HOPE' POVHindi ko alam ang nararamdaman ko,magagalit ba ako kay Mama o susundin ko nalang ang gusto nya na itigil ko na ang pagiging fangirl sa Westlife? (Malungkot na pag-iisip)
Siguro babawasan ko lang ang pag aadik ko sa kanila pero di ko sila titigilan. Naging bahagi na sila ng buhay ko.
Pinangarap ko rin silang makita sa personal pero di ko magawa. Dahil na rin siguro sa pera.
Ang hirap maging fangirl kapag walang wala. Ang daming bagay na gusto kong gawin pero di ko magawa. At ngayon galit pa si Mama dahil sa pagiging fangirl ko
Ano bang dapat kong gawin? (Tanong nya sa kanyang sarili)
(Hanggat siya ay nakatulog na)
-------
Other Day
Tok! Tok! Tok! (Tatlong beses na katok mula sa pintuan ng kwarto ni Hope)
Ate! Ate! Gising na. Anong oras na di ka pa rin gumagayak (Sigaw ng batang lalake)
Ang lakas naman ng boses mo Koa, ito na babangon na - Hope
(Si Koa ang nag-iisang lalaking kapatid ni Hope. Siya ay 16 na taong gulang at mahilig magsurfing)
(Pagbangon nito ay sabay bukas ng kanyang pinto)Himala ata Ate parang wala akong naririnig na ingay? Yung mga tugtugan mong pangmalakasan?! (Pabirong banggit) - Koa
Wala kang pakialam!Wala ako sa mood ngayon. Umalis ka na nga dyan at gagayak na ako - Hope
Siguro pinagalitan ka ni Mama kaya ka ganyan, ano bang nangyari kagabi?Narinig ko kasi ang ingay ng boses ni Mama - Koa
Di kana nasayan. Alis ka na dyan at dadaan ako. Malalate na ako. - Hope
(Si Koa ay tuluyan ng umalis at nagtungo naman si Hope sa C.R. para maligo)
AFTER A FEW MINUTES
Ate di kana kakain? - Koa
Aalis na ako at malalate na ako - Hope
(Diretsyong lumabas ng bahay si Hope na kala mo'y walang kausap)
Hayaan mo muna sya. Nagtatampo sa akin yan sigurado. Pinagbabawalan ko lang naman sya at baka masobrahan nya ang pagiging Fangirl nya sa bandang yun. Siya pa magagalit at magtatampo - Aling Thesa
Bakit mo naman kasi pinagbabawalan Mama? Di naman masama ginagawa ni Ate diba? - Koa
Hindi nga pero masyado na syang nahuhumaling sa banda na yun, kung ano-anong binibili akala mo may pera - Aling Thesa
May point ka rin Mama. Kasi naman tong si Ate, di muna magtiis malapit na rin naman syang makapagtapos ng pag-aaral. Kapag nakapagtapos na sya. Doon na nya gawin gusto nya, tutal smay trabaho na sya nun - Koa
BINABASA MO ANG
Lost In You
FanfictionNaranasan mo na ba maging tagahanga o Fangirl/Fanboy ng isang artist, banda at kung ano-ano pa? Pasukin at Tunghayan natin ang mundo ng pagiging isang Fangirl/Fanboy. Paano kung ang iniidolo natin ay mahulog sa atin? Ito ba ay posible o imposible...