Jonathan POV
*nag alarm*
Jonathan: *kinuha ang alarm clock* *pinatay ang alarm at tinignan ang orasan* Hala late nanaman ako sa pasukan *sabay nahulog sa kama sa katataranta dahil mahuhuli nanaman sya sa pasukan*. Bago ko muna ituloy ang aking kwento ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Jonathan, 16yrs old, Grade 11 palang ako at sasabihin ko nalang mamaya yung ibang detalye mamaya tungkol sakin pero bago iyon ay kailangan ko na muna magbihis at may quiz pa akong gagawin kaya bawal ang absent kung hindi babagsak ako sa quiz at ayokong mangyari iyon.
Nakarating na si Jonathan sa eskwelahan at buti nalang ay di pa sya late sa pagpasok nya sa classroom. Kasabay nun ay ang pagsalubong ng kaibigan nya na si Robert at si Aira ang kanyang close friend (na crush nya din).
Robert: Oy ang aga mo ngayon ah.
Jonathan: Ha? Kala ko late nanaman ako eh nagpanic pa naman ako pagpasok dito sa school.
Aira: Kaya naman pala magulo ang buhok mo *sabay tawa*
Jonathan: Oo nga eh di pa pala ako nakapagsuklay neto sa kakamadali tsaka sayang yung grades mamaya sa quiz.
Robert: Kaya pala basa pa buhok mo eh siguro di ka nag shampoo noh?
Jonathan: Oy grabe ka naman sakin nag shampoo kaya ako.
Aira: Paamoy nga. *inamoy yung buhok ni Jonathan* Hindi nag shampoo sya di lang nagtuyo ng buhok, tignan mo tumutulo pa sa buhok mo oh.
Jonathan: Yaan mo na matutuyo din yan tapat ko lang ito sa aircon eh HAHAHA.
Robert: Wag mangangamoy shampoo yung classroom natin *tawa nya*.
Habang naguusap kami ng mga kaibigan ko ay dumating naman ang tropa ni Robert na si Ivan at sumingit naman sa usapan namin pagdating nya lamang sa loob ng classroom.
Ivan: O kumusta na mga buhay buhay nyo dyan? *ngiti nya*
Robert: Oh ikaw na pala yan Ivan. Sya nga pala nabasa ko timeline mo sa Facebook, birthday mo pala ngayon di mo sinasabi sa amin. Happy Birthday tol ah.
Ivan: Salamat tol.
Aira: Happy Birthday din sa iyo Ivan. May come your wishes come true.
Ivan: Salamat din sa iyo Aira.
Jonathan: Happy Birthday din sa iyo Ivan *ngiti ko sa kanya*. Ilang taon ka naba?
Ivan: Salamat din sa iyo Jonathan sa pagbati sa akin. 17yrs old na ako at syempre imbitado kayo lahat sa party ko mamaya pagkatapos ng klase natin.
Habang nagkukwentuhan kami ay nagsilapitan yung mga iba pa naming mga kaklase para batiin si Ivan ng "Happy Birthday" at syempre inimbita din silang lahat ng kaklase namin kasi yung mga magulang nila ay mayaman kaya ganyan si Ivan kahit sino pedeng mag imbita ng kaibigan nya at maging sa mga tropa nya. Dumating na ang aming guro at pinaupo na kami sa tamang pwesto.
Ms. Risse: Good morning class!
Classmates: Good morning din sa inyo Ms. Risse.
Aira: Ms. Risse, birthday po ngayon ni Ivan.
Ms. Risse: Oh birthday mo pala ngayon. Happy birthday sa iyo. Ilang taon ka na?
Ivan: Salamat po Miss. 17yrs old na po ako *ngiti nya*.
Ms. Risse: Ok class canceled muna natin yung quiz ngayon, bukas nalang natin uumpisahan. Sa ngayon ay mag didiscuss muna ako para madagdagan yung mga questions sa darating na quiz at pagkatapos ng klase na ito ay magbibigay naman ako ng assignment.
BINABASA MO ANG
Happy Birthday
RandomThis is my Third story at sana magustuhan nyo po itong istorya na ito. I hope na maging interesado kayo sa storya na ito. Sorry nalang po if ever na makakita kayo ng typos or maling grammar at kung maari po sana na i follow ako if ever na interesado...