Chapter 7: Gifts and Frustrations

11 3 1
                                    

Athory's POV

It is already 12 in the midnight pero hindi pa rin ako makatulog. Patuloy pa rin pumapasok sa isip ko ang mga salitang binitawan ni OX kanina. Oo hindi ako nasaktan, pero the thought na ang pagiging mahina ko ang magiging dahilan upang hindi na ako dito makalabas bothers me.

Tama siya about sa pagkawala ng mga informations about sa Gifted Program sa building nito dahil chineck ko rin kanina. Pati mga online informations ay wala din. Burado na lahat. At isa 'yon sa pinagtataka ko. Bakit nila ioopen ang isang program kung walang kahit isang information about sa program silang ilalabas? I mean if gusto nga nilang ipagpatuloy ang Gifted Program knowing na may kinahaharap itong issue in its past launching edi sana kahit kaunting information about the program ay maryoon sila, pero wala. I know something's fishy about this Program. I am also sure na whatever information ang tinatago nila ay may kinalaman kung bakit nahulog ang katawang ito sa building.

Kailangan kong makausap ang matandang nagdala saakin dito ngayon. Maybe kahit kunti may maitulong man lang siya sa iniisip ko. Siya ang may pasimuno nito.

12:30. I am preparing myself para matulog na nang biglang nahulog ang aking katawan sa kama ko. Akala ko ay natumba lang ako pero hindi. Holy Sh!t!!! How is this possible? I am standing right in the front of my own body! Hindi ito maari! Am I dead? Again? Susubokan ko sanang bumalik sa katawan ko when a hand grab my arm.

""Wag muna. Masyado pang maaga." sabi ng babaeng may hawak ng braso ko. Hindi ako makagalaw. I know who this girl is. Siya ang multo na laging nagpapakita saakin. Kahit na hindi nakakatakot ang anyo niya ngayon I can't help myself na matakot knowing na multo pa rin siya. "I won't try to scare you this time. I know na mapagkakatiwalaan ka. 'Wag kang matakot." she said. Nabawasan ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

"B-bakit ka nandito? A-anong k-kailangan mo? At bakit palagi kayong nagpapakita saakin?" utal kong bigkas. Kahit sabihin nating medyo panatag na ako dahil sa sinabi niya I still can't help myself na matakot pa rin dahil hindi na tao itong kausap ko. She just smiled and binitawan niya na ang kamay ko.

"Hindi mo pa rin ba halata? Isa ito sa mga abilidad mo." aniya sabay hagod ng kamay niya sa binti ng katawan ko. Bigla akong nakaramdam ng lamig sa parte kung saan niya hinagod ng kamay niya. "Astral Projection. Isang Psychic Ability kung saan nakakapaglakbay ang iyong katawan kahit na nakahiga ka lamang. Nahihiwalay ang iyong physical na anyo sa iyong ispirito, kasabay ng iyong malayang paglalakbay kahit na nagpapahinga ang iyong katawan. Lahat ng nararamdaman ng physical mong katawan ay mararamdaman din ng iyong ispiritong naglalakbay ngayon." dagdag niya. Tiningnan ko ang aking katawan na nakahiga sa kama at ang aking kamay. Magkaiba. Kaparehas ang anyo neto sa anyo netong kausap ko. Astral Projection? Abilidad ko? Ito na ba ang sinasabi ni Mr. Imperial na ability.

"Ibig sabihin kagaya ng kay Sky na may telekenisis ay ito ang abilidad ko?" tanong ko. Manghang mangha sa nasasaksihan ngayon. Isang tango lang ang nakuha kong sagot mula sakanya. "All this time ganun pala ginagawa ko?" dagdag ko pa.

"At iyan din ang dahilan kung bakit mo ako nakikita. Isa sa mga kayang gawin ng mga may abilidad ng Astral Projection ay ang makakita ng mga bagay na hindi dapat nasa inyong dimensyon. Isa akong entity from another dimention. Lahat ng namamatay sa mundo niyo ay sa ibang dimensyon napupunta. Napupunta sila sa ibang dimensyon na wala na ang physical na anyo at ang mga may kakayahan lang ng Astral Projection ang maaring makakita saamin. Sa madaling salita kaya mong makita ang iba't ibang dimensyon kung iyong gugustohin kasama na ang dimensyon ng kabilang buhay. Gaya ng ginawa ni Fraiah." paliwanag niya.

"Fraiah?"

"Isa sa mga matalik kong kaibigan. May kakayahan din siya gaya mo. Ang Astral Projection. Pero hindi kagaya mo hindi niya kayang maglakbay sa ibang dimensyon." aniya. Binigyan ko siya ng nagtatakang mukha. Anong ibig niyang sabihin sa kaya kong maglakbay sa ibang Dimensyon. Nagugulohan ako. "Ang lupang kinatatayuan mo ngayon ay ibang dimensyon na. Ibang Parallel Universe kumbaga. Nangyayare ang paguusap natin ngayon sa ibang dimensyon na may ibang oras at araw. Iyon ay dahil sa ikaw ang may gusto. Kagustohan mong mapunta sa aming dimensyon. Kaya everytime na naglalakbay ang iyong ispirito ay palagi kang napupunta sa dimensyon ng kabilang buhay."

I am an EXTRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon