Into The Woods

81 37 4
                                    

Nakaupo si Carolina sa sofa katabi nito ang alagang aso na husky

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakaupo si Carolina sa sofa katabi nito ang alagang aso na husky. Naagaw ng kanyang atensyon ang balita sa telebisyon.

"Isa na namang aksidente ang naganap sa road 180..." ayon sa reporter

Pagkatapos ng balitang iyon ay pinatay na niya ang telebisyon. Pumunta ito sa kanyang kwarto.

Paglabas niya ay dala na nito ang kalakihang bag, pati na ang isang maliit na slingbag na nakasukbit sa kanyang balikat.

Ngayon ang alis niya papunta sa cabin nila. Paalam niya sa magulang ay kukuha lang siya roon ng litrato para sa nature photography niya.

Sa ngayon ay off muna siya sa trabaho bilang secretary. Nagsara kasi ang kompanya kung saan siya nagtatrabaho.

Alam niyang importante sa kanya ang trabaho niya. Malaki ang sahod kaso naririndi siya sa Boss niya lalo na sa asawa nito. Gusto niya muna ng ipahinga ang sarili.

-----000-----

"Hello babe, papunta na ako ngayon sa cabin. Doon nalang tayo magkita."

Medyo maputik daan papasok sa cabin nila. Sanay naman siyang dumaan doon. Ilang beses na siyang pumupunta roon lalo na kapag gusto niya ng katahimikan.

Kausap nito ang nobyo sa kabilang linya. Hindi niya namalayan ang pagsulpot ng kung anong nilalang. Sumalpok ito sa harap ng kanyang kotse kaya napahinto siya.

"Shit naman ohh!"

Bumaba siya sa kotse para tingnan kung ano iyon. Dahan-dahan siyang dumungaw sa harap ng kotse. Napangiwi siya nang makita ang isang duguang usa.

Hindi man lang siya nag-abala na hilahin ang usa sa gilid ng damuhan, bagkus pinagulungan niya pa ito gamit ang umaandar na kotse.

Sa paglayo ng itim na kotseng iyon ay siyang paglabas ng isang nilalang mula sa puno. Tila nasasabik ito sa kanyang pagbalik.

-----000-----

Nang sumapit ang hatinggabi ay siyang pagdating ng isang binata sa harap ang cabin. Pinark nito ang motor sa gilid at mabilis na tinungo ang pintong may disenyong ugat ng puno.

Kumatok si George sa pinto. Sa pangatlong katok nito ay siyang pagbukas ng pinto. Sumalubong sa kanya ang nobyang nakangiti. Mabilis siyang pumasok loob saka hinubad ang jacket at helmet na suot.

Hinila nito ang dalagita papasok ng kwarto. Inihiga siya nito sa kama at mapusok itong hinalikan sa leeg. Gumapang ang mga kamay nito sa katawan ng babae. Nakatingin lang sa kanya ang nobya na tila hinahayaan siya.

TALES FROM HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon