Chapter 6

7 4 1
                                    

This Chapter is Dedicated to zenchinita. Thanks bhie sa pag Appreciate ng story ko. Love lots<3

Athory's POV

'Room 1TT43P'

Iyan ang mga letra at numerong nakalagay sa kwartong sinadya kong puntahan. Iyan ang mga numero at letrang kaniyang isinulat sa papel na ibinigay niya saakin nang tanggihan ko ang kaniyang alok tungkol sa pag-alam ng sekreto ng paaralan at nitong Gifted Program.

Dumeritso agad ako dito sa kwarto niya matapos kong magising medyo natatakot pa rin kasi ako sa kwartong iyon. Sa palagay ko'y haunted na iyon dahil sa pakiramdam ko na may nakatitig saakin.

Agad akong kumatok dito. Matapos ang ilang katok ay bumukas naman agad ito at bumugad ang mukha ni OX na kukusot-kusot pa nang mata na halatang kakagising pa lamang. Nang maibukas niya ng maayos ang kaniyang mata at malaman kung sino ang kumatok ay tumingin tingin siya sa magkabilang gilid ng corridor at agad akong hinila papasok.

~€~

Agad niyang ibinigay saaking ang kaniyang tinimplang kape nang makalabas siya nang kusina.

"Pasensya ka na hindi ko alam kung gusto mo nang Creamer kaya hindi ko muna nilagyan." saad niya matapos mailapag ang kape.

"Hindi okay lang hindi naman ako naglalagay ng creamer sa kape." sagot ko dito.

"Let's talk about bakit napunta ka dito? Nagbago na ba isip mo?" tanong nito at tinitigan ako nang seryoso.

"Matapos kong malaman- I mean nagdududa rin kasi ako sa sinabi ni Mr. Imperial tungkol sa sinabi niya na iba daw tayo sa ibang mga istudyante. At gusto ko rin malaman ang dahilan nang pagkamatay ng tatlong istudyante ng Gifted Students last five years. Hindi kasi ako kumbinsido na namatay sila because of stress and exhaustion sa pag-aaral. Ayaw kong madamay kung isa man itong gulo but I have no choice may kinalaman din ako sa sekreto ng Gifted program." kwento ko at hininaan ang huling sinabi na alam kong hindi niya narinig. Hindi ko rin sinabi na dahil sa nalaman kong isa sa past ko ay may kinalaman sa sekreto ng paaralan at ito ang daan para makaalis ako dahil alam kong magtataka lamang siya. Hindi ko rin sinabi iyong tungkol sa kaluluwa.

"Good then. Magkaka sundo tayo. Iyan din ang gusto kong malaman. Dumagdag pa ang sinabi ni Mr. Imperial na iba tayo sa ibang istudyante. Akala ko nang una ay mahihirapan akong makapasok sa Gifted Program dahil na rin sa mahirap makapasok dito. Swerte na rin kung tatawagin dahil nakapasok ako sa program kahit papaano mapapadali ang balak nating alamin ang kanilang tinatago." seryosong saad niya. Titig na titig lang ako dito. Hindi ako makapaniwalang ang taong tahimik at tila 'di makabasag pinggan nang una kong makita ay heto at hindi ko makitaan ng katangian ng una ko siyang maka usap.

"Huy nakikinig ka ba?"aniya na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"uhm yeah so anong plano natin?" tanong ko dito. Hindi na ako aangal kung siya ang gagawa ng pano dahil parang alam niya naman ang ginagawa niya atsaka hindi ko kabisado ang paaralang ito kaya mas mabuting siya na mag desisyon. Pero imbis na makakuha ako ng sagot ay isang ngisi ang binigay niya saakin na nagpa gulo saakin. Anong ibig sabihin ng ngising iyan?

~$~

Kinakabahan man ay hindi ko iyon pinahalata. Kasalukoyan ako ngayong naglalakad sa koridor papuntang unang klase ko para sa araw na ito. Hindi ko alam pero hindi maganda ang tingin ko sa araw na ito. Tahimik ang Koridor pero ang ingay ng isip ko ay nagpawala sa ingay na iyon. Hindi ito ang pangyayareng inaasahan ko. Magandang buhay, tahimik at walang gulo. Pero kabaliktaran ito sa nangyayare ngayon. Oo nga't wala pa akong gulong naeencounter sa araw na ito pero alam ko hindi magtatagal ay gugulo din. Sinisimulan na ito ng gulo sa isip ko.

I am an EXTRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon