(Agad-agad binasa ni Kathy ang "I'll Be", pinagpuyatan niya ito at kitang kita sa kanyang mukha ang kanyang kilig sa karakter ni Kian. Ngunit wala pa rin siyang alam kung sino talaga si Kian Egan at hindi rin niya alam na may alam ang dalawa niyang kaibigan)
Sobrang kinikilig ako kay Kian Egan! Sana totoo itong tao at nakakatuwa talaga siya sa karakter niya sa "I'll Be" (Kausap niya ang kanyang sarili) - Kathy
(Ilang minuto pa lamang ay gumayak na sya at nagtungo na siya sa paaralan niya)
Hopeeee! - Kathy
Ikaw pala yan Kathy - Hope
Oo! - Kathy
Ba't parang iba ang ngiti sa iyong mukha? Mukhang in love ka ata? - Hope
Medyo! Hahaaa (Tawa ng malakas) - Kathy
Sino naman ang maswerteng lalaki na nagbighani sa isang tulad mo? - Hope
Hmmmm. Actually fictional character lang sya sa isang libro, sobrang romantic at talented nya. Kaso talaga hindi sya totoo - Kathy
Ibang klase ka talaga Kathy! Anong libro ba yan?- Hope
Yung sa "I'll Be". Masyado akong pinakilig kagabi habang nagbabasa, actually patapos na ako. Bawat chapter ng libro kikiligin ka talaga - Kathy
Si Kian John Francis Egan ba ang bida dyan?(Tanong ni Hope na tila walang alam) - Hope
Huh? Bakit kilala mo sya Hope? Nabasa mo rin ba about sa book? Reader ka rin pala? (Sunod sunod na tanong ni Kathy kay Hope) - Kathy
Hindi ko nabasa! Basta kilala ko sya, sikat yung book at si Kian eh - Hope
Kilala mo ata talaga si Kian? Paano? Eh di ka naman nagbabasa ng book? - Kathy
Basta! Tara na sa room - Hope
(Sila'y nagtungo na sa kanilang room at habang naglalakad ay wala paring tigil si Kathy sa pagkwekwento tungkol sa libro at tungkol narin sa kung papaano siya kiligin kay Kian habang binabasa ang libro)
(Naabutan nila si Ann na tila nanonood sa kanyang cellphone. At ito nanaman, kinuwento niya kay Ann ang tungkol sa libro maging kay Kian)
Ann! Nabasa ko na pala ang libro and I think nahulog na ako sa bida (May kilig habang nagsasalita) - Kathy
Eh si Kian Egan ay miyembro ng....... - Ann
(Napahinto si Ann sa pagsasalita nang nakita niya si Hope na tila nag quiet sign sa kanya)
Ano yun??? Miyembro ng??? - Kathy
Wala! Kako nababaliw ka na ata kay Kian, akala ko ba hindi ka pa ma-iinlove? - Ann
Na-inlove lang naman ako at hindi rin naman siya totoo, isa lamang siyang fictional character sa isang libro. Kathy
Paano pag may kagaya si Kian sa totoong buhay? Iibigin mo ba ito? - Hope
Mukhang malabong may totoong Kian, isa kaya syang perfect para sa akin at saktong sakto sya sa ideal man ko. So romantic! (Kinikilig) - Kathy
Libang na ata tong kaibigan natin kay Kian, patay na patay sya! Hindi nya alam na totoo si Kian (Pabulong na sinabi ni Hope kay Ann habang nagsasalita si Kathy) - Hope
BINABASA MO ANG
Lost In You
FanfictionNaranasan mo na ba maging tagahanga o Fangirl/Fanboy ng isang artist, banda at kung ano-ano pa? Pasukin at Tunghayan natin ang mundo ng pagiging isang Fangirl/Fanboy. Paano kung ang iniidolo natin ay mahulog sa atin? Ito ba ay posible o imposible...