Valentine's Massacare 4

66 36 2
                                    

"Naalala n'yo na ba ako? Ang babaeng bumangon sa putikan para burahin at singilin kayo sa kasakiman n'yo!" bagsik na sigaw ni Feya sa kaharap na si William at Gevana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Naalala n'yo na ba ako? Ang babaeng bumangon sa putikan para burahin at singilin kayo sa kasakiman n'yo!" bagsik na sigaw ni Feya sa kaharap na si William at Gevana.

"Stop your silly game Feya!" pagsagot ni Gevana.

Nilapitan niya ito at ginawaran ng isang malakas na sampal sa magkabilang pisngi.

"Ayan para magising ka sa katotohanang isa kang ahas na pumupulupot lang. Handang tuklawin ang magandang buhay na meron ang iba, at bago ko makalimutan para 'yan sa pagsampal mo sa 'kin dati. Pasalamat ka at may kunting awa pa ako kundi ilalampaso ko yang mukha mo sa magaspang na sahig. Katulad ng ugali mong may kagaspangan!"

Habang nagtatalo ang dalawa ay agad na kumilos si William para pigtasin ang tali sa kamay nito. Mukhang walang epekto ang ginawa niya.  Nagkasugat lamang iyon.

Ilang sandali pa ay nakita nito si Feya sa harap niya na may matalim na tingin.

"At sinong nagsabi na pwedeng tumakas ang isang taong hindi pa alam ang buong katotohanan!"

Sa pagsambit niyon ni Feya ay walang pagdalawang isip na iginuhit nito ang talim ng kutsilyo sa kamay ni William. Napasigaw ito sa sakit.

"William, ikaw ang dahilan bakit ako naging ganito! Bakit ako naging mamatay tao. Isang tradisyon ang sinusunod ko tuwing araw ng mga puso. Walang awa kong pinapatay ang mga taong alam kung pinaglalaruan lang ang mga puso ng taong may tunay na paninindigan sa ngalan ng pag-iibigan!"

"It's not my fault Feya, I just want to removed a messed in my life and that is you!" may pagdiin na sigaw nito na halos saktan na ang kaharap.

Halos magawala si Feya sa binigkas na iyon ni William. Hindi niya na makontrol ang sarili niyang galit kaya kumilos ang kamay nito na akmang sasaksakin na ang lalaki ng biglang may tumutok sa batok nito ng baril kaya ikinagulat nito.

Isang taong nakamaskara na kulay pula ang biglang dumating sa gitna ng kanilang pagtatalo. Nakasuot ito ng kulay pulang suit. Imbes na iputok nito ang baril sa batok ni Feya ay inilihis nito ang baril. Sapul ang mukha ni Gevana ng

Sumambulat ang dugo't laman sa mukha nina William at Feya. Kitang-kita kung pano bumulawak sa butas na mukha nito ang pulang likido pati na ang laman nito.

"Gevana, Mga hayop kayo! Mga
saki—!"

Hindi na natapos nito ang sasabihin nang lagyan ni Feya ng basahan ang bunganga nito.

"Dapat lang sa kanya ang bala na 'yon William. Hindi mo ba natatanong sa sarili mo kung bakit sa ilang taon na gingugol mong mahanap ang tunay mong magulang. Wala kang napapalang kasagutan, dahil ikaw mismo ang kumitil sa buhay nila!"

Napatigil si William sa pagpupumiglas na para bang may may malalim na iniisip. Parang natutulala ito sa pagkakataong iyon habang kaharap si Feya. Nilapitan siya nito saka bumulong sa kanyang kaliwang tenga.

"Kahit hindi ko sila tunay na magulang masakit sa 'kin na mismong anak nila ang kumitil sa mismong buhay nila. Ang anak nilang pumaslang sa kapatid ko! Wala sa plano kong idamay sila William. Sadyang hindi ka lang talaga nag-iisip. Sana malunok mo na ang leksyong nararapat sa'yo!" bulong nito kay William.

Bawat kataga ay may kaakibat na pagpunit sa puso ng bawat isa. Tumulo mula sa mata ni William ang likido nang pagsisi sa realisasyon na nahinuha.

"Halika na Feya" sambit ng lalaking nakamaskara na may malalim na boses.

Mabilis namang sumunod si Feya. Pag-alis ng dalawa ay may pumasok na dalawang naka-suit na lalaki.  Lumapit ito sa kanya saka itinurok ang syringe na may berdeng likido.

Sa pagdaloy niyon sa kanyang sistema ay siyang pagkawala ng kanyang ulirat.

-----000-----


Naimulat ni William ang kanyang mata dahil sa nakakasilaw na ilaw. Kapwa nakatali ang kamay at paa nito sa isang operation table. Napagtanto niyang ilaw pala iyon na ginagamit kapag may nagpapa-opera.

Sisigaw pa sana siya ngunit tanging ungol lamang ang lumabas sa bibig nito.

Maya't maya pa ay bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang naka-coat na kulay black ba  naka-surgical mask. Hila-hila nito ang mesang de-gulong.

Laking gulat nito nang makita kung ano ang nasa mesa. Mga gamit na pangkatay at pang-opera. Kinuha ng naka-surgical ang tela na nasa bibig ni William kaya nagsisigaw ito, pero pawang bingi ang nasa harap nito.

Agad na lumapit ang isang naka-coat sabay gapang ng kamay papunta sa kutsilyo. Hiniwa nito ng dibdib ng lalaki papunta sa pusod na siyang dahilan upang lumabas ang masaganang dugo mula rito.

Agad namang isinaksak ng isang naka-coat ang driller saka walang pasabing itinutok iyon sa ulo ni William.

Sa pag ikot ng driller papasok sa kanyang ulo ay isang malakas na sigaw ang bumalot sa kwartong iyon. 

Katawang itinapon sa nakaraan, babangon muli sa kasalukuyan para ihandog sa inyo ang kaparusahan.

TALES FROM HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon