-Kinabukasan sa Hospital-
(Maagang gumising si Hope upang magpaalam sa kanyang mga kaibigan at pinaki-usapan na ipaalam sya sa kanilang mga Prof. sa kadahilanang hindi siya makakapasok at siya ay magbabantay sa kanyang kapatid sa Hospital. Ang kanyang ina naman ay naghanap ng mapagkukunan ng panggastos nila)
Author's Note: Marahil madaming nagtataka kung bakit walang nabanggit na Ama si Hope, sa kadahilanang bata pa lamang sila ay iniwan na sila ng kanilang Ama upang mag-ibang bansa at wala pang balita rito mula noon)
(Tinawagan ni Hope si Ann para pagbilinan ito)
Hello Ann? Makikiusap sana ako sayo na ipagpaalam mo muna ako sa ating mga guro sapagkat walang magbabantay sa aking kapatid sa Hospital - Hope
Sige Hope! Kami na magpapaliwanag at kami na rin bahala sa activity mo. Huwag kang mag-alala babalitaan ka nalang namib - Ann
Sige Salamat! Tungkol pala sa concert, baka hindi na ako makabili ng ticket at yung pambili ay magiging allowance ko muna, marami kasing gastos si Mama - Hope
Okay lang yun, wag mo munang intindihin ang concert at intindihin muna natin ang kapatid mo na sana gumaling agad - Ann
Salamat Ann ah! Babawi talaga ako sa inyo - Hope
Okay lang yun Hope. Sige gagayak na ako at mag-iingat kayo - Ann
(Tuluyan na sila nag paalam at nagbabaan ng cellphone)
(Ilang minuto lamang ay dumating si Aling Thesa sa Hospital na may dalang ibat ibang klase ng prutas at naabutan si Hope na tila malungkot at naiiyak)
Oh Hope bakit parang umiiyak ka? - Aling Thesa
Wala po Ma. Naaawa lang kasi ako kay bunso - Hope
Huwag kana mag-alala okay na siya sabi ng Duktor at pahinga nalang ang kailangan niya - Aling Thesa
Mabuti naman po kung ganun - Hope
Anak, pasensya ka na pala at pati ang ipon mo madadamay pa. Pangako babawi ako pag nakaluwag luwag na tayo - Aling Thesa
Okay lang po yun Ma - Hope
Nabanggit pala sa akin ni Ann kung saan mo dapat gagamitin ang naipon mo, pasensya kana talaga - Aling Thesa
Ano pong sinabi sayo ni Ann? - Hope
Sa concert ng paborito ninyong banda,alam kong pinagtrabuhan mo yung pambili ng concert pero ganito naman ang nangyari - Aling Thesa
Opo sana Ma, kasi pagkakataon na rin po sanang marinig at makita ko sila pero ganito po ang nang yari - Hope
Oo nga Anak, di naman natin akalaing magkakaganito - Aling Thesa
Okay lang po Ma. Parami pang taon at siguradong babalik pa naman po sila - Hope
BINABASA MO ANG
Lost In You
FanfictionNaranasan mo na ba maging tagahanga o Fangirl/Fanboy ng isang artist, banda at kung ano-ano pa? Pasukin at Tunghayan natin ang mundo ng pagiging isang Fangirl/Fanboy. Paano kung ang iniidolo natin ay mahulog sa atin? Ito ba ay posible o imposible...