Prologue

37 7 0
                                    


Athory's POV

"Anong ginawa niyo saakin? Bakit ganito?" sigaw ko. Apat na araw na itong nangyayare saakin matapos kong marinig ang nakakabinging ingay na narinig ko sa Gifted Museum.

Hindi ko alam ang nangyare after ko marinig 'yon basta may bumuhat saakin at pagkagising ko nasa harap na ako ng mga hindi ko kilalang mga tao.

"Sumama ka na lang ng matiwasay saamin, Mr. Park upang hindi kayo masaktan. 'Wag kang magalala aalisin namin 'yan basta sumama ka na lamang saamin." sagot ng isa sa mga taong iyon. Pero hindi ako naniniwala. Nakita ko kung paano nila gawin iyon sa isang istudyante at hindi iyon makatarungan.

"'Wag kang sumama sakanila." saad ng kung sino. Tiningnan ko ang paligid pero wala akong makitang kung sino na maaring magsabi nun.

Kinabahan ako nang humakbang ang isa sa sakanila palapit saakin.

"Wag sabi kayong lalapit saakin!" sigaw ko. Gusto ko nang magpahinga. Pagod na pagod na ako kakatakas sa kanila. Kung ito man ang maging huli kong araw sana may magsiwalat ng mga gagawin nila sa mga istudyante. Hindi maaring gawin nila iyon ulit.

Pero alam kong makakaligtas ako dito. Hindi maaring dito na lang matapos ito.

Akmang hahakbang pa sana ang isa sa kanila pero hindi ko na ito binigyan ng pagkakataon na makalapit. Agad akong tumalon sa taas ng building na kinabibilangan ko. Nakita ko kung paano sila nagsinghapan at nagmamadaling tumakbo paalis.

Hindi ako mamatay dito. Unti unting nilamon ng dilim ang katawan ko kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Sobrang sakit ang rumehistro sa buong katawan ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyare kasunod nun.

Tanging mga iyak lamang ang naririnig ko kasabay ng tunog ng makina hudyat na tumitibok ang puso ko.

Hindi pa ako patay.

I am an EXTRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon