CHAPTER 6

2 1 0
                                    

CHAPTER 6

"Kaya pa ba?." natatawa kong bigkas kay Sky. S 'ya kasi ang pinabitbit ko ng pinamili naming mga kailangan sa bahay .  Yong tipong pati hinliliit n 'ya sa kamay ay  bamimilipit sa bigat ng kanyang dala.

"Kaya pa, sus ito lang.? Wala to ang gaan nga eh. Wala naba,? Kulang pa to eh.  Sumampa ka kaya sa 'kin."  Pagyayabang nitong sagot sa 'kin . Halata naman kasing nahihirapan na ito . Lumalabas na kasi ang mga ugat nito sa noo at tagaktak na rin ang mga pawis nito. Ayaw nito kasi akong pabibitbitin ng mga pinamili namin , kaya ayon hirap na hirap s 'ya tuloy.
Sabi kasi nito babae daw ako kaya dapat hindi daw ako pinapadala ngga ganito.  

"Wait!. Pwede ba tayong magpahinga saglit.? " nakangisi ito na para bang inaamin nang mabigat nga at hindi nito kayang bitbitin lahat. 

"Oh, kala ko kulang payan, akala ko sasampa pa ako.?" 

"Ambigat pala!. " natatawa ito habang binababa isa-isa ang mga dala nitong dilata at kung ano-ano pang pinamili naming nakaplastick.

Nilakad lang kasi namin ito gawa ng malapit lang naman sa bahay, at yong sasakyan ko  'di ko na ginamit , baka kasi may makapansin sa kotse  at masundan pa  kami ng mga humahabol sa 'min.

Noong malapit na kami sa bahay ay sakto namang makasalubong namin ang grupo ni Robert.  Halatang mga lasing na naman , pasuray-suray na kasi silang apat kong maglakad at nauutal pa.

" Deyba ikaw shee Shakay." Sambit ng lasing na si Robert

" Nag keyta  'rin t-tayo uli. Dyeba shabi ko 'di pah tayoo taposh?" sinisinok-sinok pa ito habang nagsasalita. 

"At i-ikaw, Mayalisha kababata kong ubod ng ganda.  Sha na ba pinagmamalaki mo.?"  sabay turo nito kay Sky .

"Teka-teka,  mabuti pa umuwi na kayo at matulog, lagi nalang kayong lasing." pagsasaway ko sa kanila.

" H-hindi naman ako maglalasing kong hindi mo sinaktan tong puso ko eh.
Ang sakit-sakit Maya." drama pa nito na kunwari ay nasasaktan talaga.

"Mula naman dati pa lasingero kana eh. Ang bata-bata mo pa Robert puro sa 'kit sa ulo nalang binibigay mo sa mga magulang mo. Magbago kana habang hindi ka pa malala." Mula sa mga bibig kong pangaral. Kahit papanu  kasi ay naging mabuti ding kababata sa 'kin si  Robert .

"Panu ka sasagutin kong lagi kang naglalasing." Mula naman kay Sky.
Doon ay lalong naasar si Robert dahil sa mga sinabi ni Sky. Loko-loko din kasi tong isa eh, ayaw nalang manahimik, talagang nang-aasar pa talaga.

"Alam mo ikaw .." sugod ni Robert kay Sky na hinarangan ko.  Galit na galit na kasi ito kay Sky.

"Sige hayaan mo Maya, "  hawi nito sa 'kin na tila bang kakasa na sa laban.

"Matagal-tagal naring hindi nakatikim ng suntukan to eh.  Hayaan mong mabugbug s 'ya sa 'kin . " banggit nito na nagyayabang na naman.

"Sigurado ka.?  Oh sige , hahayaan kita."  Hinayaan ko nalang  dahil sa mapilit itong si Sky. 

Noong handa na ito makipagsuntukan ay bigla nalang sinuntok ni Robert ito ng malakas , hindi ito naka-ilag at napatumba, ayon napuruhan nawalan ng malay. Pagkagising  nito ay nasabaya na. 

"Anong nangyari.?" Agad nitong tanong sa 'min.

" Ayon,  Natulog kalang naman sa suntok ni Robert.  Kala kasi sinong magaling makipagsuntukan eh." wari kong hawak-hawak ang yelo sa durog na binalutan ng tila.

"Nakatsamba lang yon , tsaka pinagbigyan ko lang kawawa namanlasing eh." Pagpapalusot pa nito sa 'kin. 

"Asus.. Ang sabihin mo hanggang sa asar kalang. Ayan tuloy nagkablack eye ka. Akin nanga yan gamutin ko."

"Aray! A-aray! . Dahan-dahan naman." 

"Aray ka nang aray wala panga eh. Lalaban-laban ka sa suntukan eh 'di panga magaling yang sugat mo."

"Oh, ayan yelo ilagay mo sa mata mo ng humilom yang maga." dugtong ko pa. S 'ya naman ay tumahimik na  'rin at tumingin lang sa 'kin. Yong tingin na  kahit kailan ay hindi ko pa nakikita sa kanya.  Tingin na para bang nanghihipnotize.  Malalagkit na tingin na para bang may ibig ipahiwatig.

Hindi ako maka-iwas  sa mga tingin na iyon.  Hindi ko manlang magawang makawala sa mga titig naiyon, na  unti-unting  lumalapit ang mga muka nito sa muka ko. Napapikit nalang ako at nagpa-ubaya sa kung ano man ang nais nitong gawin sa mga oras na iyon sa 'kin.

Isang malabot na mga labi ang dumampi  sa mga bibig ko noon at passionable pa ito.  Hindi ko alam bakit gusto ko ang mga nangyayaring iyon, samantalang wala namang namamagitan sa 'min.

"teka!." pagpatigil ko sa kanya noong akma nitong hubarin ang mga damit ko.

"Ahm. . Hindi pa ako Ready eh." dugtong kong may pangamba.

"ah eh , ganun ba.?  Sorry Maya."

"Ayos lang.  Pareho naman nating ginusto, kaya wag kang magsorry. Maiwan na muna kita." napaalis ako dahil sa akward na ganap na iyon sa 'min. Nakakahiya na nakakagigil.

Doo nalang mo na ako sa labas nagpahinga at nagpahangin. Papalipasin ko nalang mo na tong mga nararamdaman ko sa ilalim ng buwan at mga bituin.  Gusto ko sanang picturan yong buwan kaso naiwan ko pala ang Cellphone ko sa Kwarto ni Sky.  Nagdadalawang isip tuloy akong kunin iyon sa hiya. Pero kailangan ko iyong kunin baka kasi paki-alaman n 'ya iyon at malaman pa nito ang iniingat-ingatan kong secreto.  Ngunit aakmang papasok palang ako sa bahay nang may marinig akong tinig ng isang lalaking seryuso. Yong tipong may nalamang balita.

"Ito ba hinahanap mo Number 10 ?. "  Yon ang  Code name ko  sa agency, numbet ten ang tawag nila sa 'kin.  Gulat na gulat ako noon sa mga sinabi n 'ya. Yong may takot at pangangamba.

" Bukod sa isa kang mamatay tao at sinungaling , ano pa yong talent mo.? Alam ko na ang lahat-lahat.  Lahat-lahat ng tungkol sa 'yo. " gigil na sambit nito sa 'kin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat isasagot ko sa kanya. Totoo naman kasi lahat ng mga sinabi nito .

"Ano!?. Wala kang isasagot?.  Nakakatakot ka . Ang taong pinagkatiwalaan  ko,  ay s 'ya din pala ang taong gustong pumatay sa 'kin. Yong taong akala kong ligtas ako sa mga kamay n 'ya ay , yong tao palang bumaril din sa 'kin."  Yon ang tanging mga salitang katutuhang mga naririnig ko kay Sky.   Galit na galit ito at mukang sinusumpa pa ako.

Ano ang aking gagawin? Anong ang mga bagay na pwede kong gawin , upang makabawi sa kanya?, gayong alam na nito ang buong katutuhanan sa 'kin. Natatakot ako,  sa totoo lang ay nasanay na ako na nandyan s 'ya sa tabi ko.   Ano na ang mangyayari ngayong galit na galit ito sa 'kin.?

LOVE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon