(Maagang gumising si Kathy upang gumawa ng kanilang activity sa isa nilang subject, pagkatapos ay tinignan niya ang kanyang social media at bigla siyang nagulat sa kanyang nakitang announcement mula sa banda. Agad-agad niya itong binasa)
OMG! (Sigaw niya habang siya ay nagbabasa) - Kathy
(Napaisip siya at agad-agad siyang gumayak para pumasok at kita sa kanya ang saya mula sa kanyang nabasang balita)
--------
(Nakalipas ang ilang sandali ay nakagayak na siya at agad-agad na nagtungo sa kanyang paaralan)
(Ilang minuto lamang ay narating na niya ang kanyang paaralan at nasalubong niya si Ann na tila may iniisip na malalim)
Ann! Ann! (Sigaw ni Kathy sa kanyang kaibigan) - Kathy
Oh Kathy, ikaw pala yan - Ann
Oo. Bakit parang malungkot ka? - Kathy
Di naman masyado, bakit ikaw hindi ba? - Ann
Bakit ka naman malungkot? May nangyari ba? - Kathy
Wala! Iniisip ko pa rin ang concert - Ann
Ah ganun ba? Ako rin naman malungkot pero ngayon medyo okay na mula noong nabasa ko ang balita mula sa banda - Kathy
Huh? Anong balita? - Ann
Hindi ka talaga updated! - Kathy
Oo nga eh, medyo nanghihina talaga ako. Parang sinayang ko ang pagkakataon pero syempre inisip ko narin kaibigan natin - Ann
Oo nga eh pero wag kang mag-alala may pagkakataon pa ulit tayo mula sa kanilang balita - Kathy
Anong balita ba kasi yan? Bakit tayo magkakaroon ng pagkakataon ulit? - Ann
Ito na nga nabasa ko kanina sa isang page na may ipapa-games daw ang lads para sa mga fans nila rito sa Pilipinas at mananalo raw ng libreng ticket - Kathy
OMG! Totoo ba? Talaga ba? (Pagtatanong ni Ann habang kinikilig) - Ann
Oo! Totoong totoo! Wait check ko ulit sa page nila kung mayroon na ulit announcement - Kathy
(Agad-agad kinuha ni Kathy ang kanyang Cellphone para tignan kung mayroon na ulit announcement ang banda)
(Nagulat siya at hindi nagkamali, mayroon nga ulit announcement ang banda. Nakapaloob dito ang mga gagawin ng mga fans upang sila ay manalo ng libreng ticket)
Ann! Mayroon nga ulit announcement - Kathy
Anong sabi? - Ann
Saglit lang at babasahin ko lang saglit - Kathy
(Binasa niya agad ang announcement ng banda at sinabi kay Ann)
Mukhang mapapalaban tayo sa palaro nila para sa ticket - Kathy
Ano bang pinapagawa nila? - Ann
Isang message video para sa kanila at kung sino raw ang pinakamadaming reactions at views ay siyang mananalo ng ticket para sa concert - Kathy
Talaga ba?Kayang kaya ko yan! Ako bahala sa mga reactions at views! - Ann
Lagot! Late na tayo! Masyado tayong nalibang sa balita! - Kathy
BINABASA MO ANG
Lost In You
FanfictionNaranasan mo na ba maging tagahanga o Fangirl/Fanboy ng isang artist, banda at kung ano-ano pa? Pasukin at Tunghayan natin ang mundo ng pagiging isang Fangirl/Fanboy. Paano kung ang iniidolo natin ay mahulog sa atin? Ito ba ay posible o imposible...