Athory's POVNaguguluhan. Iyan ang salitang maaring ilarawan sa aking nararamdaman ngayon. I mean isa lamang akong normal na mamamayan nang Pilipinas na nagtatrabaho sa isang Convenient Store para sa pag aaral ng kapatid ko at isang Scholar sa Kolehiyo. Tapos ngayon nandito na ako sa isang weird na paaralan.
Dalawang oras pa lamang daw akong natutulog sabi nang doktor. Eh punyemas gabi ako nadisgrasya o kung anumang nangyari saakin. Paggising ko hapon na, tapos dalawang oras? Ano iyon Magic? Siguro.
Dahil gising na daw ako ay maari na daw akong lumabas mamaya. Which is actually nagpakaba saakin. Dahil hindi ko alam kung nasaang lugar ako ngayon paglabas ko. Hindi ko alam kung anong lugar ang bubungad saakin pag labas ko dito. As in I'm really confuse right now.
Iniwan na ako nang Doktor kanina kaya ako na lang naiwan dito sa Clinic mag isa. Wala na rin iyong mga istudyante sa labas kanina. Kanina pa sila nasa labas habang tinititigan ako na para bang isa akong unidentified specie.
Iyon na nga mag isa na lang ako dito sa kwarto. Pinakain na rin ako dito. Dahil alam kong wala pa akong kain simula kagabi. Kung ganon nga ang nangyari. Eh dalawang oras lang daw akong tulog.
Maraming bagay ang bumabagabag saakin ngayon. Paano ako napunta dito? At bakit parang ibang tao ako. Hindi ko alam, hindi familiar saakin ang mga bagay na nakikita ko. Napaka imposible ng mga nangyayare saakin.
Ang huli ko lang naalala ay 'yong matandang tinulongan ko na instead na siya ang mabubundol ng truck ay ako. Tama! 'Yong matanda. Ang weird ng mga pinagsasasabi niya. Hindi kaya may kinalaman siya dito?
Hindi ako naniniwala sa mga kulam or whatever stuffs na related sa ganun pero sa mga narinig ko hindi imposibleng 'yon nga ang nangyare. Naengkanto ba ako?
Gulong gulo na ako.
"Asan ba talaga ako?" ani ko sa sarili ko.
"Ano iyon Mr. Athory?" Tanong ng doktor. Umiling lamang ako bilang sagot. " Mr. Athory wala ka ba talagang naaalala? I mean naka- uniporme ka katulad nang mga istudyante dito nang mapunta ka dito. Kaya ibig sabihin istudyante ka rin dito." Iyan din ang tinanong niya kanina.Isa din iyan sa mga inaalala ko at pinagtaka ko kanina dahil naka-uniporme ako eh sa pagkakatanda ko hindi ganito uniporme ko. Umiling ulit ako bilang sagot. As in wala talaga akong maalala dahil hindi naman talaga ako taga rito. "How come wala kang matandaan eh kung nagkaroon ka nga ng amnesia you should also forgot your name which is not -"
Naputol ang sasabihin ng doktor nang malakas na bumukas ang pinto. Doon isang babae ang pumasok. Umiiyak ito. Sino naman ito?
"Thory anak." Anak? Ako anak nang babaeng ito? "Anak anong nangyari sayo? Bakit mo iyon ginawa anak? May problema ba? Bakit ka nagtangkang magpakamatay anak?" Umiiyak na sabi nito. Napaismid naman ako dahil sa yakap niya. I mean hindi ko siya kilala pero tinatawag niya akong anak? Gulong gulo ako. Tinitigan ko lang ang babaeng yumayakap saakin. Bakit niya ako tinatawag na anak? Ang kaninang confusion ko ay mas nadagdagan dahil sa ginang na ito. Anak? So ibig sabihin nanay ko itong babaeng umiiyak sa harap ko.
Pero paano ko naman ito haharapin? Ano ba itong nangyayare saakin?Alam ko na.....
"Sino po kayo?" Tanong ko dito. At parang gusto kong batukan ang sarili ko. Wala kasi akong maisip na sasabihin kaya umakto na lang ako na totoong hindi ko siya kilala. Naguilty naman ako dahil mas lalo pa itong umiyak. The F! What should I do?
"Ako ang nanay mo." Lumuluhang saad nito.
"Ahmm misis. Maari ko po kayong makausap tungkol sa lagay nang anak niyo?" Sinabi ng doctor ang lagay ko. About sa pagkabagsak ko na nag cause ng pagkawala ng ibang alaala ko. Pero I know na hindi iyon ang cause. Kasi I still remember every details ng buhay ko. And hindi ito ang buhay ko. Sa pagpaliwanag ng doctor ay doon medyo kumalma ang "nanay" ko kuno na may doktor sa gilid niya. Napatango na lang ito.
~©~
"He maybe suffering from a mild amnesia. Kaya hindi niya po kayo maalala. Hindi niya po maalala ang nangyari sa kanya as well as kung taga saan siya except sa pangalan niya. Iyon po ang dahilan kaya hindi niya po kayo maalala. Ngunit huwag kayong magalala dahil maaring maibalik pa ang mga alaalang iyon as I observe, dahil sa wala naman siyang puro sa ulo." Paliwanag nang doktor na ikinatango ng "nanay" ko sabay baling nang tingin saakin with her concern look.
~©~
Nakauwi na kami pagkatapos no'n. Medyo gabi na nang makauwi kami at namangha ako dahil sa ganda nang bahay namin. I mean hindi naman siya iyong mansiyon ang datingan pero ang ganda ng bahay ay iyong bahay nang mga taong may kaya doon saamin. Dalawang palapag na bahay ito. Hinawakan naman ni Mommy Jane ang balikat ko. Mommy o Mommy Jane. Iyon kasi ang pangalang sinabi niya saakin.
"This is our house Athory. I hope you remember. You can rest in your room. I'll cook dinner para mamaya. Uuwi na ang Daddy Eji mo. Siya rin is so worried about you kaya he pay a flight para makauwi agad mula sa bussiness meeting niya." I just nod and a maid suddenly approach us. "Escort Athory to his room. Rest baby, okay?" I just nod again as an answer.
"Tara na po Sir Athory." At sumunod na lang din ako sakanya. Pagkarating namin sa kwarto ko daw ay mas namangha ako. Ang ganda. Hindi ko alam kung anong nangyayare saakin but I know na it's something related doon sa matandang tinulongan ko. Dahil it's so wonderful to be true. Para akong nasa wonderland. I mean pangarap ko lang ang magkaroon nang ganitong kwarto tapos ito na.
Nahiga na ako sa kamang napakalambot at dinama iyon. Ang sarap. Ipinikit ko ang mata ko.
Ano kaya ang buhay na kakaharapin ko bukas? Kung panaginip man ito gusto ko ng magising kasi hindi ko na alam ang mga gagawin ko pa sa mga susunod na araw.
BINABASA MO ANG
I am an EXTRA
Mystery / ThrillerLiving in a fictional world is not what you think it is. What if I say that it is a trap? What if living there will take forever? Yes it is fun, full of Adventures. Living there is what everyone of us wish for. Fantasies, Romance and Mysteries. Fun...