CHAPTER 3

7 1 0
                                    

CHAPTER 3

" Musta ang misyon mo,? Hindi mu daw napuruhan ang target. Ano kaba Maya mayayare tayo nito sa Client, taposin muna yan nang hindi tayo madadali."  Mensahe na nabasa ko sa aking Cellphone na galing sa Agency ko.  Agad akong bumalik sa kuwarto  kung saan ang binata  at agad kong hinawakan ang hand gun ko na nakatago sa likod ko.

" oh, bumalik ka?." pagkasabi nito noong mapansin n'ya ako sa pintuan.
"a-ah. Oo, tatanong ko lang sana kong anong flavor ng Kape gusto mo. Diba nagpapabili ka?." tanong kong nauutal pa. Nakakainis tong feeling na namumuo sa loob ng dib-dib ko.

"Caramel macchiato, yon nalang salamat," sagot nitong nakangiti pa. Bakit ba kasi lagi s'yang nakangiti, nakakabadtrip yong smile n'ya nakakabago ng desisyon.

"Ahm- sige mauna na'ko," umalis na'ko noon ng hindi ko manlang nagawa ang pakay ko. Hindi ko magawa na bunutin ang aking baril at ipaputok sa kanya. Hanggang sa pagtulog ay s'ya ang tangi kong iniisip. Ang mga ngiti nito ang laging pumapasok sa utak ko , kasabay din naman ng tibok nitong puso ko.

Ngayon lang kasi tumibok itong puso ko nang ganito. Hindi ako sanay sa mga nangyayari sa'kin. May kaba, may inis, at may tuwa din naman akong nararamdaman, Tuwa na pag s'ya ang aking nakikita.

"kamusta  Maya?." galing sa kabilang linya.

"Ahm.. Masyadong marming nakabantay sa kanya sa Hospital sir. Kaya hindi ko magawa ang plano. Hindi matatapos itong linggo sir ,at magagawa ko'na to." sagot ko na nagpapaliwanag sa kanya.

"Siguraduhin mo Maya, ano ba ang nangyayari sa'yo?. Dati isang araw lang tapos mo na agad. Bakit ngayon nahihirapan kana?." dugtong pa nito, na may halong inis.

Hindi ko na iyon sinagot pa at binaba ko na ang cellphone ko.   Kinabukasan gaya ng sinabi ko kay Sky,  binilhan ko s'ya ng kape at agad tumungo ng hospital.  Ngunit wala na ito sa kuwarto n'ya noong dumating ako. Ang sabi ng Nurse ay lumabas nadaw ito kanina-nina lang. Doon nadaw ito magpapagaling sa kanilang bahay.

Alam n'yo sa totoo lang ang baril na lagi kong dala upang pumatay sa mga misyon ko ay, hindi ko dala-dala.  Hindi  ko iyon nakalimutan sadyang iniwan kolang iyon dahil sabi ng puso ko ay hindi naman misyon ang aking pupuntahan. Pero ang totoo ay misyon naman talaga itong gagawin ko. 

Nalungkot ako ng bahagya noong hindi ko ito naabutan. iwan kung bakit ganun ang aking naramdaman na hindi naman dapat. Hindi ko naman ito kilala at higit salahat s'ya ang misyon ko. Misyon na patayin ngunit parang may kung anong pakiramdam na pumipigil sa'kin, marahil ito ay awa lamang .

Maya-maya pa'y tumonog ang aking phone, galing sa hindi familiar na number. Ayaw ko na sana  sagutin kaso ngalang tawag ito ng tawag.

"Hello?. "

"Hi, miss Maya donacio," saad nito sa kabilang linya na parang nakangiti pa.

"sino to?."  tanong ko.

" ako to yong gwapong dinala mo sa hospital, si Sky." pagkarinig ko noon ay napangiti ako . Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking naging reaction. Para bang may tuwa na gumising sa aking puso.

"oh, ba't hindi ka makasagot,? Yong kape ko?, nasaan na.?" sunod-sunod pa na tanong nito  sa'kin.

"Ahm,  heto dala ko nga eh, saan kaba?." pag-uusisa ko naman sa kanya.

"dito sa bahay, pwede bang dito mo nalang ako dalawin.  Sabi kasi ni dad mas makakabuti kapag dito na ako sa bahay magpagaling eh. Lalo na't nanganganib ang buhay ko." tugon naman nito na sinang-ayonan ko agad. Na pa oo ako ng hindi ko alam. 

Binigay nito sa'kin ang kanyang address at agad ko namang tinungo sakay ng aking kotse. Pagkarating ko doon ay namangha ako, hindi ko akalain  na ganito pala sila ka yaman. Napakalaki ng gate na may mga bantay pa.
Bumukas ito noong matapos nilang silipin kung sino ang sa loob ng sasakyan ko. Pagkatapos kong iparada ang aking sasakyan ay agad namang turo sa akin ng isang Guard doon kung saan ang kinalalagyan ni Sky.

Agad naman ako nagpasalamat at tinungo nanga ang kinaruruunan ni Sky.
Malayo palang ay natatanaw kona ito, naka-upo ito sa wheelchair habang nakangiti . Suot nito ay puting t-shirt at kulay itim na juger pants,  at aaminin ko ang gwapo n'yang tignan sa ganoong kasimpling kasuotan.
Ang mga mata nito ay kulay brown na binagayan naman ng kilay nitong makapal. Ang mga killer smile nitong laging nagpapalambot sa mga puso ko.

"Oh, akin na kape ko," agad nitong tugon sa'kin.

" Pasensya na malamig nato kanina pato eh. Teka, saan mo pala nakuha yong number ko?" pagtatakang tanong ko.

"Sa nurse,  ikaw yong nag fill up don eh, tapos nakalagay yong name mo dun at number ." ngiti uli nitong tugon sa'kin.

"Ah. ." napatigil ako at nabigla dahil nailabas ko pala ang aking empormasyon ng hindi ko manlang naisip, na pwede ko iyong ikapahamak. Sa trabaho ko kasi ay dapat nag-iingat kami sa pagbibigay ng empormasyon namin. Baka kasi matrace kami ng kalaban o kapulisan.

"Oh, napatigil kana naman, tara sa loob pakillala kita sa Mommy ko." pagyaya nito sa'kin sa loob ng bahay nila. Agad ko namang tinulang ang Wheel chair nito papasok ng bahay nila.

"Mom, si Maya- " hindi  pa natatapos ang  sasabihin ni Sky noong magsalita na ang Mommy nito.

"Ang ganda naman ng Girlfriend ng anak ko," sambit nito sabay lapit sa'kin at nag beso pa.

"Halika iha, umupo ka, kamusta naman tong anak  ko?' inaalagan kaba,? Baka naman sinasaktan ka ha?, sabihin mo lang at aawayin ko talaga to, at kailan n'yo balak magpakasal, excited na'ko magka-apo, dapat Babae panganay sunod lalaki ha.?" sunod-sunod na mga tanong ng Mommy nito sa'kin. Hindi manlang kami makapagsalita ni Sky. Natutuwa ako doon dahil ang gaan-gaan ng loob ko sa mommy nito.

"Mommy naman eh, kung ano-ano pinagsasabi. Alam mo kasi mommy...." hindi na naman natapos iyong sasabihin ni Sky noong mag ring ang phone ng mommy nito.  Agad itong nag excuse sa'min at lumayo at sinagot ang tawag na'iyon.

LOVE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon