CHAPTER 8

3 1 0
                                    

Kailan tayo babalik sa maynila?" tanong ko.

"Kumusta yong Sugat mo? Masakit paba?" Yon ang sagot nito sa tanong ko.

Gagi kinikilig ako sa gwapong to. Totoo bato nag aalala talaga s' ya sa' kin.

"Sikapin mong wag mamatay ha?" Dugtong pa nitong lalo kong ikinilig.
Parang iihi ako ah.

"Ipapakulong pa kasi kita, kaya wag kang mamatay"  ay! Kala ko pa naman nag aalala nato. 'di pala.  Kinikilig pa naman ako.

"Sorry na!"

"Sorry?,  bakit may pulis?" tanong nito.

"Para mang huli ng mga masamang tao." Sagot ko.

"Ngayon alam mo na" Maikli nitong tugon.

"Anong alam ko na? Hindi nga eh"

"Pano ka naging assasin?, ang slow mo kasi.  Kung lahat ng masamang tao magsosorry lang, ano silbi ng pulis?. Ganun nalang ba yon? Kapag may nagawang kasalanan patatawatin agad?".  Tumahimik ako noon sa mga sinabi n'ya.

Tama nga naman ito. Ano ang silbi ng mga pulis  kapag lahat ng pumapatay ay patatawarin nalang.  Ang lahat ng may nagawang kasalanan ay , dapat managot sa batas.   Pero ang ibig sabihin ko lang naman sa sorry ko ay mapatawad nito ako kahit na mahirap, hindi ko naman sinasabing  hindi ako magpapakulong. Ang mahalaga ay matututunan nito akong mapatawad.

Mapapatawad pa kaya ako ni Sky? May happy ending kaya?

Natameme ako noon sa sinabi ni Sky, lahat kasi ng sinabi nito ay totoo.
Yumoko nalang ako dahil sa hiya at guilty na nararamdaman ko. Yong bang gusto mong magsalita pero hindi mo magawa, wala kang karapatang magmataas dahil ikaw naman ang dahilan kong bakit ngayon ay nandito kayo.

Bakit kasi nagkita pa kami noon sa Coffee shop?.
Edi sana madali nalang para patayin s' ya, edi sana wala akong problema.
Kaso ito, nahuhulog ako sa taong target ko.   S'ya dapat ang tatamaan ko, pero bakit ako yong tinamaan dito?. Tinamaan ako ng magaling na pag-ibig nato.  

"Tara na!. Pag nagsisihan pa tayo dito, wala ding mangyayare. Saka nalang kapag nasa Maynila na tayo. Batas na ang bahala sa' yo."  Yon yong seryusong sambit ni Sky sa akin.

Tumahimik lang ako at sumunod sa likod nito.  Iniisip ko nalang na tama na siguro. Ito na siguro yong tamang panahon upang tumigil na ako sa trabahong ito.  Handa na akong makulong , handa na ako sa parusang ipagkakaloob sa akin ng batas.

"Bakit ang tahimik mo?" Muli nitong sabi.

"Kapag ba mag salita ako , mapapatawad mo ako?" sagot ko.

"Una sa lahat, mutik mo na akong mapatay, pangalawa nagsinungaling ka, pangatlo pinaasa mo ako."

"Anong pinaasa?"

"Ah eh.  Pinaasa mo akong mapagkatiwalaan kita, yon pala hindi."

"Alam kong walang magagawa tong sorry ko Sky.  Alam kong walang kwenta sayo kahit mamatay pa ako ngayon sa harap mo."

"Basta wag kang mamatay,  saka na . Dapat kang magbayad sa kasalanan mo sa' kin."

"Oo na,  'di naman kita tatakasan  eh. Tsaka handa na ako sa ano mang kaparusahan na ipapataw sa' kin.  Handa na akong pagbayaran yon Sky."
Napatigil noon si Sky sa paglakad, kaya nilagpasan ko s' ya. Batid kong napaisip ito sa lahat ng nasabi ko.

"Sandali, yang sugat mo ! Kanina pa kita tinatanong 'di mo ko sinasagot. Bingi kaba?"  pagbago nito ng mainit na dramahan at pakiramdam sa amin.

"Ayos lang ako.  Kahit mapano pa ako , diba ayos lang naman sayo?.  Baka nga matuwa kapa eh"

"Anong matuwa!" biglang sabi nito na pasigaw. Kaya maski ako ay nabigla sa mga narinig ko. Bosese pag alala kasi iyon.

"Ahm,  ano.."
"Ahm dapat 'di ka mapano. Diba ipapakulong pa kita," pagbali nito ng ibig sabihin n'ya kanina. Halata naman kasing may feelings na s' ya sa akin.

"Talaga! Yan lang ba ang ibig mong sabihin?" Klaro ko sa kanya, na agad naman nitong sinagot agad.

"Ba'y , oo ano paba? , hintayin mo nga ako,"  Pagmamadali nitong lakad, upang maabotan nito ako.   Nakarating kami noon sa high way, kung saan malayo sa baranggay namin.  Nag abang kami noon ng bus at sumakay papuntang termenal patungong maynila

LOVE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon