CHAPTER 14 - ALL OR NOTHING

29 5 18
                                    

(Maagang pumasok si Ann para kausapin ang iba niyang kaibigan tungkol sa palaro ng banda. Kinausap niya ang mga ito upang humingi ng tulong para sa kanilang gagawing video)

(Isa si Ann sa pinaka-sikat na studyante sa kanilang campus sa kadahilanang siya ay palakaibigan at isang mabuting tao. Isa rin siyang student leader sa kanilang paaralan)

Guys! May ipapaikausap sana ako sa inyo, kailangan ko kasi ng tulong nyo (Sambit niya sa isang grupo na nakaupo sa isang tambayan) - Ann

Ano ba yun Ann? Tutulong ako sa iyo - Girl 1

Alam nyo naman na gustong gusto ko ang bandang Westlife di ba?Magkakaroon kasi sila ng concert at magpapalaro sila para sa libreng ticket - Ann

Eh di ba mayaman ka naman, bakit kailangan mong sumali sa mga ganya Miss Ann? - Girl 2

Oo kaso may dahilan ako, by the way hindi lang ako sasali kasama ko ang dalawa kong kaibigan sana matulungan din nyo sila - Ann

Sige Miss Ann, ano bang gagawin namin? - Girl 1

Pagtapos naming gumawa ng video kailangang maikalat para mas dumami ang views pati narin ng mga reactors - Ann

Easy lang naman pala yan Miss Ann, hayaan mo pati maging sa ibang campus ay hihingi ako ng tulong tutal marami rin tayong naging kaibigan sa ibang campus - Girl 2

Maraming salamat sa inyo! Mamayang gabi kami gagawa ng videos at magchachat nalang ako sa mga Group Chat natin para masabihan ko kayo agad kung tapos na ang ginawa namin - Ann

Sige Miss Ann, maaasahan mo ang aming tulong! Sigurado kaming dadami ang makakakita at magrereact sa inyong video - Girl 1

Sige maraming Salamat! Sige mauna na ako at kakausap pa ako ng iba oara humingi rin ng tulong - Ann

(Habang naglalakad si Ann patungon sa ibang kolehiyo ay nasalubong niya sa Kathy na tila madaming iniisip)

Oh Kathy! Ikaw pala yan? Bakit parang ang dami mong iniisip? - Ann

Hello Ann? Iniisip ko ang concept ko mamaya sa gagawin nating video para mas lalong maging maganda ang video - Kathy

Wag mo isipin yun basta masaya ka gagawin mo ay ayos na. Isipin mo nalang ang ikakasaya mo at ikakasaya ng bawat manonood sa gagawin mong message - Ann

Sige! Sana maraming makakita ng videos natin para sa views at reactor narin - Kathy

Huwag kang mag-alala madami may nakausap na ako at sigurado akong matutulungan nila tayo - Ann

Ganun ba? Sige kakausap narin ako ng iba para makatulong sa atin. Kakausapin ko ang club ko sa pagbabasa at malaki rin ang maitutulong nila - Kathy

Magandang ideya nga yan Kathy - Ann

Sige mauna na ako at pupuntahan ko sila, alam ko ganitong oras ay nasa library sila. Sa room nalang tayo magkita - Kathy

Sige Kathy at may pupuntahan din ako saglit bago pumunta sa room - Ann

(Agad-agad na naghiwalay at nagtungo sa kani-kanilang pupuntahan)

---------

(Nakalipas ang halos kalahating oras ay nagkita na muli sina Ann at Kathy sa kanilang room at pinag-usapan ang kanilang mga nakausap)

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon