! Shut up!!!! You fvcking sluts!!” naiinis naman nang sigaw nung babae.

“Luh? Coming from a b*tch like you?! Na nag-eskandalo sa school namin para sabihing lubayan namin si Angelo? Bakit? Ganun ka ba ka-pangit para ma-insecure ka sa'ming lahat nang ganyan?! Tama na, ate girl! Wala ka sa mental hospital! Kaya gumising ka na, dahil hindi ka naman mahal ni Angelo! Dahil kung mahal ka n'ya ay wala ka sana dito sa harapan namin ngayon!” sigaw nung isa pa naming ka-schoolmate at akmang sasampalin naman s'ya nung babae nang magsalita si Ronalyn.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon