CHAPTER 5
Agad kong pinasok ang gate at tumungo sa putukang iyon, hanggang sa makita ko na ang mga taong naka-itim na nakatalikod. Pinagbabaril ko iyon nang walang mintis, at agad namang nagsitumbahan iyon. Ang bahay ay napuno ng mga taong nakahiga na wala ng buhay. Mga katawang duguan na nakahandusay sa sahig.
Si Sky naman ay natatanaw kona kasama ang ilang body guard nitong nakikipagpalitan ng putok sa kalaban. Maya-maya pa' y nagsitumbahan nalang ang mga body guard nito dahil sa lakas ng pwersa ng kalaban.
Pinulot ko ang high power gun na Vltor ts3 carbine rifles na nagaling sa tumbang kalaban. Agad ko silang inunahan nang putok noong makita kong malapit na sila sa kinaruruunan ni Sky.Sa tuwing matatamaan sila ng bala ko ay nagsisiyawan ang mga ito bago matumba sa sahig na wala ng buhay. Nilibot ko pa ang aking mga mata sa paligid upang siguraduhing wala nang kalaban.
" Sky,? Ayos kalang?," tanong ko sa binatang namumutla sa kaba.
"A-ayos lang, teka ba't nandito ka?." taka naman nitong tanong sa' kin.
" saka ko nalang ipapaliwanag sa 'yo . Ngayon ay sumama ka muna sa' kin."
Noong una ay ayaw nitong sumama , kinalaunan ay pumayag narin lang ito dahil sa banta sa kanyang buhay. Wala daw ang mga magulang nito sa pinas, Nasa ibang bansa daw ito dahil sa bussines trip.Iniwan namin ang mansion sakay sa kotse ko at tinungo ang lugar kong saan ako pinanganak yon ang Albay. Nandon ang aking lola at mga kapatid,
Tahimik ang lugar na iyon at payak ang pamumuhay. Habang si Sky ay malalim parin ang iniisip, dahil siguro sa mga nangyayari, naguguluhan parin ito .Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ito. Alam kong tinitignan nito ako dahil nakikita ko sa reflection ng wind shield.
"Baka matunaw ako n' yan.?" sambit ko sa kanya na binaling n' ya naman agad ang tingin sa harapan.
"Maganda no?, nag iisa lang tong muka sa mundo." dugtong ko pa na ikinatingin n' ya sa' kin. Pero iniba nito ang usapan dahil siguro sa nahiya ito na nahuli ko itong nakatingin sa' kin.
"ahm.. Di pa pala ako nakakapagpasalamat". Pagbali nito sa usapan namin.
"Salamat, teka! Ba' t nandon ka sa bahay? , sa mga oras na' yon?. Anong ginagawa mo don?." sunod- sunod naman na tanong nito.
Sa totoo lang ay hindi ko masagot ang mga katanungan nito. Kaya tumahimik muna ako nang saglit at nag-isip ng isasahot.
" Ahm.. Sisingilin ka!, tama sisingilin dapat kita noong mga oras na 'yon. Diba ako nagbayad ng hospital bill mo?. " Pagpapanggap ko sa kanya.
Wala na kasi akong ibang naiisip na palusot ."Ah, eh panu 'yan wala akong pera?, naiwan yong wallet ko at credit card sa Mansion." Sagot nito sa' kin na nakatanaw sa malayo.
"Ahm, saka mo nalang ako bayaran, kapag naka-uwi na tayo sa maynila. Basta ngayon wag kana munang maraming tanong." Ngiti kong saad sa kanya.
"Grabi!, ang dami na talaga akong utang sayo. Hindi ko alam kung panu ako makabayad sayo Eh. " Natatawa ito habang nagsasalita sa 'kin. Ilang beses ko na daw kasi nailigtas ang kanyang buhay. Kulang daw ang kayamanan n 'ya, upang makabayad. Pero sa totoo lang ay subrang yaman naman n 'ya talaga.
"Dahil kulang ang yaman ko, pwede bang sarili ko nalang pambayad ko sa 'yo?." Mga salitang dugtong nito na nagpagulat sa 'kin. Napa-apak tuloy ako sa prino sa gulat, at kilig na agad naman nitong hawak sa dibdib nito dahil sa kaba noong biglang tumigil ang sasakyan. Loko-loko bato?, s 'ya pambayad?. Pwede 'rin.
"Ano kaba!?, hihimatayin ako sayo eh. Bat ba tumigil ka bigla ?."
"A-ah eh. . Na-iihi ako eh, pwede bang ihi lang ako saglit?, d 'yan lang sa unahan ng damuhan." Rason ko sa kanya. Buti nalang ay hindi n 'ya na halata na kinikilig ako sa sinabi n ' yang iyon.
BINABASA MO ANG
LOVE SHOT
Teen FictionDISCLAIMER This is a work of fiction. Any names, characters, stories or events, are fictitious. ______________ Ako si Maya, isang asssin. Babaeng binabayaran ng malaki upang pumatay. Hindi ako ordenaryong babae, na karaniwang makikita mo sa isang da...