CHAPTER 9

3 1 0
                                    

CHAPTER 10

"Totoo ba 'yong sinabi mo kagabi?" Tingin nito sa akin , sabay ngiti.
Yong ngiting nakakaloko. 

Anong meron dito? Bakit ganito s' ya kung ngumiti?
Tsaka ano bang sinabi ko kagabi? Natulog din naman kami agad.

"Oh,  sumagot ka,"  Muling sabi nito.

"Ano ba kasi sinabi ko?  Wala akong matandaan," Sagot ko, habang nagtataka.

"Sus.. Nagsasalita kalang naman habang tulog ka, napanaginipan mo 'ko no?"  Ngumiti ulit ito na parang baliw.

"Basta may sinabi kang mahal mo 'ko,"  Katagang nanggaling uli sa kanya, na nagpapula ng muka ko.

Talaga bang sinabi ko yon, nayare na "H-hoy ,  talaga bang sinabi ko 'yon?" tanong kong nauutal. 

"At hindi lang yon," sabay tawa nito ng nakakaloko. Yong bang tawang nakakainis.

"Sira ulo, sabihin mo, ano sinabi ko?" Pagpilit ko sa kanya.
Baliwa kasi tong lalaking to,  Kaasar, kinakabahan tuloy ako .

"Saka ko na sasabihin kapag nakita na kitang nakakulong."  ngumiti lang ito uli at sumandal sa pagka upo.  Ako naman ay tumitig lang sa mga muka nito. Ang kagwapohan nito ay hindi nakakasawa.

"Oh, baka matunaw ako n'yan."  Sambit nito na walang emosyon. Nahiya naman ako at iniwas ko nalang bigla, ang tingin ko sa harap.

"Hindi ikaw yong tinitignan ko no, kapal mo!" Ang totoo naman oon ay s 'ya naman ang tinitignan ko talaga.  Nababaliw na ata ako sa lalaking 'to.  Pwede bang sa puso mo nalang ako ikulong, ay peste!  Umiral na naman tong kalandian ko.  

Nakita kong tumayo ito." Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Malamang bababa na, diba termenal na 'to?" Sagot nito na mahinahon lang.

"Ay! Oo nga pala."  Di ko manlang namalayan na sa bayan na pala kami.

"Tingin ka kasi ng tingin sa gwapo kong muka,  'yan tuloy  'di mo namalayan."

Baliw to ah,  "Hindi ka gwapo no, tsaka  'di  ikaw yong tinitignan ko." Naglakad na ito pababa at, hindi manlang  pinakinggan ang paliwanag ko,
Kaasar.

"Antayin mo 'ko dito,"  sabi nito noong makababa na kami.  Saan na naman kaya pupunta tong kulokoy na 'to. Anong alam n 'ya sa lugar namin?.

"Hoy!  Saan kana naman pupunta?"  hindi n 'ya na ata narinig iyon. Nakatawid na kasi ito sa kabilang kalsada at pumasok sa isang store.
Kaya humanap nalang ako ng maupuan doon habang nag aantay sa kanya.
Yumuko ako saglit dahil nakaramdam ako ng kirot sa sugat ko.
Maya-maya'y  biglang may nagsalita sa harap ko.

"Miss ? Pinabibigay ng lalaking pogi "  salitang galing sa batang lalaki, na may dalang paper bag na inaabot nito sa akin. 

Tinanong ko s' ya kung saan galing iyon. Ang sagot nito ay galing daw sa lalaking naka itim ang damit na may punit. Matangkad daw ito at gwapo.
Doon na pumasok sa isip ko si Sky.

"Eh, saan nayong lalaki?" tanong ko uli. Sumakay nadaw ito  sa bus byaheng maynila.  Huminga ako noon ng malalim at Napaisip . Bakit kaya ako nito iniwan? Diba ang sabi nito ipapakulong n 'ya pa ako?. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Pagkabukas ko mg paper bag na iyon ay, bumungad sa akin ang isang kape , meron ding  gamot sa sugat ko at kong ano-ano pa.

"Ate, sabi ng lalaking pogi gamutin ko daw yong sugat mo, Wag kana daw pumunta sa Hospital."  hindi pa pala naka alis tong bata nato. Nasabi siguro iyon ni Sky upang di na malaman ang nangyare noong gabing pinagmulan ng sugat kong to. Sa oras kasing mag pagamot ako sa hospital ay malalaman nilang galing sa batil ang sugat na iyon sa akin, at posebleng makarating ito sa pulis, na dahilan upang malaman ang puno at dulo.  Hindi naman sa assuming ako pero pakiramdam ko ayaw akong makulong ni Sky.
at gusto nitong sa puso n 'ya ako makulong. Ay yawa! Lumalandi na naman ako.

"Ingat ka daw ate, sabi ni kuyang pogi," Ay loko, kinilig naman yong bones ko.

"Talaga sinabi n' ya yon?"
"Opo" sagot nito agad.

______

Dumaan ang mga araw ng sandali, wala na akong balita kay Sky , napatingin ako sa kalangitan,  sinasariwa ko sa aking isipan ang mga araw naming masaya.  Napahawak ako sa bibig ko noong maalala ko yong halik nito sa akin.  Kamusta na kaya si Sky. Iniisip n 'ya rin  kaya ako. Siguro hindi , malamang umalis na ng bansa iyon.  Bumalik lang ako sa ulirat noong tumunog ang Cellphone ko.

"Hello? Sino sila?" tanong ko.

"Kung gusto mo pang makitang buhay ang boy pren mo puntahan mo ako" boses na galing sa kabilang linya na ikinagulat ko.

May senend ito sa aking Video at nakita ko si Sky na naka busal habang nakatali sa upuan.  May senend din itong location kong saan daw kami magkikita.  Sa pagkakataong iyon ay natakot ako. Takot hindi para sa sarili ko, kundi takot para kay Sky.   Hindi ko maipaliwanag ang kabang namuo sa dibdib ko noong gabing iyon. Panu kong saktan nila so Sky? Panu kong may masamang mangyare sa kanya. 

Ano ang gagawin ko?

LOVE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon