Hidden Paradise 2

108 34 2
                                    

Parang walang nangyaring iniwan ni Axcel ang walang buhay na katawan ni Daniel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang walang nangyaring iniwan ni Axcel ang walang buhay na katawan ni Daniel. Tinungo nito ang daan palabas ng kagubatan.

Sa kanyang paglapit sa dalampasigan ay natanaw niyang nakaupo si Trixie sa mapinong buhangin. Nakatingin ito sa asul na karagatan.

Maingat itong naglakad papunta sa babae. Dahan-dahan na parang bang ayaw makagawa ng kahit anong kaluskos.

"Ako'y nagagalak dahil sinunod mo kung ano ang nararapat," turan ni Axcel kay Trixie kaya tumayo ito at humarap sa lalaki.

-----000-----

1hour earlier

Tarantang dinaluhan ni Hannah ang nangingisay na si Trixie. Pawisan ito na para bang namumutla. Nanginginig ang kamay nitong pinahiga nang maayos habang patingin-tingin sa palagid.

"What the hell! Guys..where are you? Help us please!" Nanginginig na sigaw nito saka niyugyog si Trixie.

"Englishera pero walang ideya!" malakas na sambit nito kay Hannah.

Tinusok nito ang nakabukang bibig ng kaibigan. Nanlaki ang mata ni Hannah habang nakatingin kay Trixie na tila hinahanapan ng sagot kung bakit ito nagawa sa kanya.

Lumabas ang malapot na dugo sa bibig nito. Napaatras ang babae saka tumihaya. Napaubo ito na pinipilit kunin ang mahabang kahoy na pumasok sa lalamunan nito.

Agad na nilapitan ni Trixie at tinapakan ang bibig ng kaibigan. Tumagos ang dulo ng kahoy sa likod nito na siyang nagpatalsik ng pulang kulay sa puting buhangin.

Hindi pa ito nakuntento dahil kumuha pa ito ng bato sabay hampas sa mukha ng kaibigan hanggang madurog.

Tumalsik ang dugo't laman nito sa kanyang mukha kaya pinahid niya iyon

"Success! Pagpatay kapalit ng pag-ibig niya."

-----000-----


"Piece of cake Axcel. Alam mo naman gagawin ko ang lahat dahil mahal kita," ani nito sabay gawad ng halik sa lalaki.

Nasa tabi nito ang nakatihayang walang buhay na katawan ni Hannah.

Palubog na ang haring araw sa sandaling iyon. Kapwa nakaupo pa rin sina Axcel at Trixie sa gilid ng dalampasigan. Hinihintay nilang kumagat ang kadiliman bago lisanin ang naturang isla.

"Trixie bilang pagsunod mo sa 'kin. Gagawaran kita ng isang gantimpalang alam kong iyong ikakatuwa," sambit nito na may pakagat labi.

TALES FROM HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon