Dedicated to k_chichoo
PROLOGUE
" KALI!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ang dumagundong sa buong mansyon ng mga Romualdez.
"Arghhh, walanghiya" napahawak ako sa likod ko ng dahil sa sakit ng mahulog ako dahil sa gulat ng kung sino man ang sumigaw na iyon. "Ang sakit ng pwet ko" pagrereklamo ko pa habang tumatayo na sa pagkakahulog sa kama habang himas himas ang pwet ko na napuruhan din sa pagbagsak ko.
""Kaliiiiiiiiiii, gising na pasok na tayo sa school" sigaw na naman ng walang hiyang lalaking nahimigan ko na kung sino.
"Ito na , ito na. Bwesit ka, bakit pa ba kasi nandito" naiinis kong tugon sa kanya at tumungo sa cr ko para maligo. Bwesit, nauna pa ang malakas na sigaw niya sa alarm clock ko. Bakit ba kasi ang aga niyang mambulabog.
Naligo na agad ako at nagbihis ng uniform. Nang bumaba na ako para mag almusal ay nakita ko ang demonyong sumigaw kanina na nakaupo sa pwesto ko habang kumakain. "Ang kapal talaga nang mukha nang lalaking to" mahina kong tugon.
"Good morning Kali" aniya na may malapad na ngiti sa labi.
"Walang good sa morning Arren, lalo pa at ikaw ang una kong makikita. Parang wala kang bahay ah" ako na tinaasan siya nang kilay. Ganito ko talaga siya tarayan. Magkapitbahay lang kami, kaya nga kami naging mag best friend eh.
"Ayy, ganon. Tita ohhhh, yung anak niyo pinapaalis na ako" aniya kaya napakunot ang noo ko. Pinapaalis? Lah!, Walanghiya. Di naman ah. Bwesit makapagsumbong to ah. Close na close din kasi sila ni mommy, ni kuya at ni daddy kaya ganyan siya umakto. Close din naman ako sa mga magulang niya kaso masyadong busy sila tita eh, kaya dito yan tumatambay, nakikikain. Kapalmuks.
"Kaliyah Eunice Romualdez, bakit mo ginaganyan ang kaibigan mo" si mommy na kakalabas lang nang kusina. Bwesit talaga ang lalaking to. Nakita ko naman yung bwesit na binilatan ako.
"Grey Arren Guevara, humanda ka sa akin mamaya" bulong ko sa kanya nang papaupo na ako sa tabi niya. Nakita ko naman na nawala ang ngisi niya. Haha takot sa akin to eh, matigas lang yan kapag nandiyan si mommy.
Kumain na kami agahan at pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Arren para pumunta na sa school.
__________________
Guys, hope you support this story of mine. This is my second story na ipinublish ko, so hope you read this and support this one.
Thank you 😘
God bless ❤️Enjoy reading ❤️
Thank you very much for the book cover k_chichoo
-maendaikim